Forest IX

34 6 0
                                    

Forest IX

I.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=625506928190914&id=218238752251069

II.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=653497502058523&id=218238752251069

III.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=696919274383012&id=218238752251069

IV.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=716043365803936&id=218238752251069

V.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=725630954845177&id=218238752251069

VI.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=744159302992342&id=218238752251069

VII.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=772633403478265&id=218238752251069

VIII.
https://www.facebook.com/218238752251069/posts/788353515239587/

March 2010. Clearance na. Nakararamdam pa rin kami ng lungkot sa pagkawala ni li. Andoon pa rin yung lungkot, yung isiping sana kasabay namin si li sa graduation. Kaso kami lang naman yun nila paul, mga tropa ng forest. Yung iba nagpatuloy na sa buhay, yung mga kasection ko na sa sobrang saya na sa wakas e makaka graduate na sila ng highschool e nakaisip na magswimming kami sa bukal na nasa kabilang bayan. Bilang mayor ng section namin e wala akong magawa kundi sumama. Inaya ko sila makki pero dahil linggo natapat yung araw na napagkasunduan e hindi sila nakasama, si noel lang. Para kong me alagang kwarenta'y sais na bata dahil sinasaway ko silang magpunta sa malalim na parte ng bukal. Syempre alam ko naman ang pamahiin ng mga matatanda na pag gradauting takaw disgrasya. Kaya nung pauwi na kami nakahinga ako ng maluwag dahil buhay kaming lahat. Sino bang mag aakala na hindi ang bukal ang magiging mitsa ng kamatayan ng dalawa sa amin?
Napagkasunduan namin nila fuego na tumambay muna sa amin dahil mejo maaga pa naman. Dun na rin sa bahay namin nagbanlaw sila noel, fuego at gaco. Pagkatapos naming lahat e dun kami tumambay sa me mga nitso. Nagyoyosi kami nung biglang may itanong si gaco kay noel.

'noel nakakakita ka ng multo diba?' tumango lang si noel. 'nakakita ka na ba ng pulang mata lang?'

Napakunot noo ni noel kay gaco. 'hindi pa e. pero parang di siguro multo yun pag ganun'

'e ano?'

Sumabat si fuego. 'adik insan'

Hinataw ni gaco si fuego ng tsinelas. Tawanan kami syempre.

'bakit co nakakita ka?' tanong ni noel pagkatapos ng gulo nung magpinsan. Umiling si gaco. Alam ko na nagsisinungaling si gaco alam ko rin na alam din ni noel na nagsisinungaling sya pero hindi na sya inusisa nito. Si fuego naman sumunod na nagtanong.

'Magkacollege kayo tol?'

Umiling ako. Si gaco at noel tumango. Sinamaan ako ng tingin ni noel.

'Anong course kukunin nyo?' tanong ni fuego

'insan mag aabogado ako para pag nakulong kayo ni mon e may abogado na kayo' si gaco. Taena hahahaha grabe tawa ko, kako sakanya baka me apo na sya di pa sya tapos hahahaha.

'ikaw mon?' tanong ni noel bigla sakin

'obgyne'

siguro ilibin sikons kaming tumawa. Pero seryoso yun, yun talaga pangarap ko.

Kung ano ano pang kalokohan pinag usapan namin tapos biglang sumeryoso si fuego. 'ako gusto ko agriculture kunin ko, yun talaga gusto ko, idol ko tatay ko e kaso mahina talaga utak ko tapos malakas pakiramdam ko di ako makakatapos ng college, kami ni gaco' binatukan sya ni gaco bakit daw sya dinamay. 'seryoso ako insan alam mo diba may animalistic instinct ako, di tayo makakatapak ng college'

Hagalpakan kami ng tawa nung biglang matigil si gaco sa pagsasalita at napatingin sa bandang looban ng sementeryo. Siniko sya ni noel. Nagtaka ako nung hiramin nya mp4 at earphones ni noel. Tuloy ulit kwentuhan pero di na tulad kanina na relax lang, ngayon iba na yung paligid, ang bigat ng pakiramdam ko na parang may nakamasid samin. Akala ko ako lang nakapansin pero nung mag aya si fuego na dun na lang kami sa harap ng fune e naisip ko naramdaman nya rin. Tahimik na kami tapos mga ilang minuto lang nagpaalam na silang magpinsan. Tumayo din kami ni noel, nagulat ako nung bigla akong yakapin ni gaco.

'tol salamat, si noel may mga sugat yan sa galang galangan tol sya me gawa nun, wag na wag mo ng hahayaang gawin nya ulit yun' bulong ni gaco sakin. Nung bumitiw sya sa yakap nya sakin tinapik nya ko sa likod. Kumabog ng mabilis dibdib ko, gusto ko syang tanungin kung bakit ganun sya magsalita? Kaso sabay kaming napalingon kay fuego at noel.

Fuego dinampian nya ng halik sa labi si noel sabay sakay sa motor.

'i love you manuela' sabi nya. Sa unang pagkakataon nasabi nya. Humiyaw si gaco sabay sakay ng motor at umalis na sila. Nakatulala si noel na napaupo. Ako rin nagulat e. Tapos ilang saglit lang bumalik silang dalawa.

'tol naiwan ko cp ko paker hahahashs' si fuego. Si gaco naman ginulo buhok ni noel. Nakaalis na sila ulit pero di pa ganun nakakalayo nung tumayo si noel. Ako palipat lipat tingin kay noel at sa kalsada.

'mon wala silang ulo'

Nakita nya rin. Nasa labas pa motor ni kuya tom na syang hiniram kong service nung magswimming kami. Nanginginig ako na di ko makick ng maayos motor. Tinapik ako ni noel na sya na. Ang bilis nyang magpatakbo pero tao lang kami, Mga ordinaryong teenager na walang laban sa kamatayan. Naramdaman pa naming pareho yung kalabog ng banggaan, traffic na sa may intersection, napakarami ng tao. Nakita ko na agad yung nakahandusay na katawan, sa damit ko lang sila nakilala. Lumapit ako, si noel naupo sa tapat ng poste, tahimik na umiiyak. Ang sakit ng dibdib ko pero walang lumalabas na luha sa mga mata ko. Isinigaw ko na lang. Sumigaw ako hanggang sa mapaos. Pinagtitinginan ako ng mga tao pero wala akong pakealam. Naupo ako sa tabi ng bangkay ni fuego, niyakap ko mga tuhod ko. Habang paparating yung patrol ng mga pulis, hindi ko masiguro kung ilaw ba ang nakikita ko o pares ng mga matang parang umaalab na pula.
Akala ko pulis ang humawak sa balikat ko at pinilit akong itinayo. Pero paglingon ko si ser anton, sa isang braso nya akbay nya si noel na nakatakip ang mukha. Kausap ng mga pulis si ser medrano, tinanguan nya lang si ser anton tapos pinasakay na nya kami sa kotse nya. Sa bahay ni ser medrano kami tumuloy. Nakatakip pa rin mukha ni noel. Tapos lumabas si ser, paalam nya magyoyosi sya. Umupo ako sa ibaba ng inuupuan ni noel. Sinuklay nya buhok ko. Tapos bigla na lang akong naiyak. Una tahimik lang hanggang sa naging hagulgol. Tapos naramdaman ko niyakap nya ko. Sabay kaming umiyak. Nung gabing yun, naramdaman ko kung gaano kasakit mawalan ng mga taonh kadugtong ng pusod mo, kapatid mo sa ibang magulang. Sa pagkawala nila fuego at gaco, may parte rin ng pagkatao ko ang nawala. Nung gabing yun nanaginip ulit ako. Nandun daw ako sa kwarto ni gaco at nakikita ko sya, buhay na buhay, sa bintana may dalawang pares ng nag aalab na mata at may boses akong naririnig.

Mamatay kayo o hahayaan mo sya sa ginagawa nya

Simon


📜Sigaw
▪︎2020▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon