Unibersidad 2

36 4 0
                                    

Unibersidad 2

I.
https://www.facebook.com/SIGAWPhilippineHorrorStories/posts/848290602579211

Awkward pakiramdam ko nung magkasama kami ulit nila eva pero nung umuwi na sila, may ipinakausap sakin si noel. Wag ko ng uungkatin yung naging away nila yna at eva lalo pag kasama nila eva si ramon. Ayaw nya kasing malaman ng kuya ibarra nya. Ayaw nyang mas lalong umayaw mga kuya nya kay eva. Mula din nun, dun na kami pinapatulog ni ser anton sa bahay nya. Kaso ako di ako pwede lagi at ayokong maiwan mag isa si nanay sa bahay pag wala ang kuya tom at kuya dan ko. Yung iba ko kasing mga kuya ang tingin sa nanay namin eh uripon nila.
Minsan minsan lang ako nakakatulog sa bahay ni ser anton. At nung ikaapat na gabi kong makatulog dun, nakilala ko kapatid ni ser na si kael. Pagpasok pa lang namin sa gate, umatras na si maki. Nagtaka ako. Kako bakit?

"Ay shit nandyan si kael" si paul ang sumagot.

Si yna at noel natuwa. Kasi ampogi daw nun sabi ni eunice. Amp. Harot. Hahahaha. Inakbayan ni noel si maki.

"Kasama mo kami tol" sabi nya

"Samahan nyo rin ako khit iihi o tatae ako?" Tanong ni maki. Seryoso pagtatanong nya

"Onaman" sagot naman ni noel.

Kaya pumasok na kami. Nagluluto na si ser anton nung dumating kami. Pag upong upo namin may lumabas sa isang kwarto. Matangkad din katulad ni ser anton at tisoy. Pogi nga hahay. Nakipagkamay sya samin. Nasabi ko sarili ko ang weird nya kasi inamoy nya kamay ko nung nakipagkamay sya. parang alam nya kung anong ginawa ko kagabi hahahhsshshs.
Nung si noel na kinamayan nya ngumisi sya. Yung excitement ni noel kanina, nawala. Binawi nya agad kamay nya na hawak pa rin ni kael. Tapos sunod na tinignan ni kael si maki. Umupo sya sa tapat ni maki.

"Maki, nandito si mama. Nakikita mo sya?" Tanong ni kael. Nagbaba ng tingin si maki. "Wuy maki. Sabi ni mama hello daw"

Nagtakip ng tenga si maki at pumikit. Hinila na ni paul si kael palayo kay maki pero ayaw paawat ni kael.

"Wag kang bastos maki naghahi si mama sayo"

Natigil lang sya nung lumapit si ser anton sakanya sabay hampas ng sandok sakanya.

"Pumasok ka na sa loob ng kwarto mo baka sunod kong ihampas sayo maso na" sabi ni ser.

Nginitian lang sya ni kael tapos tuloy ulit na pinipilit nyang magmulat ng mata si maki. Ang ginawa ni ser niyakap nya sa leeg si kael at sapilitang pinasok sa kwarto nito. Iisa nakikita ko sa mukha nila yna, gusto na nilang umalis.

"Pasensya na kayo sakanya. Pero mabait yan. Dun na lang tayo sa kwarto ko mamaya para di nya kayo magulo. May sarili na kong banyo maki sa kwarto ko. You'll be fine" pagpapaliwanag ni ser.

Kaso hind naging fine. Akala ko magiging fine kasi naka aircon kwarto ni ser. Eh di malamig. Sarap matulog. Nasa kasarapan na ko ng tulog nung maapakan ni yna bayag ko. Ang pwesto kasi namin nasa sahig kami, ako yung nasa tabi ng silong ng kama, si paul, maki, noel at yna sa tabi ng pinto. Namimilipit ako sa sakit nung mapansin kong ako na lang ang nsa sahig. Sila nakasiksik na kay ser. Nakatalukbong ng kumot si maki. Bago ako makisiksik din saknila, naptingin ako sa siwang ng pinto. Ngina may nakasilip. Kala ko si kael pero kako bakit parang babae? Tapos bigla na lang nawala. Talon ako sa kama. Dun na nagising si ser.

"Bakit?" Tanong nya. Hindi pa rin sya bumabangon.

"May nakasilip sa pinto ser" si yna

Bumangon si ser. Tinignan si yna. "Si kael?" Tanong nya. Umilng si yna.

Tumingin si ser sa pinto. Nagsalubong ang malalinta nyang mga kilay. Bumaba sya ng kama. Sumilip din sa siwang. Tapos humarap sya samin. Bumuntong hininga at binuksan ang pintuan.

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon