LOLO GUYO

151 3 0
                                    

-LOLO GUYO-

      I can't remember kung ilan taon ako nun??basta sa pagkakatanda ko cguro mga 5-6 years old ako nun naka bonding ko c lolo gregorio a.k.a guyo..panganay na kapatid xa ni lola ines..may mga kwento tungkol sa kanya na narinig ko kay lola ines,minsan daw umuwi c lolo guyo galing inuman pero hindi raw ito nakauwi..ang sabi ni lolo guyo nagising na lang xa sa gitna ng talahiban...sa sobrang lasing nia daw ang naaalala lng nia ay meron kung ano ang bumitbit sa kanya pataas sa ere at inihulog xa sa talahiban..tpos habang kinukwento ni lola ines sa akin un bigla nia nabanggit ang magkapatid na babaeng nagtitinda ng maruya na nkatira malapit sa daungan ng lancha at bangka..may gusto daw ito kay lolo guyo,.so anong connection nun sa kwento??sabi ni lola asuwang daw ang magkapatid na un..tinanong ko xa kung pano naging asuwang un??sabi nia wala daw guhit sa nguso un,un pagitan ng nguso at ilong,di ko alam ang tawag dun..aun wala daw ganun un asuwang..pero di ko alam kung totoo un..

      Hanggang sa nagkasakit c lolo guyo,napauwi kmi ng quezon nun ni lola..nadatnan namin xa na nakaratay sa higaan sobrang payat halos buto na may balat na lng xa di na xa nakakapagsalita tanging ungol na lng ang maririnig mo sa kanya..isang araw,dumalaw c lolo tobal(kapatid din lola ines,isang albularyo)kasama nia c kua toper na anak nia..nakahiga nun c lolo guyo sa banig,nkahubo't hubad c lolo guyo nun nkatagilid at tumutulo ang laway..kinakausap xa ni lolo tobal tungkol sa kanyang agimat,nkaupo ang mag tatay sa sahig sa may bandang pwetan nkasahod ang mga kamay habang cnsabi kay lolo guyo ang"kua ibigay mo na ang anting-anting mo sa akin"sumagot lng c lolo guyo ng mga ungol at biglang umire so nacurious ako kung ano ang lalabas sa pwet agimat ba o tae???para matiyak ako pinanood ko cla...isang malakas ng ungol kasabay ng pag-ire may lumabas sa pwet ni lolo guyo matigas ito..pinagmasdan ito ni lolo tobal at bigla akong natawa nun bitawan nia ito bkit???narealize nia na hnd agimat ang lumabas kundi "tibe" hehehe...xempre disappointed xa kea nagpaalam na cla sa amin para umuwi...bigo kxe makuha un agimat..
   
        Isang gabi,.di makatulog c lola ines...may kumakaluskos daw kxe sa labas ng bahay kea di xa natulog binantayan nia c lolo guyo..at nung umaga na nasabi nia na bka asuwang un kxe mabango daw ang taong may sakit sa mga asuwang ayon kanilang paniniwala..and then the nxt na gabi naggatong muna c lola ines ng chinelas na goma para magpausok para maitaboy daw ang asuwang..pero baligtad ang nangyari kmi un naitaboy palabas ng bahay,.kxe ang sakit sa ilong..hehehe..kea pinatay din nia un pausok nia...

             Hindi ko lng matandaan kung ilang araw pa ang lumipas bago xa namatay..di na xa nadala ng hospital,wala namang ambulance sa gitna ng bundok..the day na namatay xa aun nilinisan xa ni lola,pinunasan un buo niang katawan at binihisan ng barong at slack na pantalon..nilagyan ng medyas ang paa at nilagyan ng bulak sa ilong at tenga...para hnd daw pasukan ng insects..di uso ang imbalsamo sa bundok...then isa-isa ng dumadating ang mga taga baryo may kanya-kanya clang bitbit tulad ng serotso,kabeg,katam,paet,martilyo at pako..tpos dumating c lolo tobal nakasakay sa kalabaw na may hila-hilang mataba at mahabang puno ng santol..un kxe ang gagawin kabaong ni lolo guyo..mga 6 pm na cla nagstart gumawa ng kabaong at habang gumawa ng kabaong ang mga kalalakihan,nagluluto naman ng mga kakainin ang kababaihan..at bigla akong nakakita ng puting manok bigay iyon ng taga baryo iaalay daw un..d ko alam kung saan iaalay ang puting manok..sa sobrang puti ng manok kinuha ko ito at hinimas,..dumating ang amg pinsan ko at pinag agawan un manok aun ang ending nakaalpas ang manok,hinanap ni lola un manok at cnbi kong nakawala ito kea aun pinagalitan ako ng todo..mejo inantok na ako nun kea minabuti ko ng matulog..nagising ako ng madaling araw dahil nakarinig ako ng mga nagtatawanan,.bumangon ako at sumilip sa labas..may natulog pla sa loob ng kabaong,pinagtripan ng mga kasama isinara un takip at pinako ng magising un nasa loob ng kabaong sigaw daw ng sigaw...kea ngtatawanan cla...at nang sumapit na ang umaga nagayos na kmi kxe libing na agad isang gabi lng ang lamay..d kxe naimbalsa...isinakay sa paragos un kabaong at pinahila sa kalabaw..buhay pa nun c inay na nanay ni lola nkasilip ito sa bitana kea pinagalitan ni lola na wag tumanaw sa ililibing na masama daw un...nkaalis na kmi sa bundok at nakarating daungan ng lancha sumakay kmi at un kabaong isinakay sa bangka,nilagyan ng lubid at kinabit sa lancha...pinaandar na ang lancha tahimik ang lahat..hanggang makarating kmi sa bayan..pagdating dun may karo ng naghihintay para itransfer un patay sumakay ako sa harapan katabi ang asawa ni lolo guyo na nagpakita lng nun ililibing na...sa sementeryo inilbing c lolo guyo sa isang bakanteng lupa puro putik,.para sa akin ang pangit nun libingan..nang matabunan un hukay,may narinig ako na ungol at iyak...kilala ko un ungol at di ako pedeng magkamali kay lolo guyo ang ungol na un..ang pinagtataka ko patay na xa kea pano ngyari un,.d tumigil ang ungol at iyak,.umaalingawngaw ito(echo)sa paligid,kea nagpasya ako na tanungin c lola,"lola naririnig nio po ba un umiiyak???"sumagot xa"tumigil ka nga ng kabang-awan mo!"at muli kong narinig un ungol at iyak...kea cnbi ko kay lola ulit at bigla xang natigilan marahil ay naririnig nia na rin bigla nia akong hinila at nagyaya ng umuwi,bakas sa mukha nia na natatakot xa..bata pa ako nun kea d ko maxadong nauunawaan ang ngyayare..muli kmi bumalik sa bundok at pagkalipas pa ng isang araw umuwi na ulit kmi dto sa laguna..hanggang ngeon naaalala ko pa rin ang nangyare..

📜Real Life Horror Stories
▪︎2016▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon