RAUL

36 2 0
                                    

RAUL

Hello, nababasa ko ang daming nagse-send ng hôrrôr stories sa page na to so ishe-share ko rin sakin.

Bata pa ako ng mangyari ito pero naaalala ko pa rin dahil laging namin pinag uusapan yun ni kuya. Tumira kasi kami dati sa probinsya pero yung mga bahay ay malalapit samin, sa gilid kase ng daan yung bahay namin and may kapitbahay kaming may malaking tindahan.

Mag-asawa ang nakatira dun at yung bunso nila, naalala ko pa na tuwing bumibili ako sa kanila ay yung lalaking asawa ang nagbabantay at masungit siya. Ang pangalan nung lalaki ay Raul. Tapos isang gabi, nakarinig kami ng may nagtatambol sa bahay nila and medyo may mga tao dahil tao lang naman sila katulad samin.

Sinubukan naming sumilip ng kuya ko pero pinigilan kami ng mama namin, tatlo lang din kami sa bahay dahil yung papa ko nasa ibang bayan nagtatrabaho. Sabi ng mama ko uminom daw ng lâsôn si Raul kaya natakot kami, nagbukol daw tiyan at ilang ilang araw lang nâmâtây siya.

Ilang araw din pagkatapos nilang ilibîng at iburôl ay nagparamdam siya, gabi nun mga 7. Syempre sa probinsya 5 pa lang ata or 6 pm nasa loob na mga tao lalo na't walang kuryente. Ayun nga, pagkatapos namin kumain edi patunaw muna. Nasa sala kami ng kuya ko nun nang tumunog yung cellphone na barbie barbie na alam ko alam niyo rin, yung "ayayay ayayay" ganun na may tunog. Bili kase sakin yun ni papa at kuya, meron din siya na panlalaki.

Tumunog yun all of a sudden ng hindi pinipindot or ginagalaw kaya hindi namin pinansin, namatay naman pero tumutunog din bigla. Natakot na kami kase kailangan pa yun pindutin bago tumunog at wala naman tumatawag kase laruan lang yun. Kahit takot pinatulog kami ni mama, pero nakarinig kami nun ng something sa bubong and parang may tunog ng hayop o ibon sa taas, dahil nagbebenta kami asin dati at gin, nilagay ni mama yung asin sa buong bahay tapos sumigaw din siya na umalis na kung ano man yun.

Alam namin na aswang iyon pero kami ng kuya ko walang pakealam kasi bata pa nga kami, natulog din kami pero yung cellphone namin na laruan tumutunog siya kada minuto. Tinago yun ni mama tapos natulog kami pero nagising din kami sandali dahil nga tumutunog pa, kaya ang ginawa ni mama tinanggal niya yung battery nung mga laruan namin na cellphone at tinago. Naalala ko talaga nun mga alas-tres tumunog yun.

Eh wala na ngang battery, e tapos hindi na rin siya titigil, hindi ko alam pano napatigil ni mama yun o baka kusang tumigil, hindi rin natulog si mama nun tapos mga alas-4 na ng umaga nun may tumunog sa dingding namin.

Natakot na kami nun, tapos may alaga kaming baboy sa gilid ng bahay namin, umiingay sila kasabay ng tunog sa dingding, yung tunog is parang may pinapadaan na kahoy and sumasayad siya sa dingding namin. Pagkaumaga umalis kami sa bahay at nakitulog sa tita namin. Sabi ng kuya ko si Raul daw yun, kase si Raul yung pinagbigyan ng cellphone ni papa, padala samin nung dumaan siya sa bayan tapos kada madaling araw daw palaging kumukuha ng mga punong kahoy o panggatong galing sa gubat sa likod namin.

Kaya until now, hindi nababanggit sa bahay namin iyong pangalan na Raul kahit pâtây na yung mama ko, sabi kase niya dati wag daw babanggitin pangalan niya bilang respeto dahil parang nagpâkâmatây siya sa pag inom ng lâsôn.

Coy
2022
SMNHS

#USFComeback


📜University Secret Files
▪︎2022▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon