Hail Mary

85 5 0
                                    

Hail Mary

6 years ago na nang makwento sakin to ng churchmate kong si Ate Carlie. Nung mga panahon na yun ay kakatapos lang namin magpractice para sa senakulo. Typical lang yung horror story na to pero ewan ko, hanggang ngayon dala-dala ko padin tong kwentong to.

Taga UST si ate carla, sabi nya sobrang dami daw talagang kwento sa school na yun. Marahil na rin sa kalumaan kaya't kung ano-anong kwento na rin ang nabuo.

Sa may main building daw may comfort room na sobrang kinakatakutan daw ng halos lahat. Malimit na raw gamitin ang c.r dun ata sa taas? (Kung tama man ang hinala ko, sa tingin ko yung cr na tinutukoy is yung cr din sa OLE na story din dito) dahil na rin sa usap-usapan ba may nagpapakita dun.

One time medyo nagdidilim na daw nung oras nay un. Nagpaalam yung classmate (kaibigan) nya na iihi lang. Sa sobrang no choice daw yung kaibigan nya dahil sarado na ang cr sa building na yun ay napilitan syang umihi sa main building. Di naman daw naghesitate yung friend nya na pumunta dun sa cr.

Habang papaakyat daw yung friend nya, may nakasalubong syang janitor at tinanong kung saan ang punta nya. Ang sagot daw ng friend nya ""Dun ho sa cr sa main building"" at agad na tumakbo. Sumisigaw daw yung janitor pero di nya na daw naintindihan dahil sa sobrang naiihi na sya.

Pagpasok nya sa c.r, wala naman daw nakakatakot, medyo nabuhayan pa nga sya kase may narinig syang pumasok sa kabilang cubicle. Pero ang pinagtataka nya lang is kung baket wala syang narinig na tulo ng ihi. Kaya pagkatapos nya, tinignan nya yung mga cubicle. Laking gulat nya nang marealize nya na sya lamang yung tao sa loob. Lalabas na sana sya pero biglang nagbukas sara yung ilaw at pinto ng bawat cubicle. Sa puntong yun, dun na sya natakot at umiyak habang nagdadasal dahil miski ang main door ay di na nya mabuksan. Tumakbo sya papunta sa may salamin para maghilamos habang nagdadasal sya ng Hail Mary ng nakapikit. Pagtingin nya sa salamin, may nakatingin sa kanya na babae at sinasabayan sa pagdasal habang nakalabas ang dila na puno ng dugo. Sabayan pa ng paglalaro ng buhok, yung tipong nang aasar pa na walang talab sa kanya ang Hail Mary. Pinilit nyang pumikit kahit na binubulungan sya ng babaeng nakita nya. Pinilit nyang magdasal ng malakas ng Apostle's Creed kahit na nabubulol na sya. Nang maramdaman nyang bumukas ang main door. Minulat nya yung mga mata nya at nakita nya ang janitor na nakasalubong nya kanina at sinabing ""Sinundan kita papunta dito para balaan ka, pero di ko mabuksan yung pinto. Buti na lang kamo at dumating ang katrabaho ko na may hawak ng susi na to"" Sabay bigla na lamang syang hinimatay.

P.S. Sorry sobrang haba at sa typos. Natatakot pa rin kase ako hahahaha. Sana mapost. Salamat :)

CookingMariaMo

📜Spookify
▪︎2016▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon