SANIB

77 5 0
                                    

SANIB
(SPG)

Sa pagkakatanda ko, year 2018 nangyari to. Birthday ng lola ko that time tapos syempre, yung mga tipikal na ginagawa pag birthday-an, inuman, kantahan videoke, etc. Nasa tapat lang ng bahay ng lola ko yung kasiyahan tapos andon din kaming magpipinsan non pero di kami nag iinom, jamming lang ganon ba.

Tapos yung isang tita ko nagpaalam, naiihi raw so dahil nga nasa labas kami ng bahay edi pumasok pa sa loob si tita tapos sumunod ako sa kanya non para sana humingi pa kay lola ng handa. Tapos nakita ko yung tita ko at ninang magkakasabay sana sa pagpasok sa CR pero pinauna na ng ninang ko yung tita ko. Mga ilang minuto ng pag ihi nagulat kami kasi galit siya as in galit na galit at hindi namin alam kung bakit, eh nanggaling lang naman siya sa CR.

Madami rin pala kami sa loob ng bahay ng lola ko pati tatay ko andon din tapos ang next na nangyari ay talagang kinakaba at kinagulat na namin. 2nd floor kasi bahay ng lola ko tapos yung hagdan non ay naaalis tapos gawa sa cocolumber, tapos yun nga pumunta yung tita ko don tapos nagulat kami kasi binuhat niya ng isang kamay lang. As in isang kamay lang tapos hinagis niya papuntang pintuan, shocks kaming lahat na nasa loob ng bahay non tapos sunod na nangyari ay nagwala na si tita tapos ako takot na takot na.

Edi lumabas ako ng bahay tapos yung videoke pinatay muna nila tapos tinanong ng lola ko sa tita ko mismo kung ano bang nangyayari sa kanya tapos eto pa sobrang nakakatakot. Tumawa siya, yung boses niya ay kakaiba parang boses dem0ny0 ganon. Buti na lang may mga nag-iinuman non na di pa lasing kaya hinawakan nila yung tita ko. Marami silang naghawak tapos pinunta muna sa kwarto.

Nagsipuntahan na rin yung mga ibang nag-iinuman pati mga pinsan ko, ako kahit takot ay pumasok pa rin ako sa kwarto tapos kitang-kita ko yung pagkagat-kagat ng tita ko sa ngipin niya tapos yung mata niya nanlilisik as in. Buti na lang yung isang kaibigan ng tito ko ay may alam sa pag aalbularyo tapos siya habang hawak ng mga tito ko si tita ay nagwawala siya, kasi pinipisil ng albularyo na yon yung pisngi niya habang tinatanong kung sino siya.

Nagulat kami kasi don lang namin nalaman na sinasaniban na pala siya pero hindi sinabi nung sumanib sa tita ko kung anong pangalan niya o kung sino siya pero ramdam daw nung albularyo na yon na marami sila, mga nasa tatlo raw kasi. Kakaiba rin yung lakas niya tapos yung sumanib sa tita kong yon ay nakatira pala don sa puno mismo na katabi lang din ng bahay ng lola ko. Nabulabog daw sa ingay tsaka don sa CR daw meron daw gintong nakahukay don tapos meron daw nagma-may ari.

Ayon nga, ang ginawa naming magpipinsan non ay humawak sa noo ng tita ko habang nagdadasal yung albularyo tapos yung kamay ko ay nasa noo niya mismo tapos nung nag umpisa nang magdasal, biglang pumikit yung tita ko. Akala namin ayos na pero traydor yung sumanib sa kanya, biglang hinila mga kamay naming magpipinsan tas biglang tumawa. Grabe yung kaba ko dun. As in yung tawa niya kasi ay ang laki at ibang-iba sa boses niyang tunay tapos dahil nga natakot kami edi lumabas na muna kami sa kwarto non.

Tawa pa rin nang tawa yung tita ko pero di na kami bumalik sa loob kasi inabot na ng mga 10 ng gabi tapos pumasok kami ulit tas tinignan kung ayos na tita ko. Kita namin ayos na, nakatulog na siya pero hawak pa rin nila kamay niya kasi baka raw manloko ulit pero nung inabot na ng 10:30 pm pagbabantay, ayon ayos na nga tapos umuwi na kami sa kanya-kanyang bahay non.

Kinabukasan tinanong namin si tita kung anong nararamdaman niya, sabi niya wala raw siyang maalala, ang alam niya raw madilim lang ganon tapos nakwento rin ng lola ko samin na yung may ari daw ng mga ginto ay yung mga hapon ata nung nagkaron ng Wôrld Wâr. Yung CR kasi ng lola ko ay walang ilaw kaya sinabi rin nung albularyo na lagyan na ng ilaw kasi andon pa rin daw yung may-ari ng ginto.

P.S. Totoo po talaga ang sanib at isa ako sa nakakita mismo ng sinasaniban, hanggang ngayon di ko pa rin makalimutan gawa ng malagim na gabing yon. Dito ko rin napatunayan na sobrang kailangan natin ang Diyos sa buhay natin at magkaroon ng malakas na pananampalataya sa Kanya.

El
20**
*Confidential

#USFComeback

📜University Secret Files
▪︎2022▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon