Watch your back, Baby 2

59 6 0
                                    

Watch your back, Baby 2  

Part 1: https://www.facebook.com/SpookifyOfficial/posts/675503629283914

SPG (Tema, Lenggwahe, Karahasan, Sekswal, Horror at Droga)

Third grading non, katatapos ng periodical. Nakatanggap ako ng text pauwi na ko non sa bahay. Hindi na ko tumuloy, pumunta na ako kila Pugak, sa sta. mesa. Naabutan ko ron si Monay na puro dugo. Kusang umatras mga paa ko nung makita ko yung dugo, after that incident kasi nagka phobia na ko sa dugo.

Nakaupo sya sa isang sulok. Sila Pugak mukhang problemado. Tinanong ko sila kung anong nangyari. Nakapatay daw si Monay. Or let's say pumatay sya, pinatay nya yung tatlong pumatay kay Ange at Justo. Pinaghahanap na sya ng mga pulis at syempre yung iba pang miyembro ng sindikato. Makasarili kami, pero ayaw namin na sumuko si Monay, baka mapano pa sya sa kulungan. Nag ambagan kami ng pera para humanap ng mauupahang kwarto, para kay Monay. Hindi sya pwedeng mag stay sa kahit na kaninong bahay, mahuhuli sya sigurado.

Kulang yung pera, wala na silang ibang mapagkukunan. Kaya umuwi ako saglit at, kinuha yung singsing ni mama na gold at binenta. Nakahanap kami sa may sta. mesa din, gabi namin inilipat don si Monay. Kunwari si Pugak ang titira don, hindi namin sya pinapalabas. Don na ang naging tambayan naming apat. Papasok kami sa umaga, magtratrabaho yung dalawa sa gabi, minsan don ako natutulog. That's when all it started.

Yung kulay itim na halimaw sa likod ko, unti unti naging pula. Ganon din yung kay Monay. At yung amoy sobrang bango, nakakaadik. Naririnig ko yung bulong ng halimaw sa kanya. Halikan mo sya, Hindi yan papalag gusto rin nya. Ako naman, may pumapasok sa isip kong maka mundong bagay kasama si Monay. You know the rest.

Hindi alam nila Pugak yung nangyayari. Mas naging close kami ni Monay, kung susumahin sya first boyfriend ko. May sinabi sya sakin na parang nabunutan ako ng tinik, may mga nakikita rin syang halimaw na nakasampa sa likod ng bawat tao, nakikita at naamoy pero hindi nya sila naririnig. Hindi ko sinabi na ganon din ako, nagsimula lang daw lahat mula nung mapatay nya yung tatlo, naalala ko yung mukha nya non puro dugo. May sinabi rin sya sakin tungkol sa significance ng mga kulay ng mga demonyo.

Black is wrath
Red is Lust
Green is greed
Yellow is envy
Violet is pride
Gluttony is blue
Sloth is flesh
Seven deadly sins

Inihalimbawa nya si Pugak, yellow yung halimaw sa likod, which was totoo, yellow rin yung nakikita ko, si Bebe, translucent pa rin. Kaming dalawa? Red, Lust.

May punto sya don. Nakahinga ako ng maluwag, dahil all this time akala ko gawa lang ng utak ko yon. Mas madalas na ko kay Monay kesa sa bahay. Yung mga damit ko nandon na, iilan na lang ang nasa kwarto ko. Sinabihan nya akong pumasok at mag-aral. Ginawa ko naman. Pinilit kong gawin normal ang lahat. Sa tulong nya, sa mga patawa nila Pugak at syempre ang bff naming apat, droga.

Pero talagang ganon talaga ang buhay, nalulubog ka na nga, mas lalo ka pang ibabaon hanggang sa hindi ka na makahinga. Halos lahat ng alahas ni Mama kinuha ko, pinalabas kong may nagnakaw, ginulo ko buong bahay, sinira yung mga lock ng pinto at cabinet, kaya hindi ako pinaghinalaan. Yun lang dahil don, imbes na don ako for christmas and new year's break, pinauwi akong probinsya. Buryong na buryong ako, hinahanap hanap ko sila Pugak, lalo si Monay, lagi kaming magkatext.

Dumating mga pinsan ko, ganon samin twing holidays, nagkakaroon ng instant reunion. May isa akong pinsan, na bukas ang third eye, kwinentuhan nya kami na sa may likuran, may babaeng umiiyak. Nagkaroon ng dare na pumunta don para makita. Hating gabi, kasama sya at isa ko pang pinsan, takot na takot sila, nakita nga nila yung babae. But as for me, nakita ko rin naman, pero hindi katulad ng nakikita nila. Hindi babae ang nakita ko, kundi isang nilalang na payat, brown ang balat, may pakpak na parang sa paniki, may sungay. Imbes na iyak, tawa ang naririnig ko. Mula non, bukod sa mga demonyo na nakasampa sa likod ng bawat tao, nakakakita na ko ng mga demonyong, nagpapanggap na multo. Kung yung mga may third eye nakikita nila na multo yun, ako nakikita ko yung totoo sa likod ng ilusyon. Sa twing may kasama akong may third eye, nakikita ko rin ang nakikita nya, pero yung totoo.

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon