MY TITO'S WEDDING Part 2

52 5 0
                                    

MY TITO'S WEDDING Part 2

Part 1
https://www.facebook.com/350647578436189/posts/1455025527998383/

Hello, Spookify! Sorry po sa mga nabitin sa story, pero sana maintindihan ninyo. Hindi po talaga kayang isang sendan lang yung buong kwento eh hehe. Eto na po yung karugtong.

Aware naman kami na lahat ng tao ay nagbabago, sa pisikal man yan o sa pag-uugali. Pero yung kay Tito kasi, wala naman siyang dapat na ika-stress sa buhay kaya di namin maintindihan bat naging ganun siya. Nung una, ang gusto ng mga tita ko ay ipa-test si Tito dahil hinala nila ay nagkaganun siya dahil sa drugs. So, gumawa sila ng alibi para maipa-test si Tito. Okay naman ang lahat ng mga results, medyo mababa lang ang BP niya kaya binigyan siya ng gamot. Dun na pumunta sina Lola kay Apo para humingi ng tulong. Unfortunately, hindi niya raw kami matutulungan dahil una na raw naming ni-refuse yung warning na ibinigay niya. Ni-refer na lang niya sina Lola dun sa isa ring manggagamot pero wala ring nangyari kasi hindi raw niya kayang gamutin si Tito Carlo. Mas malakas daw kasi yung kumokontrol kay Tito.

Para sa akin, parang napaka-unfair ng situation. Yung decision nina Lola na ipakasal yung dalawa ay hindi naman masama. Pinanagutan lang nila yung responsibilidad na biglang dumating sa amin. Sa loob ng dalawang buwang pamamalagi sa amin ni Tita Joan, wala naman kaming nakitang kabastusan mula sa kanya. Maayos siyang makitungo sa lahat kaya natutunan na rin namin siyang tanggapin bilang parte ng pamilya. Yung warning naman ni Apo, the day before the wedding lang namin nalaman. Hindi biro yung gastos na ginamit para sa kasal. Ready na rin lahat, nakaayos na ang simbahan, reception, yung mga ulam, gamit, etc. Ine-expect ba nila sa amin na ora mismo, ililigpit namin ang lahat at uuwi ng basta-basta? Andun na kami sa point na gustuhin man naming umatras, hindi na pwede dahil una sa lahat, responsibility namin yun. Nag-decide sina Lola na wag ng lumapit sa kahit na sino mang manggagamot. Dumating ang pagsubok na yun sa family namin kaya sama-sama rin naming io-overcome.

Ang maternal side ng family ni Tita Joan ang native sa baryo nila. Yung tatay niya, dayo lang din na naging asawa ng kanyang nanay. Tradition nila na kapag nag-asawa yung babae, doon sila dapat tumira sa baryo. Hindi po sila aswang, pero mayroon silang karunungang gumawa ng mga bagay na hindi mo gugustuhing mangyari sa'yo. Pasensya na, di ko masabi ng diretsahan. May pakiramdam na kami na ganun nga sila at na-confirm yun nung dumating si Tita Mel (anak ni Apo). Nag-sorry si Tita dahil guilty raw siya kasi hindi niya kami agad sinabihan. Kwento ni Tita yung sinabi sa kanya ni Apo. Mahihina raw ang mga babae sa family ni Tita Joan kaya kung mag-aasawa sila ng "taga-labas", dun dapat sila tumira sa bahay nila. Kapag raw kasi nahahaluan sila ng ibang tao, humihina yung essence ng kakayahan ng pamilya nila. Lalo na kung titira yung mag-asawa malayo sa baryo. Alam daw ng family ni Tita Joan na hindi magfi-fit in si Tito Carlo sa kanila dahil malakas yung bond ng spirituality ng family namin. Kaya unti-unti nilang dini-destroy si Tito para maging vulnerable siya at madali nilang makuha.

Hindi namin kinompronta si Tita Joan. Never din kaming allowed na magsabi ng masasama laban sa pamilya niya. Sabi ni Lola, hindi raw nila kami magagalaw dahil wala kaming atraso sa kanila. Nung una, andun yung regret na naipakasal namin si Tito pero in the long run, wise decision pa rin yun. Kung isinoli namin si Tita Joan, nasa amin yung fault at pwedeng maging reason iyon para gantihan nila ang buong pamilya namin. Dati, madalas umuwi sina Tito sa baryo. Pagbalik nila, dun yung mga pinakamalalang mood swings ni Tito. Minsan, sobrang magagalitin siya pero minsan naman, matamlay siya at parang wala sa sarili. Nagsimula na rin siyang maging sakitin ulit. Ang ginagawa namin, every Sunday, nagga-gather kaming lahat at nagkakaroon ng family prayer sa bahay nina Lola. Sinasara namin ang lahat ng mga bintana at pinto sa bahay tapos nakapwesto kami ng pabilog. May times na kaming dalawa ni Tito Carlo ang nasa gitna nila. May times na siya lang mag-isa. Ito rin yung panahon nung kwento kong Haunted University. Ang sabi kasi nina Lola kay Tita Joan, need akong ipag-pray over for protection. So, pati si Tito isasabay na para ipag-pray yung health niya. Bawat isa sa amin, binabanggit sa prayer ni Lola kaya halos umaabot kami ng isang oras pero walang nagrereklamo sa amin. After a few days, nagiging normal na ulit yung pakikitungo ni Tito. Even though nangangayayat pa rin siya at maputla, masaya pa rin kami kasi alam naming nakakabalik pa rin siya sa amin. It was a tough battle, ang pamilya namin versus sa pamilya na gustong sumira kay Tito. At ang tanging sandata lang namin ay ang pagdarasal at ang aming pananampatalaya.

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon