UNIBERSIDAD : VASH

24 4 0
                                    

UNIBERSIDAD : VASH

Nabasa nyo na yung nangyari sa mama at papa ni ser milano. Napahapyawan ko na rin kayo tungkol sa ginawa ng nanay ni ser vash sa asawa nya.
Etong nangyari kay ser vash, mga sampong taon ang pagitan sa nangyari ke ser milano. Mas nauna etong kay ser vash. Sana maintindihan nyo hshahshaha.

Binarang ng nanay nya. Totoo yun. Nang tanungin ko si ser vash bakit naging ganoon ang nanay nya, ang simpleng sagot nya sakin ay inggit.

Mas matagal na kasi sa pagtuturo ang nanay nya. Pero naungusan na ito ng mga nakababatang guro dahil hindi sya makapagmasteral dahil nga mahal.
Single mother kasi sya. Namatay ang asawa nya nung maliit pa si ser vash. Kaya mahirap ibudget ang pera lalo at may lima syang anak.
Si ser vash na nga lang ang natira sakanya. Dahil nilayasan na sya ng mga anak nyang babae nang malaman nilang nag-aaral na itong mangkulam.

Si ser vash alam nya na rin pero naniniwala syang mapagbabago pa nya ang nanay nya. But he's birirung.

Nang magkapamilya si ser vash, hindi pa rin sya lumayo sa nanay nya. Binili nya yung lupa sa tabi ng bahay nito at doon din nagpatayo ng sariling bahay.
Close ang asawa at panganay nyang anak sa nanay nya.

Malakas pa rin ang paniniwala ni ser na nag-aaral man ng black magic ang nanay nya, hindi nito gagalawin ang pamilya nya.

Kaya lang, dahil lang sa pinaattend ng asawa nya panganay nilang anak sa katekismo, nagalit na ito. Nagkukwento na kasi ang bata sakanya ng tungkol sa mga kwento sa bibliya.
Parang nabutthurt ganon. Tapos kinausap nya asawa ni ser at sinabihang wag na mag attend ang apo nya pero hindi sya pinakinggan ng manugang.

Nang mabuntis ulit ang asawa ni ser vash sa bunso nilang anak, nakitaan na ang asawa nya ng mumunting bukol sa tyan. Pero ika ng doktor, saka na lamang yun tatanggalin pag manganganak na kasi cs naman ang asawa ni ser.
Natanggal yung bukol, malusog ang bunso nilang anak. Pero sa sumunod na linggo lang, buhat ng manganak ito, para na naman itong buntis.

Lumaki nang lumaki ang tyan nya na parang kabuwanan nya na ulit.
Tapos napansin ni ser vash na dumarami ang mga ipis sa bahay nila. Kaya nag-absent sya non sa trabaho para maglinis.
Kaya lang nagtaka sya kasi  yung mga nalinisan nya namang parte ng bahay, walang kaipis ipis.
Pero pagdating ng hating gabi, sobrang dami lalo na sa silong ng kama nila.
Sa dami rin ng ipis, may nakita syang kulay puti, parang albino ganon.

Nung makwento nya yun sa mga katrabaho nya, may isang nagsabi na pabiro lang naman, na baka may nangbabarang sakanila.

Dun na nagkahinala si ser. Pagkauwi nya nun, diretso sya sa bahay ng nanay nya. Hindi na kinailangan pang magdakdak ni ser kasi ora mismo umamin ang nanay nya.

'Nakakairita kasi. Ayokong nakakarinig ng mga ganoong kwento. Hindi nya ko pinakinggan. Bastos ang asawa mo! Dapat anak mo ang magdesisyon kung sino ang sasambahin nya!' Sabi ng nanay ni ser

Hindi nakasagot non si ser. Kasi nakatitig sya sa altar sa may sala. Kung saan nakakita sya ng malaking garapon na may nakakulong na kulay puting ipis at sa loob din ng garapon, may picture ang asawa nya.

Bago sya makalapit sa altar, sumigaw yung taga alaga ng baby nila. Takbo sya sa bahay nya. Nahimatay ang asawa nya. Dinala nya sa ospital pero hindi na nagising pa.

Habang papalabas syang chapel ng ospital ay may nakabangaan syang lalaki na mukhang lutang. Lalaking nakasalamin at polo shirt. Da wan en onle kuya jojo.

'Vash, wag mong hahayaang makita nya ang bangkay ng asawa mo. Oras na mangyari yun, mas lalakas sya, mas marami syang mapipinsala' cryptic na sabi ni kuya jojo na hindi na pinasagot pa si ser vash, kasi nag walk out na.

Pinacremate ni ser ang asawa nya. Ganoon na ito nilamayan. Ika ni ser hindi nya alam kung bakit sya nakinig kay kuya jojo.
Pero kasi kilala nya na non si kuya jojo, magkaedad sila at magkaklase sa isang subject noong college.
Nung maging pastor na rin kasi si kuya jojo, naimbita nya na si ser vash sa church nila ng ilang beses. Alam nyang may SAMting ke kuya.

At hindi nga sya nagkamali. Kasi sa unang gabi ng burol? Nagwala ang nanay nya nung makitang naka urn ang manugang nya.
Minuramura nya si ser vash sinayang nya raw lahat ng paghihirap. Edi sana raw matutupad na yung matagal na nyang gusto. Ang maging principal.

Pash pash na. Eto na yung kwento kung bakit kinulam ng nanay ni ser vash ang mga magulang ni ser milano.

Co teachers ang mama ni ser milano at ser vash diba. Mas bata ang mama ni ser milano.
Yung nanay naman ni ser vash pwede ng maging principal, kaso lang ang napili, yung mama ni ser milano kase mas bata.
Dito na nagtanim ng galit ang nanay ni ser vash. Nasaktan ang pride nya. Naungusan na naman kasi sya ng mas bata.
Yung papa naman ni ser milano, dinamay na lang nya.

Hanggang ngayon buhay pa rin nanay ni ser vash. Ang lakas pa. Plantita o lola basta.  Magkapitbahay pa rin sila. Pero hindi sila nagkikibuang mag-ina. Nanay din ni ser ang dahilan kung bakit, pinakuha ni ser dalawang anak nya sa ate nya para sa amerika na tumira.

Andoon pa rin kasi yung takot nya na baka may maisipan na namang kung ano nanay nya at pagdiskitahan naman mga anak nya. Lalo na yung panganay nya na sabihin na nating ang post lagi ay mga inspiring bible quotes.

Sa susunod na isesend ko, magsasagupaan na si ser milano at ser vash. Jk hshshshaha minadali ko na lang to. Nagagalit na kase sakin si bloo hshshahaha labyo bloo dabist ka talaga. Ikaw na, papasa mo pa saken ang bato ii hshahahshshs.

SIMON

Part 1
https://www.facebook.com/SIGAWPhilippineHorrorStories/posts/848290602579211

Part 2
https://www.facebook.com/SIGAWPhilippineHorrorStories/posts/882913992450205

Part 3
https://www.facebook.com/SIGAWPhilippineHorrorStories/posts/905434423531495

Part 4
https://www.facebook.com/SIGAWPhilippineHorrorStories/posts/915382235870047

Part 5
https://www.facebook.com/SIGAWPhilippineHorrorStories/posts/957590204982583

Part 6
https://www.facebook.com/SIGAWPhilippineHorrorStories/posts/969495110458759

Part 7
https://www.facebook.com/SIGAWPhilippineHorrorStories/posts/985143215560615

Part 8
https://www.facebook.com/218238752251069/posts/1011115216296748/

Part 9
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1057558358319100&id=218238752251069

MILANO
https://www.facebook.com/218238752251069/posts/1100216767386592/


📜Sigaw
▪︎2021▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon