HAUNTED UNIVERSITY Part 3

74 6 0
                                    

HAUNTED UNIVERSITY Part 3

Part 1 - https://www.facebook.com/350647578436189/posts/1422170914617178/
Part 2 - https://www.facebook.com/350647578436189/posts/1423143384519931/

Hello, Spookify! Thank you po to all readers for your enthusiasm at syempre, to Admin Chai for posting my stories here. At sa'yo naman, Tita, sa ayaw mo o sa gusto ay papasok pa rin ako sa iskol!

II. CAMIA DORMITORY
Ito yung second place sa Univ namin na ikukwento ko sa inyo. Ang Camia Dorm ay parang isang malaking bahay na merong dalawang palapag. Sa 1st floor naroon ang office, staff room (para kina Ma'am Len, Ma'am Cha na secretary ni Ma'am Len, at Ate Bing na secretary naman ni Ma'am Cha), at Rooms 1 to 5. Ang mga comfort/bathrooms, kitchen, sink, laundry area, at living room ay nasa 1st floor din lahat. Bale shared spaces ang mga areas na yan. Hindi ito tulad sa Lotus na bawat room ay may mga sariling facilities. Ang CR/BR ng Camia ay may pitong cubicles. Ang una ay para sa staff at ang mga natitirang cubicles ay para sa mga occupants wherein two rooms per one cubicle ang ratio. Ang mga pinto ng bawat cubicle ay hindi buong tumatakip sa loob. Kung nasa labas ka, kita mo yung mga binti ng nasa loob at kung nakatayo siya, kita mo yung ulo niya hanggang balikat.

Tapos, nasa 2nd floor naman yung mga Rooms 6 to 12 at isang maliit na study area. Tinatawag ni Camille ang Camia na poultry dahil mukha raw itong kulungan ng manok. Lahat kasi ng mga bintana sa harapan at likod ng mga rooms ay merong screen para hindi makapasok ang mga insekto.

Dapat ay pito kaming lahat sa room kaya lang, one week na ang nakalipas ay hindi pa rin dumarating yung dalawa naming freshmen. Marami kasing mga estudyante ang nagpapalista sa mga dorms pero if nakahanap sila ng murang boarding house sa labas, di na sila bumabalik. So ang ending, lima na lang kaming natira (pinalitan ko po ulit ang lahat ng mga names na mababanggit dito): ako, mga classmates ko na sina Camille at Sheila, si Jingle na 2nd year irreg, at si Ate Celine na 4th year Educ student. Kaming lima ang mga proud occupants ng Room 11.

One month ang adjustment period naming mga students. Sa campus, pwede pang pumasok ng naka-civilian attire. Sa dorm naman, hindi pa kami required na gawin ang mga dorm jobs namin. Every week kasi, iba-ibang rooms ang naa-assign na maglinis sa mga shared areas sa ibaba. Honestly, hirap akong maka-adjust sa Camia. Kahit pa sabihing babae kami lahat sa dorm, meron pa ring mga burara at mga insensitive na taong walang consideration sa iba nilang mga kasama. Pero sabi nga ni Ate Celine, ang buhay daw sa dorm ay survival of the fittest. Ito yung "jungle" namin kung saan patibayan ng sikmura, palakasan ng loob, at pagalingan ng diskarte ang kailangan. Isa pang challenge sa akin ay ang paggising ng maaga. Dahil nga shared spaces ang mga facilities, kelangang pumila sa cubicle nyo para makaligo. First come, first serve ang labanan. Ganoon din ang sistema kapag magluluto sa kitchen. Tuwing 5:30am, tumutunog na ang "alarm" ng dorm. Ang front door namin sa 1st floor ay may tatlong locks. Meron sa taas at baba tapos yung gitna ay nakakadena. Kapag inaalis ni Ma'am Len yung mahabang kadena, maingay talaga ito na kahit kami sa 2nd floor ay nalilingat. So yun ang nagsisilbing alarm namin at indication na need na naming tumayo.

Di ko namamalayan ay tapos na pala ang adjustment period sa dorm at maging sa campus. Required na kaming mag-uniform at gawin ang mga dapat gawin. Nung Sunday pagbalik namin sa dorm, nagkaroon ng bunutan kung aling rooms ang mga unang magkakaroon ng dorm jobs. At kapag minamalas nga naman, nabunot ni Ate Celine ang CR/BR bilang task namin for that week. Twice namin ito dapat linisin, during lunchbreak at bago matulog.

Nagsimula ang mga rumors sa Camia the next morning. 6:45am kasi ang start ng Flag Ceremony at may penalty kapag na-late or di ka nag-attend. Kaya kapag Monday, mas hectic yung unahan sa pagpila sa CR. Itong si Faye na taga-Room 6, kakatunog pa lang ng alarm ay nagpunta na siya sa CR para maligo. Bumaba na rin kami ni Ate Celine nun kaya kasabay namin siya sa hagdan pero sa kitchen kami dumiretso. Yung ibang mga gising na, either nagmumumog sa sink or nagpipila rin ng mga kawali nila sa kitchen. Habang nagluluto ako, bumalik si Ate Celine sa room para pababain na sina Camille sa banyo. Maya-maya, lahat kaming nasa labas ay nagulantang nung biglang lumabas si Faye habang sumisigaw. Halos kita namin yung katawan niya dahil di maayos yung pagkakatapis ng towel niya at puno pa ng sabon yung katawan. Halatang takot na takot at nagmamadali siyang lumabas ng banyo. Sinalubong naman siya ni Ate Bing at niyakap habang tinatanong kung bakit siya sumisigaw. Iyak lang ng iyak si Faye at hindi makapagsalita habang tinuturo niya yung banyo. Papasok na sana yung ibang mga girls para i-check yung loob pero sumigaw si Faye ng "Wag! Wag!" Umurong naman yung mga girls at nilapitan si Faye. Narinig siguro ng iba yung commotion sa labas dahil nagsilabasan na sila. Pagdating ni Ma'am Len, iniupo nila si Faye sa kitchen at pinainom ng tubig. Hinintay naming kumalma siya at tumigil sa pag-iyak. Kwento ni Faye, nagsha-shampoo raw siya nang maramdaman niyang merong humawak sa ulo niya. Lumingon siya at dumungaw pa sa pinto ng cubicle dahil baka roommate lang niya o ano pero wala naman daw tao. So tinuloy lang ni Faye yung pagsha-shampoo hanggang sa maramdaman niyang tatlo na yung kamay na nagmamasahe sa ulo niya. Lumingon daw ulit siya subalit wala talagang tao. Then narinig niyang merong bumubulong sa isang tenga niya pero hindi niya raw maintindihan yung mga words. Dun na niya hinablot yung towel niya at nagsisigaw palabas ng banyo. Grabeng kilabot yung naramdaman namin that time at parang wala ng gustong maligo sa amin.

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon