Van

137 7 0
                                    

Magandang araw/hapon/gabi/­madaling araw sa lahat. Share ko lang sainyo ang karanasan ko bilang isang tour guide, naka-base po ako dito sa bicol.

2014 ako nagsimula sa ganitong trabaho at kung saan na rin ako nakarating na lugar, ang kwento ko pong ito ay tungkol sa lugar ng Caramoan at isa ng sikat na tourist spot dito sa Pinas. Uumpisahan ko po ang aking tunay na karanasan. May 6, 2016 araw ng biernes, sa pagitan ng 6:30 at 7 am, napansin na agad namin ng driver ang nakasunod sa aming motorsiklo kasi busina ng busina hanggang sa huminto kami at tinanong sila kung anong problema. Ang sagot ng nakamotor ay meron daw batang nakaangkas sa topload ng van namin pero nung tignan namin ay wala naman, tinanong namin sya kung lasing o malakas ang hung over kasi wala naman talagang tao sa topload tapos nagtawanan mga guests namin at sinabi nila na pati ba naman sa probinsya marami ding mga adik at napikon ang nakamotor at umalis na pabalik. Tuloy ang byahe namin, nang malapit na kami sa caramoan merong suminyas sa amin at tinuturo ang topload, hindi na namin pinansin kasi late na kami sa accommodation. Dumating kami bandang 10am na, baba ng mga gamit para makapagpahinga kami para sa half day island hopping. Nung binababa na namin ang mga gamit napansin kong maraming putik sa topload pati mga bag nadumihan din, naisip ko na tama kaya ang sinasabi nung nakamotor kanina at ung lalaking suminyas na may bata nga dito? Weird naman yata at imposibleng mangyari kasi mabilis ang andar ng van at papano makakaakyat eh wala namang hagdan, kailangan pang kumuha ng maaapakan kung may isasakay sa taas. Hindi ko nalang tinuunan ng pansin ang tungkol sa bata, natakot ako sa sasabihin ng mga guests kung bakit madumi ang bag nila, nag alibi nalang ako na may mga bata kaming nadaanan at naglalaro sa tabing kalsada tas binato ng putik ang van kaya nadumihan ang mga gamit nila. Ayon nakalusot ako, nakahanda na ang lunch at tinawag ako nung may ari ng accommodation, tanong kung kasama daw namin ang batang nakatayo malapit sa van, paglingon ko wala naman at napatingin din sya sa may gate pero wala naman ung batang sinasabi nya. Ang sabi nya baka daw bata lang dun sa kaharap na accommodation at naglalaro. After luch, nakahanda na para sa island hoping, 5km ang distansya mula accommodation namin hanggang sa pampang kung saan kami sasakay ng bangka. Unang isla namin ay ang Matukad island, kung saan makikita ang hidden lagoon at bangus. Ang nakakapagtaka kung paano nagkaroon ng bangus sa gitna ng isla at napapalibutan ng tubig alat. May alam akong bangus sa dagupan pero hindi kasing alat ng tubig sa caramoan, at ayon pa sa kwento dalawang bangus daw iyon, (7years ago ng madiskubre nila ang hidden lagoon at ang bangus). Hinuli daw ng isang mangingisda ang isang bangus at saka niluto at ipinakain sa kanyang pamilya, pagkalipas daw ng isang linggo isa isang nagkakasakit ang myembro ng pamilya nya at namatay lahat. Ang mangingisda raw na humuli sa bangus ay nasiraan ng ulo bago nagpakamatay. At ayon din sa kwento pinaniniwalaang mahiwaga ang bangus kaya walang gumagalaw dito at naging atraksyon na lamang sa mga turista. Natapos namin ang half day island hopping, napuntahan namin ang Lajos island, Busdac island, Cagbalinad Island at Minalajos island. Balik na kami sa accommodation para magpahinga at bukas whole day kami sa island hopping. Nandyan ang Manlawe sandbar, Bogtong beach, Cotivas island, Sabitang-laya at Bag-ing island. Kinagabihan pagkatapos ng dinner, konting kwentohan sa guests at nagyaya na ang driver na magpapahinga na daw sya kasi pagod sa pagmamaneho, ako naman naiwan kasama ng mga guests. Maya maya bumalik ung driver at sinabi na bigla daw nawala ang antok nya kasi parang meron daw tao sa cr pagpasok nya, nakabukas daw ang gripo at parang may naliligo. Sabi ko pards pagod lang yan, shot ka muna pampatulog sabay abot ng isang boteng RH. 12mn na kami natapos at pumasok na rin kami sa kwarto namin, bagsak agad ung driver kasi nga pagod, ako naman habang nakahiga sa kabilang kama may naramdaman akong kakaiba, bagamat aircon malamig pero kakaiba ang lamig na nanunuot hangang buto. Napatingin ako sa may pintuan, sa baba ng pinto may konting siwang at kita ang liwanag sa labas, napansin ko na may aninong pabalik balik tas titigil ng ilang segundo tas maglalakad na naman. Sa takot ko nagtalukbong ako ng kumot at nagkamalay ako umaga ng may kumatok sa pinto, ang may ari pala, nagtanong kung anong oras kami aalis para sa island hopping. Alas 5 palang ng oras na yon, sagot ko bandang 8am lang para sakto lang. Nauna na akong bumangon, tulog na tulog pa rin ang driver. Naligo na ako at bumaba papuntang dining area para magkape, busy na rin ang mga tao sa pagluluto ng almusal kasama na kasi dun ang lunch na dadalhin namin sa isla Lumapit sa akin ang may ari at nakipagkwentuhan habang nagkakape. 'Mukhang masaya ang pag isla nyo kahapon ah' aniya. 'Opo maam, mas naexcite sila sa Matukad' sagot ko naman. Fast forward na tayo. Natapos na namin ang island hopping at derecho na kami sa Bulang-bugang (fresh water/cave) para magbanlaw. Nakarating kami bandang 5pm na, habang naliligo na ang mga guests ko, tinawag ako nung nasa desk information at tinanong ako kung marunong daw lumangoy ung batang kasama namin. Sinagot ko sya 'oo sirena un eh', pabiro ko lang na sagot yon kasi wala naman talaga kaming batang kasama sa tour. Dun ako kinabahan kasi sinusundan pala kami kahit saan magpunta, kaya pala sobra ang siningil sa akin nung bangkero kanina kasi daw sobra ang pasaherong dala ko kaysa sa napag usapan namin. Tinawag ko na ung driver saka ko sinabi sa kanya na totoo ung sinasabi nung nakamotor nung isang araw at tinuturo nung lalaki na may nakasakay sa topload. Hindi na kami nagkwento sa guests tungkol sa nagmumulto o anuman baka matakot sila hanggang sa makabalik kami ng Manila. Sa boss ko naikwento ang nangyari at pinapalitan ang van na nakuha nya para sa tour. Second hand lang kasi un pero bago pa, kumuha nalang sya ng brand new kahit may kamahalan kaysa naman daw sa makaaksidente o maasidente kami. Pinaimbestighan ni boss ang dating may ari ng van, lumabas sa imbestigasyon na nakasagasa raw ng bata ung driver ng van at tinakbuhan at ngayon ay nakakulong na.  Ngayon bago na ang van ng agency namin, wala na kaming nararamdaman o nagpaparamdam na multo.

📜True Philippines Ghost Stories
▪︎2017▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon