(12) My weird sister-in-law and her bestfriend 12: Adam and brothers

47 6 0
                                    

My weird sister-in-law and her bestfriend 12: Adam and brothers

Parts 1-11
https://www.facebook.com/SpookifyOfficial/posts/832486063585669

Hello, kamustasa sa lahat.

May isang babae, tawagin nating Ruby. Si Ruby, maputi at may mahabang straight na buhok, mas straight pa sa ruler. Nag iigib sya sa balon ilang kilometro ang layo sa bahay nila. De yun nga, madalas na tatakipsiliman na sya sa pag-iigib pero sige pa rin kasi nga mula bata pa sya ginagawa na nya.

One time si Ruby may nakasalubong na matandang babae. Nanghingi ng tubig, binigyan nya. Pagkatapos, yung matanda binigyan sya ng porselas na parang gawa sa mga makikinis na bato. Pasasalamat kuno. Pero binilinan sya nung matanda na mag ingat sa mga tutulungan.

Natuwa si Ruby sabay nabalewala yung babala. Sunod na linggo, ganun ulit, madilim na, pero ang nakasalubong na nya, lalaking pogi. Nagtanong ng kung ano ano sa kanya. Tapos di na nya namalayan na naglalakad na sya kasabay nung lalaki.
Hanggang sa makarating sila sa bahay. Iyak ng iyak si Ruby kasi nakita nya wala ng tao dun sa bahay nila. Pati mga gamit. Parang ginatungan pa nung lalaki na baka iniwanan na sya.

'Kung gusto mo, sama ka sakin. Dun muna tayo samin tapos samahan kitang maghanap kinabukasan'

Pumayag naman sya. Pogi nga kasi yung lalaki, kaya kayo wag magtiwala porke pogi, sakin lang hahahaha. Tapos yun, parang nawala sa isip nya yung pamilya nya, nag inom sila nung lalaki, pinakilala sya sa mga kaibigan nun, tapos alam nyo na basta may alak, may valak.

Basta nagising na lang siya nasa malaking bahay na, pang rk yung mga gamit. Hindi moderno, mga antigo, mas mahal. Nakahubad sya.Tapos parang ang bigat bigat nung isang balikat nya, pagtingin nya, yung porselas na bigay nung matanda nakasuot sa kanya. Pagkakita, dun na nya naalala. Hinanap nya mga damit nya, pero wala, ang nakita nya lang bestidang hanggang talampakan, sinuot nya na lang yun.

Pagbaba nya walang katao tao, pero pakiramdam nya hindi sya nag iisa, parang may kasama syang hindi nakikita. Paglabas nya narinig nya yung mga boses ng mga kuya nyang tinatawag sya. Tapos nung sumigaw din sya pabalik, bigla na lang lumitaw mga kuya nya. Nasa gubat mga kuya nya tapos madilim, gabi. E dun sa kinatatayuan nya, umaga tirik na tirik ang araw. Ang ikinatakot nya wasak na voicebox nya hindi pa rin sya naririnig samantalang malapit lang sya.

Nagdasal sya, pikit syempre, pagmulat nya nasa may gubat na rin sya, nagkagulatan pa sila ng mga kuya nya. Yun, ang alam nya, iisang gabi lang sya nawala. Pero nalaman nya na halos pitong buwan syang hinanap. Ang mas kinagulat pa nya, pati ng buong pamilya nya, laki ng tyan nya. Iyak ng iyak nanay nya nung pinatawas sya, sabi nung magtatawas, nabuntis sya ng mga engkanto.

Not one, not two, not three, but four mga brad. Sinubukan ni Ruby na ilaglag yung nasa sinapupunan nya. Lahat na ata ng herbal na pwede at alam nya, nainom na nya pero makapit yung nasa tyan nya. Isang buong linggong ganun, hanggang sa ika-walong araw, humilab tyan nya. Dumating yung manghihilot, kasi nga probinsya tapos nasa liblib na parte talaga sila, walang midwife kaya hilot. Akala nila, iisa lang.

Normal itsura nung unang lumabas, pogi pero mas pogi ako. Sunod, nagulantang buong kabahayan nila. Yung pangalawa, may parang buhay na nunal na sumasakop sa kaliwang parte ng mukha nung sanggol. Ikatlo, mas nagulat sila, kasi yung baby mga brad literal na abot hanggang tenga ang ngiti tapos meron pang isa. Paglabas nun nahimatay nanay ni Ruby. Makapal na ang buhok, pero pulos puti tapos pati mga mata, walang kahit na tuldok na itim. Kung yung batang unang lumabas e umiyak, yung tatlo hindi, wala lang parang chill lang sila, parang nice ganda pala sa earth hahahaha.

Dahil nga layo layo yung mga bahay noon. Itinago yung tatlo at yung normal lang ang itsura ang pinakilala sa mga tao. Yung normal, sya si Adam. Yung manghihilot, nakakapagtaka lang na mula nang gabing paanakin nya si Ruby, hindi na nakapagsalita. Sa pagdaan ng mga taon, si Adam lang yung nakalalabas, sya lang yung nakakapag aral. Pero sa ika labing tatlo nilang kaarawan, may nagawa yung tatlo. Nakaya nilang lumabas na hindi nakikita ng mga tao. Buong araw masaya sila, nailibot sila ni Adam sa labas. Pero pagdating ng gabi, may bisita sa bahay nila na hindi dapat papasukin.Tulog na sila, nung magising sila sa sabay sabay na katok sa dalawang pinto ng bahay at sa lahat ng mga bintana. Sawali lang yung dingding, ganun din yung mga pinto at bintana, yung bubong nila nipa. Akala nila, lumilindol. Pero nung sumilip yung isa sa mga pinsan nila Adam, may apat daw na tao sa harap ng bahay. Ganun lang, hinintay lang nilang tumigil kasi may hinala na sila kung ano yung apat.

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon