LATIN SONG

43 3 0
                                    

LATIN SONG

Nangyari ito sa boarding house na tinutuloyan ko noong college pa lamang ako. Lima kaming mag roommates ang nasa kwarto, lahat kami students nun. Ang mga higaan namin tatlong double deck, ang isang bed sa itaas lang bakante kaya nilalagyan namin yun ng mga gamit namin.

Isang araw, Sabado noon kaya wala kaming mga pasok. Nagpasya kaming mag general cleaning sa aming kwarto. Itong si ate Aira ay nagpatugtog ng kanta mula sa kanyang USB, isinalang nya yun sa speaker na nakalagay dun sa bakanteng higaan. Mayamaya pa ay lumipat ang kanta sa isang Latin music. Parang nanindig ang balahibo ko sa aking batok nang marinig ang kanta, hindi dahil sa tono nya pero iba talaga sa aking pandinig ang kanta. Tinanong ko si Ate Aira kung anong ibig sabihin ng mga lyrics ng kanta, pero ito lang ang sagot nya sa akin:

"Hindi ko alam, pero gustong gusto ko lang pakinggan ang kanta. Halos mamemorize ko na nga ang lyrics dahil paulit ulit kong pinakikinggan. Pinasa lang din yan sa akin ng classmate ko."

Habang patuloy ang kanta ay sumasabay din si Ate Aira sa awitin, hanggang sa may iba nang boses ang nakikisabay sa kanila. Napalingon ako sa bakanteng higaan na nasa itaas ko. May mga paang nakabitay doon at tila isinasayaw pa nya ang kanyang mga paa kasabay ng tugtugin. Naglakas loob akong silipin sya sa itaas at nakita ko doon ang isang babaeng nakabestidang puti na sumasabay sa pagkanta habang nakaupo katabi ang speaker. Nagsisigaw ako palabas ng kwarto kaya agad nila akong sinundan. Tinanong nila ako kung anong nangyari sa akin kaya naman ikinuwento ko narin sa kanila ang nakita ko. Alam ng mga roommates ko na may third eye ako kaya naman naniwala sila sa akin.

Ikinagulat din namin dahil nagpaulit ulit lang ang kanta. Parang nasa REPEAT mode lang. Hindi nakatiis si Ate Aira kaya bumalik sya sa kwarto para i.off ang speaker kaso lang pagdating na pagdating nya sa pintuan ng kwarto ay bigla itong padabog na sumara. Napatakbo pabalik sa amin si ate Aira dahil sa takot. Ang ginawa na lang namin ay inoff ang plangka para ma. off ang speaker bago pumasok ng kwarto.

Sinubukan ni ate Aira idelete ang kanta kaso lang tuwing gagawin nya ay nagloloko ang laptop nya. No choice sya kundi sunugin ang USB nya.

MerryHoliday

Iba pang kwento mula kay MerryHoliday
https://www.facebook.com/218238752251069/posts/1177400626334872/

📜Sigaw
▪︎2022▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon