PROVINCE LIFE

45 5 0
                                    

PROVINCE LIFE

Purely Bisaya po ako, hindi sanay sa tagalog. Hindi rin po ako marunong magkwento pero sana maiintindihan niyo.

Share ko lang yung creepy stories ko mula noong bata pa ako hanggang ngayon. Sa bukid po ako nakatira at pinanganak ng Davao. Yes, purely Bisaya po ako. Anim po kaming magkakapatid, apat ang lalaki at dalawa lang ang babae. Ako naman po ang bunso sa magkakapatid. Mahirap lang kami at nakatira sa probinsya. If I'll describe my birth place, walang kapitbahay. Malayo sa kapitbahay kasi ayaw ng lolo ko na may tumirang ibang tao sa lupa which is pag-aari ng great great grand father namin. Medyo malapit kami sa may sapa at yung lugar namin ay napapaligiran ng malalaking punong kahoy at walang kuryente.

Fast forward tayo. Simula pa nung bata pa ako, isa yung pamilya namin sa nakakaranas ng mga hindi normal na pangyayare. Katulad ng nakakarinig kami ng batang umiiyak bandang 6 pm. May nakikita rin kaming nagbabagang apoy sa kalagitnaan ng gabi. Meron ring nagpapatugtug bandang 3 am which is kinilalabutan talaga kami pero dahil sa nasanay na kami, ipinagsawalang bahala na lang namin. At yung panghuli ay ang gabi-gabi nagpaparamdam sa amin ang aswang. Hindi pa ako nakakita ng aswang pero yung ama ko nakakita na raw siya. Ikinuwento niya sa amin yung may nakasalubong siyang matanda sa may sapa at kitang-kita raw niya kung paano naging pusang itim yung matanda.

Ito na nga, ina-narate ko na ang creepy experiences ko at baka naiinip na kayo. Unang karanasan. Ito ay nangyayare nung 7 years old pa ako (Grade 2 pa lang po ako nun). Kapag kasi araw ng pasukan maaga kaming gumigising ng kapatid ko para pumunta sa sapa para maligo. Sa natatandaan ko bandang 4 am yun. Papunta pa lang kami sa sapa ng may mapansin kaming naliligo sa pwesto namin. Nagdadalawang isip kami ng kapatid ko kung tutuloy ba kami or hindi na lang. Tatlo lang kami nun. Ako, yung ate ko at kuya ko. Madilim po yung sapa nung time na yun kasi nga 4 am pa lang. Hindi namin maaninag kung sino yung naliligo kasi maitim yung form parang anino. Nakatalikod lamang siya.

Sobrang nanginig po talaga ako nun at hindi makaimik dahil sino ba naman ang hindi mabibigla na wala naman kaming malapit na kapitbahay. Bumalik kami ng kapatid ko sa bahay namin at ikinuwento kay mama. Sabi ng mama ko ay palagi raw niyang natsetsempohan ang maitim na naliligo sa sapa kaya lumipat daw siya ng pwesto malayo dun sa nagpapakita kapag maliligo siya sa may sapa. Simula nun hindi na ako naliligo sa sapa namin tuwing 4 am bagkos ay naliligo ako pagsapit ng 5 am at kung maliligo man ay hindi ako papayag ng hindi kasama si mama.

Yung pangalawa ko namang experience ay yung nagpaparamdam na baliting kahoy. Hindi ko alam kung maniniwala kayo pero ito talaga ay naranasan ko. Nakaugalian na namin ng kapatid ko na manguha ng iba’t ibang pagkain sa sapa katulad ng isda, crab at hipon. Sa gabing iyon, sinama ako ng kuya ko para may tagahawak ng balde which is yung lalagyan ng nakukuha niyang isda. Yung direksyon namin ay papunta sa itaas ng sapa at medyo bukirin na rin. Nagsimula kaming mang-hunt at 10 pm, bandang 1 am nang mapansin ng kuya ko na parang hindi na normal yung nakukuha namin na isda at hipon. Napatanong ako sa kuya ko kung bakit ang laki ng hipon kumpara sa usual nakukuha namin at yung nakapagtataka ay hindi tumakbo yung mga hipon kapag hinuli ng kuya ko. Doon ay bumulong sakin yung kuya ko na baka napag-trip-an kami ng baliting kahoy malapit sa kinatatayuan namin. Napagdesisyonan naming bumalik.

After a long walk ay nagpahinga kami ng kuya ko at naglakad uli. Bigla na lang may narinig kaming nagpapatugtog. Legit yung kaba namin kasi yung tugtog ay pang-church (worship song). Sino ba ang hindi matatakot niyan na probinsya naman yung lugar namin tapos ang nakapagtataka ay sino ba ang magpapatugtog ng puro instrumental at 1 am? Siguro tulog na ang mga tao nun. At isa pa, nung nasa malapit pa kami ng baliti ay wala kaming naririnig na tugtog as in wala talaga. Only little sound from kulisap lang ang naririnig namin. After marinig namin yun, iyak ako nang iyak kasi kumalipas ng takbo ang kuya ko at iniwan ako.

Doon ay ikinuwento agad namin sa magulang namin ang pangyayare. Sabi ng magulang namin ay nagpaparinig daw talaga ang baliti kapag Martes at Biyernes at tanging ang malalayong lugar lamang ang nakakarinig nito. Kapag lumalapit daw sa baliti ay walang maaaninag na tunog pero kapag nasa malayo ka raw ay rinig na rinig daw talaga ang tugtog. Doon ko rin napagtanto na ang naririnig kong tugtog na akala ko ay normal lang nung bata pa ako ay hindi pala.

Bunso
2022
Accountancy
*Confidential

#USFComeback


📜University Secret Files
▪︎2022▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon