Watch your back, Baby

56 3 0
                                    

Watch your back, Baby   

SPG (Tema, Lenggwahe, Karahasan, Sekswal, Horror ar Droga)

Hi this is Hunter! Sender ng experiment & 911, just want to share my experience po.

Simple lang ang buhay ko non. Though hindi ko laging kasama parents ko, madalas akong mag-isa sa bahay, okay naman ako. Every sunday lang silang nasa bahay. Naiintindihan ko kung bakit sila busy, para din naman sakin. Kung may isang bagay akong ikinatatampo sa kanila, yun yung hindi nila nakikita lahat ng effort ko. Pinupuri ako ng ibang tao, pero sila kinukumpara pa rin ako sa mga kuya ko. Kaya nang mangyari sakin ito, ang tanging naging karamay ko lang ay ang mga kaibigan ko at ako.

Second year highschool, nagtransfer ako ng school somewhere in Mendiola. Nabubully kasi ako sa dati kong school, all girls, ako yung pinaka dukha kaya ganon. Gusto ko talaga sa public, mas marami, mas maraming magiging kaibigan. September nung ipatawag ako sa guidance. Pinakiusapan ako ng counselor na kung pwede i-tutor ko after class yung limang students sa lower section na problema ng mga teachers, isa kasi sila sa nagpapababa ng performance ng school. At first, medyo nag-alangan ako, iisa lang kasi yung babae, apat na lalaki. Kilala ko sila, may binugbog silang nasa science section sa freedom park. Pero nung sabihin nung counselor na may dagdag sa grades ko, napapayag agad ako.

Sa umpisa, naiinis ako sa kanila, hindi nila ko pinakikinggan. Pero sa pagdaan ng araw, may nalaman ako, matalino sila, mga pasaway lang talaga. November nung masabi ko sa sarili ko pati sila na magkakaibigan na kami. Alam ko na mga kwento ng buhay nila, alam ko na kung bakit sa edad nilang yun, nasa highschool pa rin sila. Nilalayuan na ako ng mga classmate ko, pero i didn't feel alone, andyan naman sila. Tuwang tuwa sakin yung counselor kasi complete attendance na sila, magaganda pa naging grades nila.

Nagkaroon ng saturday classes by the start of january. Pero nung ikatlong saturday class, hindi inaasahan na may nagrally sa mendiola. Walang jeep pauwi samin, mga classmates ko nagkanya kanya ng pupuntahan. Pupunta na lang sana ako sa compshop para makipagchat na lang sa mga kuya ko pero paglabas ko ng gate, hinila ako ni Bebe. Sama raw ako sa kanila. Naglakad pa avenida. Kila Ange pala kami pupunta. Hindi ako umangal nung bumili sila ng alak. Nag inuman sila, ako naman nagbabasa lang ng pocketbook, maraming ganon si Ange. May kanya kanya silang trabaho.

Si Pugak, nagtitinda ng lugaw sa madaling araw.
Si Bebe tyaka Justo, nagpepedicab pag gabi.
Si Monay, waiter/dancer sa gay bar.
Si Roger kargador sa talipapa pag madaling araw.
Si Ange, hindi ko alam non kung ano yung raket na sinasabi nya, saka ko na lang nalaman.
Ako lang yung palamunin ng magulang.

Gabi na, mga 7 na nong nagpaalam akong uuwi. Tapos na rin silang uminom, umiinom na lang sila ng kape. Hinihintay na lang namin na bumalik non si Ange, lumabas para bumili ng ulam nung papa nyang paralisado, nung takot na takot syang pumasok. Pinagtatago nya kami. Una akala ko may mga dumating na magdedemolish kaya sa harap ako pumupunta, pero si Pugak hinila nya ako sa likod. Paglabas mo sa likod, bahay na ulit, depressed area yung sa kanila. Takbo kami ng takbo, ilang beses na kong muntikang madapa, buti itinatayo ako ni Bebe.

Lumusot kami sa may siwang, masikip sobra. Kelangan nakatagilid ka at dahil gabi na ang dilim. Sabi ni Pugak na nasa likod ko wag akong maingay. Napadaan pa namin si Monay at Roger, hindi nila kami nakita sa dilim nung siwang. Si Justo lang ang nakakita samin na nasa katapat lang namin naka upo sya parang tatakbo.

Saglit lang yon pero ang parang ang tagal tagal. Nagulat na lang ako nung biglang sumubsob si Ange sa tapat namin. Lalabas sana ako pero hinawakan ako ni Pugak sa blouse ko. Hindi ko mapigilan na manginig tyaka umiyak twing maalala ko yon kahit ngayon. Kasi kung lumabas ako non malamang wala na kong magkwekwento sa inyo ngayon. May mga boses ng lalaki, pinagmumura si Ange. Yung mga taga roon, walang lumabas sa kanila. Pumikit ako nung makitang sinampal si Ange. Don lumabas si Justo. Nakiusap sya, lumuhod na wag sasaktan si Ange. Rinig ko yung mahinang pagmumura ni Bebe.

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon