Forest X

36 6 2
                                    

Forest X

I.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=625506928190914&id=218238752251069

II.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=653497502058523&id=218238752251069

III.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=696919274383012&id=218238752251069

IV.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=716043365803936&id=218238752251069

V.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=725630954845177&id=218238752251069

VI.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=744159302992342&id=218238752251069

VII.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=772633403478265&id=218238752251069

VIII.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=788353515239587&id=218238752251069

IX.
https://www.facebook.com/218238752251069/posts/792523678155904

Una kong nakita ang mga kuya ni noel sa piksyur lang. Tapos sunod ko silang nakita nung kavc sila ni noel. Una si ibarra. Nasa bahay kami ni ser medrano at dun kami natulog. Nagisingan ko nun si noel na gising at nakaupo sa harap ng computer ni ser medrano. Una di pa ko lumapit, nanatili akong nakahiga at pinakinggan lang pag uusap nila. Tinatanong ni ibarra kung anong gusto ni noel na regalo sa nalalapit naming graduation.

'uwi lang kayo ni kuya florante kuya masaya na ko' sagot ni noel

Ugh hshshshah. Tapos narinig kong tumawa si ibarra. Ilang saglet lang nagpaalam si noel na magbabanyo. Edi hinayaan ko, nagkunwari akong tulog. Hanggang sa marinig ko si ibarra na tinatawag si noel sa endearment nila sakanya, soy. Sa umpisa kalmado pa boses ni ibarra, napabangon na lang ako nung marinig ko na mejo nagpapanic na boses nya.

'baket po?' simula ko. Tumingin sya sakin saglit tapos may tinitignan na syang iba. Soy ka nya ulit. Taena ang snob netong kuya nya naisip ko. 'naihi pa po ata o natae' sabi ko ulit. Tumingin sya sakin ulit tapos kinunutan na ko ng noo.

'sino ka naman?'

Natawa lang ako. Siraulo ko e no. Pero natawa ako kase ang sunget amp. Dun na rin lumabas ng banyo si noel.

'tol hinahanap ka ng kuya mo tagal mo kaseng tumae' kako. Pinakyu lang ako ni noel tapos kausap na ulit nya kuya nya. Di na ko bumalik sa pagkakahiga, dun na ko sa ibaba ng desktop. Maglalaro na sana ko sa psp ni ser anton nung mapanganga ako sa tanong ng kuya ni noel.

'sino yung lalaking parang andaming benda sa katawan soy'

Nagkatitigan kami ni noel tapos tingin ulit sya sa kuya nya. 'saan?'

'ayan oh nakaupo'

Nagtitigan kami ulit ni noel.

'Anak ng tilapyang bangus!' Sigaw ni ibarra. 'P*k* ng !n@ soy nasaan ka ba nawala yung lalaki. Ay anak ng tupang kabayo ayan na naman!'

Dun na ko napatabi kay noel. Natatakot na ko. Nanlalamig na rin si noel. Tapos sabay kaming napasigaw nung mawalang kuryente. Sumindi, ilang segundo pero sapat na yung ilang segundong yun para makita namin sa me monitor yung sinabi ni ibarra. Nawalan uli ng kuryente. SIgaw kami sabay takbong sabay papasok sa kwrto ni ser medrano. Talon kami sa kama nya. Syempre nagising sya kahit sila eunice na naiwanan namin sa me sala. Una naiinis samin si ser, pero nung mag explain si noel yung inis nya naging look of concern (naks english). Pagbaba nyang kama, sumindi ilaw, edi palabas na sana syang kwarto nya, kaso biglang sumara pinto. As in parang batang inuutusan yung nagsara kase padabog yung pagkakasara ng pinto. Naipit kamay ni ser medrano at sa unang pagkakataon narinig ko syang magmura. Tapos sumindi na talaga ilaw at gising na sila maki. Nilapitan ni noel si ser na natanggalan ng isang kuko, daming dugo. Ako? Nabaon pwet sa kama. Kase por da perstaym in poreber nakakita ako ng mumu.

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon