BUHAY EXIT (OFW IN DUBAI)

80 6 0
                                    

BUHAY EXIT (OFW IN DUBAI)

Hi. I'm an OFW here in DUBAI. Sa may mga kamag anak o kilalang OFW dito sa UAE, itanong niyo sa kanila. Promise alam nila to. Lahat kami dumaan dito. Hindi madali ang buhay OFW. Lalo na sa mga nag eexit for employment visa or back to tourist visa para maghanap ng work.

Nag exit ako sa KISH ISLAND, IRAN dito. Sobrang nakakatakot, dito madaming nawawalang pilipino at hindi na nakikita pa. Madaming nararape at binabaon na lang sa disyerto o tinatapon sa dagat, madaming nagpapakamatay dahil sa tumatagal sila at sa mga ghost exp nila, talamak ang droga. Isa sa mga kinakatakutan ng mga bawat pinoy/pinay pag nagpatayan ng ilaw, hudyat yun na may dudukutin for RAPE.

Isang gabi nasaksihan kong namatay ang ilaw so alam ko na ang ibig sabihin nun. Dali dali akong nagtago sa ilalim ng kama ko. Ang mga kababayan na kasama ko sa kwarto nilock ang pinto at kanya kanyang tago. Lalo akong natakot nang may kumakatok sa pinto at biglang nabuksan. Madaming nagsigawan pero nanatili lang ako sa pwesto ko habang umiiyak. After ng ilang minuto nang nakaalis na sila, binuksan namin ang ilaw. Isa sa mga kasama namin ang nawawala. Alam na.

Gabi gabing, tulog na ko, tila may bumubulong na babae sakin at umiiyak. Humihingi ng tulong, alam kong multo yun. At yun yung babaeng kinekwento nila na nagpakamatay. Tumalon sa hotel, ang dahilan nadepress dahil umabot siya ng ilang linggo/buwan na pinangakuan ng employer na di sya magtatagal dun at makakabalik na ng dubai. Ang masaklap nabuntis siya ng iba, ang bf nya nasa dubai, taga follow up ng visa niya. Day after niya nagpakamatay, lumabas ang visa niya. Ang bf mismo niya ang pumunta sa KISH para pormal na ibigay at sabay bumalik pero huli na ang lahat.

Bawat gabi ko siyang nararamdaman na nagmamakaawa sakin. Halos konting konti na lang mababaliw na ko sa takot. At dahil na din tumatagal ako sa exit. Buti na lang sa travel agency nagttrabaho asawa ko at nagawan niya ng paraan. In 1 day lang napalabas niya tourist visa ko. Para sa employer kong paasa, sana makarma ka buset!!!

P.S. Yung babaeng nurse na nagmumulto, hindi lang ako ang nakakaramdam. Pati mga kakwarto ko at maging ibang exiters.

RM314

📜Spookify📜
▪︎2016▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon