Iyak ni Lola

76 6 0
                                    

Iyak ni Lola

Hi admins. Sana mapost to. TYIA :)

Way back year 2010, 12 yrs old ako non. So ganito nagsimula ang lahat. Me and my cousins went to our lola's house in bataan para doon magbakasyon. Eh ang bahay nila lola don ay yung mga makaluma pa na puro kahoy. Pagdating na pagdating p alang namen non pagbaba sa van, may nakita na ko na babaeng naka filipiniana na damit na nakadungaw sa bintana ng second floor. Akala ko nung una kamag anak din namen sya na nauna samen pumunta doon. Then sumalubong na si Lola at si Auntie na agad naman kameng pinapasok kase late night na din nakadating.

So nung nakapasok na sa bahay, nagtingin tingin ako sa paligid at hinahanap yung babae na nakadungaw sa bintana. Hanggang sa di ko na lang pinansin at inaya na kaming kumain. Nung kumakain na kami, naalala ko itanong kay lola kung sino yung babae na nakita ko. Nagulat ako nang bigla nya ko tinignan na parang nagtataka sya. Sabi nya na lang na ""Bilisan nyo kumain nang makapagpahinga na kayo"". At after nga namen kumain umakyat na kame sa kwarto namen sa second floor. Katabi nung room na kung san ko nakita yung babae. Nung patulog na kami, bigla na lang may narinig ako na babaeng umiiyak. Tinanong ko sa pinsan ko kung nadidinig nya din yung pag-iyak. Sinabihan lang ako na baka pusa lang daw yon na naggaga-gala. So di ko na din pinansin.

Kinabukasan, nalate ako ng gising, ako na yung pinakahuling nagising sameng magpipinsan. Pagbukas ko ng pintuan ng room dahil bababa na sana ako, napansin ko yung katabing room namen. Papasok na sana ako nang bigla akong hinila ni lola at sabi wag daw ako papasok don at kakain na daw. Habang kumakain kami, tinanong ko kay lola bakit di pa bumababa yung kamag-anak naming babae dun sa tabi ng room namen. Ang sabi nya lang hayaan ko na lang daw. After kumain nagkayayaan kameng magpipinsan na magbasketball sa harap ng bahay. Nang naglalaro na kame, nakita ko ulit yung babae na nakadungaw dun sa bintana ng second floor at napansin ko sakin sya nakatingin. Napatigil ako dahil napansin ko umiiyak sya. Di ko na lang din masyado pinansin kase busy kaming naglalaro.

Then nung maggagabi na, di na ko kumain, diretso ako sa kwarto na namen. Ako lang mag-isa sa kwarto nang marinig ko yung pag-iyak. This time sure na ko na tao yung naririnig ko. At dahil nag aalala ako dahil kamag-anak naman ata namen yon, lumabas ako para puntahan sya. Pero nung bubuksan ko na yung pinto, hinila ako ni lola at galit na pinababa ako sa hagdan. Nagulat ako nung sigawan nya ko, wag ko daw buksan yung kwarto na yon. Hanggang sa napilit ko sya kung sino ba talaga yung babae na nakikita ko dun. Nanginig at tumaas lahat ng balahibo ko nung sinabi ni lola na yun daw yung kapatid nya na nagpakamatay sa kwarto na yon. Nagtangka daw magtanan dati yung kapatid nya pero nahuli sya ng lolo ko sa tuhod at ikinulong ng 1 week sa kwarto na yon.

Iyak lang daw ng iyak yung kapatid ni lola hanggang sa isang araw wala na sila marinig na pag iyak. Pinilit na tinakas ni lola yung susi sa room na yun para icheck yung kapatid nya. Pagbukas daw ng pinto, nakita nyang nakasabit at wala ng buhay ang kapatid nya. Di sana ako maniniwala pero nung niyakap ko si lola, nakita ko na nakatayo sa likuran nya yung babaeng nakikita ko.

AllSeeingEye

📜Spookify
▪︎2016▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon