My ex girlfriend and the black book

85 4 0
                                    

My ex girlfriend and the black book

Hello readers. Share ko lang yung story ko about sa ex gf ko at sa black book na hawak nya lagi. Hindi ko alam kung diary un or may hiwaga. Basta isang araw na lang natuklasan ko kung ano yun na nagpatayo ng balahibo ko..

April 06, 2013
Nakilala ko si Rona (ex ko) sa isang online games kase naadik ako noon sa mga games. Inaabot nga ako ng gabi kakalaro. Sa una akala ko lalaki sya kase ung hero nya panglalaki. May binebenta kase akong items na sabihin nating quit na ko then nag pm sya sakin sa chat (Nagchat kase ako sa global chat para sa lahat ng players) at nagkasundo kami sa price. Nagmeet kami at simula nun, naging close kami kase magkalapit school lang pala kami.

Nov. 16, 2013
Niligawan ko sya at sinagot nya ako. Don ko din nakita for the 1st time ung black book na yun na laging nakalagay sa bag nya. Lumipas pa ang mga buwan, naging masaya kaming dalawa pero nagtataka ako kung bakit  kung saan kami magpunta or sya, dala nya ung black book na yun. Doon na din nagsimula ang curiousity ko na malaman un.

Feb. 14, 2014
Valentine's day nun. Gusto ko syang masuprise kaya naglagay ako sa bag nya ng red rose w/ chocolates. Nag makita ko na naman yung black book na yun. Sakto sya nag order ng foods namin sa isang kainan. Binuklat ko to. Nagulat ako (Puro demons yung mga pictures at trademark na bilog sya tas may star sa gitna). Binuklat ko pa yun at madaming black spells na nandon, mga kadiri na larawan na pinapatay para sa ritwual. Ang mas nakakakilabot, may pumasok sa utak ko. Nananaginip ba ako ng gising? Biglang kase lahat ng taong nasa paligid ko umiiyak ng kulay itim. Hindi ko talaga alam kung dala lang ng gutom or may impact ung black book na yun. Tas bigla din bumalik ulit sa dati ang lahat pero ang ex ko nakita nya akong binuklat ung black book. Bigla kumunot ung noo nya na nanglilisik ung mata. Ibang iba sya noong araw na yun at mula nang mangyari yun, hindi na sya nagparamdam hanggang ngayon. Nabalitaan ko (Hindi pa kumpirmado) pinatay daw buong family nya at sya sa hindi malamang dahilan.

Naguilty ako kase parang ako ang may kasalanan. Bakit ko pa pinakialaman. Bawal ata makita ng kahit sinong hindi kasapi ng kulto nila ang book na yun.

Gamer'Boy

📜Spookify
▪︎2016▪︎

https://www.facebook.com/350647578436189/posts/550229618477983/

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon