MADRE

119 5 0
                                    

MADRE

Ayoko sa madre!! Ayoko ayoko!! :( Sorry kung may magalit man sakin pero wala eh, ayoko talaga dahil sa mga nangyari sakin nung 3 years old pa lang ako.

Nakakakita, nakakarinig at nakakaramdam ako ng sabihjn na nating ""MULTO"" oo marami satin ang hindi naniniwala. Ako ayokong maniwalang they really exist pero ewan ko naguguluhan ako. Everytime na itinatanggi ko na totoo sila, dun ako mas maraming nakikita. Okay so eto na nga, nung 3 years old ako, tuwing ipinipikit ko mga mata ko, may nakikita akong mga madre. Marami sila, lahat sila nakatingin sakin na parang gusto nila akong kunin. Lahat sila malungkot ang mukha tapos maputi sila na naaagnas na ang mukha. Mukha silang matandang tignan. Hindi ako nakakatulog hanggat wala akong kasama sa kwarto kasi lagi nga silang nagpapakita sakin kahit minsan nasa banyo ako, isang kurap ko lang nagpa-pop up na agad mukha nila. Hindi ko kinukwento kahit sa mga kapatid ko kasi matatakot lang sila at baka hindi nila ako paniwalaan. Dumating yung araw na hindi ko na sila nakikita. Akala ko okay na.

Nag 15 years old ako. Natulog ako mag isa. Maya-maya nakamulat na ako pero hindi ko magawang gumalaw o magsalita. Madalas nangyayari sakin yon ""SLEEP PARALYSIS"" ang tawag don. Nakamulat ako, tinitignan ko paligid ko. Dahan dahang dumilim ang paligid at may nakikita akong papalapit. Isa... Dalawa.. Tatlo... Apat... Lahat ng papalapit binibilang ko. Habang palapit ng palapit, nakikita kong madre. Umiiyak na ako kasi nakita ko na naman sila. May narinig akong biglang bumulong sa likuran ko ng ""HALIKA NA"" paulit ulit. Tapos ang dami na nilang nakapaligid na sakin. Inuuod na mukha nila. Puti ang mga mata at lahat sila malungkot ang mukha. Lahat sila sinasabi na ang ""HALIKA NA"" umiiling lang ako kasi hindi ako makapagsalita. Nagpray ako ng nagpray. Hanggang sa may nakita na akong liwanag na para bang kinuha ako at inilayo sa kanila. Thank you God <3 Ikaw talaga ang sagot sa lahat. Ngayon naman hindi ko na sila nakikita.

At ngayon, habang itinatype ko to, may nakikita ako sa may cabinet ni ate. And babala lang po. Minsan kasi kapag ikinukwento ko ang nangyari sakin lahat ng makakarinig o makakabasa, may posibilidad na makarinig, o makaramdam o makakita pero panandalian lang naman. Hindi po ako nananakot. Sorry po pero minsan talaga ganon. Kung wala man, swerte nyo :) Hayaan nyo, hindi naman madalas ""MINSAN"" lang ;) Pray lang kayo! :) God bless.

SARE

📜Spookify
▪︎2016▪︎

https://www.facebook.com/350647578436189/posts/551526265014985/

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon