LUMANG BAHAY

40 3 0
                                    

LUMANG BAHAY
(SPG)

Naalala ko pa noong lumipat kami sa bahay ng kumare ng lola ko. Lumipat kami dito kasi hindi na kaya ng parents ko yung upa sa dati naming bahay.
Pinatira kami sa bahay na yun kasi matagal nang nasa abroad yung may-ari na matanda.
Kaysa raw walang nagbabantay, walang nakatira. Doon na lang daw kami, rent-free pa.

8 years old ako noong lumipat kami. Maganda naman yung bahay disente tingnan. Yung tubig, naka-poso pa. Malaki rin yung nilipatan namin, may tatlong kwarto, dalawang CR at malaking bodega sa likod. Naka-marmol na rin ang loob. Yun nga lang, sa tagal na walang nakatira sira-sira na yung kisame ng bahay.

Tanda ko pa, sa sobrang laki ng nilipatan namin, talagang sobrang luwag ng bahay. Wala kaming TV, mga portable cabinets lang ng damit at sofa ang dala namin. Wala akong kalaro noon, elementary student pa lang ako that time. Ang tanging pinagkakaabalahan ko lang kapag umuuwi ako ng bahay galing school ay yung Kid's Bible. Yung may mga visuals ng Noah's Ark, David and Goliath. At oo, religious kaming family.

Apat lang kami sa bahay, mama ko, papa ko na laging wala kasi nasa inuman, ako, at ang sanggol kong kapatid. Ang routine, everyday pumapasok sa opisina si mama, si papa naman nasa barkada. Yung baby kong kapatid naiiwan sa mga lola ko.
Ginagabi lagi sila ng uwi sa bahay. Ako naman, laging maaga nakakauwi after school. Lagi lang mag-isa sa bahay. Nakatambay.

Napansin ko lang sa first week ng paglipat namin, lagi akong may nakikita na mag-asawa sa loob ng bahay. Lagi nila akong binabati na yumuyuko pa sila sa akin. Parang sila yung mag-asawa na nakatira doon matagal na. Iniisip ko na lang nai-imagine ko lang siguro yon kasi ako lang mag-isa sa bahay.
Hindi ko na lang masyado pinapansin, pero palagi ko silang nakikita kahit nandito ang family ko sa bahay.

Malaki na rin yung sira ng ibang parte ng bahay kasi napabayaan na sa tagal ng walang nakatira. Yung kisame sa dulong kwarto, talagang sirang-sira na kaya wala nang gumagamit. Wala ng kuryente at ilaw. Lagi pang nagbabaha kapag umuulan, literal na hindi na lang ginagalaw.

Yung bodega sa likod, sobrang dilim din. Di na abot ng wiring ng kuryente. Sa labas, meron din malaking puno ng Mangga at may gate saka bakod yung bahay.

2nd week ng pagtira namin sa bahay, birthday ng kapatid ko. May konting handaan, nandun lahat ng mga pinsan ko. Doon ko lang na-explore yung dulong kwarto at likod na bodega kasama ang mga pinsan ko, kasi lagi akong pinagbabawalan pumunta sa likod. Ang bigat ng pakiramdam ko talaga, sa sobrang bigat para akong masusuka. Nagtataka sila kung anong nangyayari sakin.

Ako naman, nakikita ko yung mag-asawang kumukumpas na wag ako pumunta doon sa dulo. Nakikita ko yung anino nila na tinatawag ako paalis sa lugar na yon.

Palubog na ang araw nung mga oras na yun, na para bang may malakas na presensyang nagtataboy sakin sa lugar na yun. Yung kilabot ko, mga balahibo ko nagtataasan. Naduduwal talaga ako sa hindi maipaliwanag na dahilan.

Tinawag nila ang mga tita, bumalik na kami sa sala para magpahinga. After ko mahimasmasan, dûmûgô naman ang ilong ko, sa hindi rin maipaliwanag na dahilan. Nakatulog ako sa sobrang panghihina. Paggising ko, nakauwi na pala ang lahat.

Tapos na ang birthday party ng kapatid ko. Yung ibang mga tito ko, nasa sala natulog. Lasing, mga pinsan kong bata nakitulog na rin sa amin. Kinuwento ko sa mama ko yung nangyari kanina, na sabi ko,

"Ma.. aamin na ako, may nakikita talaga akong mag-asawa dito sa bahay natin, lagi ko silang napapansin lalo na pag wala kayo dito sa bahay."

"Imahinasyon mo lang yan, Gel. Baka pagod ka lang," sabi niya.

"Bakit parang totoo? Lagi ko silang nakikita, parang mga anino na laging nakatingin satin pero mababait sila," sabi ko.

"Tapos ma, alam mo ba kanina, pumunta kami nila J at M sa likod ng bahay, sobrang bigat ng pakiramdam ko ma, naduduwal ako. Tapos nakikita ko yung mag-asawa na tinatawag ako para umalis sa lugar na yun," dugtong ko.

"Okay lang yan, ipapa-blessing natin ang bahay sa susunod na araw, wag mong pansinin, imahinasyon mo lang yan," sabi ni mama.

Lumipas ang mga araw, nagpa-blessing na kami. Inikot ni Father ang buong bahay, binasbasan.
Nag-confess din ako kay Father sa mga nakikita ko, at nararamdaman ko sa bago naming tirahan. Ang sabi niya gifted daw ako. Pati ako bliness niya ng holy water. Pinayuhan na palaging magdadasal.
Niregaluhan kami ng love birds para daw sa kapayapaan ng pamilya namin.

Di nagtagal, talagang may kakaiba na. Natatakot na ako sa bahay namin. Yung love birds na alaga namin, isa-isang nâmátây, 1 week after ng blessing.
Doon sila naipwesto malapit sa pinto ng bodega, malapit din sa puno ng Mangga. Para silang kinain ng pusa, kasi bûtâs ang tiyan at dibdib nila.

Tinititigan ko yung pinto ng bodega, parang may kakaiba. Bigla na lang may tumulong dûgô.
Doon na ko nag-panic at umiyak, sabi ko hindi na biro to. Talagang takbo ako. Pinakita ko kina mama at papa yung dûgô, dagta ng puno na kulay dûgô.
Maraming tulo sa pinto, bakas sa mukha nila yung takot. Kasi paano nangyari yun? Malayo yung pinto sa puno ng Mangga.

Nung araw na yun, talagang umalis kami ng bahay. Di na kami doon natulog. Ngayon, naiintindihan na nila yung nakikita ko, nung naikwento ko sa kanila lahat paguwi namin sa mga lola ko.

Agad-agad din, umalis kami sa bahay na yun. Kinabukasan naghakot na ng mga gamit, sa huling araw ng paghahakot ng gamit namin, nakita ko na yung kamalasang nasa likod ng pinto ng bodega. Isang babaeng nakaitim na naka-belo na walang mukha ang nagpakita. Sinabuyan nila ng asin ang pinto at ang puno bago kami tuluyan umalis.

Hindi ko na makalimutan ang araw na yun hanggang sa ngayon. Nabalitaan ko na lang, giniba na yung bahay, at pinutol na rin yung puno.

Puro hôrrôr stories dito kaya naisipan ko rin i-share yung hôrrôr experience ko.

At sa mga nagtatanong kung hanggang ngayon, nakakakita pa ba ako ng multô? Ang sagot ko, oo. Sanay na ako.

Gel
2022
*Confidential

#USFComeback


📜University Secret Files
▪︎2022▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon