Old School Building

70 3 0
                                    

Old School Building

Hi Spookify and also to all readers! I used my dummy account just to share my creepy experienced. I am looking forward that you'll post my true story! Thank you!

Sa isang Public School na pinapasukan ko sa kolehiyo (hindi ko na babanggitin pa kung saang paaralan) bali-balita na ang mga kababalaghang nagaganap. Wala naman akong pakialam doon dahil hindi pa naman ako nakaka-experience ng mga Creepy na pangyayari not until ng pumasok ako sa school na 'yon.

Year 2015, kalagitnaan ng semestre, maulan na hapon. Kasama ko ang best friend ko na si Bella. Actually, maaga uwian namin nun, 2:30 pm palang class dismissed na pero nanatili parin kaming dalawa sa loob ng classroom hanggang 5:00 pm dahil pabugso-bugso ang ulan at wala kaming payong. Halos kaunti nalang ang mga estudyante kaya naisipan na naming bumaba (3rd floor kasi ang room namin). Pagbaba namin, huminto kami sa hallway ng Ground floor dahil malakas pa ang ulan. Hindi pa kami makakauwi dahil bukod sa baka magkasakit kami ay mababasa pa ang gamit namin.

Sa harap ng building namin ay may isang lumang building. Wala ng nagklaklase doon dahil luma na at puno na rin ng tambak at ginawang bodega. Sira-sirang upuan at may mga sulat na ang lumang-lumang pader. Well, hanggang second floor lang naman ang building na 'yon. Nakatingin kami ni Bella sa building at parang parehas kami ng iniisip.

Bella: Tara akyat tayo dun! (Sabay turo sa second floor ng building)
Ako: Hah? Kaso mababasa tayo.
Bella: Ayan lang oh! Kaharap lang nitong building natin. Pwede namang takbuhin nalang.

Although, nagdadalawang isip akong pumunta pero napilit ako ni Bella kaya tumakbo na kami papunta 'don. Pagtapak ng mga paa ko sa building na 'yon,  wala naman akong ibang naramdaman. Nadaanan namin ang sira-sirang book shelf, sirang labaratory at mga sirang display about Science.  Nung nasa second floor na kami, pumasok kami sa isang room na medyo matino. Nakita ko ang pangalan na nakasulat sa board gamit ang Pentel Pen na mukhang naghihingalo na dahil malabo ang pagkakasulat. Nakasulat doon ang pangalang Mariel. Sinulat ko ang kanyang pangalan gamit ang daliri ko at sinusundan ang bawat letra ng pangalang iyon habang si Bella ay nakaupo malapit lang sa'kin. Nagulantang kami ng biglang sumara ang pinto. Wala namang hangin at puro ulan lang. Ipinagsawalang bahala nalang namin iyon kaya nagtagal kami ng mahigit sampung minuto pero nung bubuksan na namin ang pinto ay ayaw na nitong mabuksan. Take note, tanggal na ang door knob nito pero ang nakakapagtaka lang, hindi namin ito mabuksan. Nakakagulat dahil umaawang ang pinto pero may tumutulak nito pasara. Siguro mga nasa 3 inches din ang awang kaya inisip ko na baka may taong nagpupumilit isara ito. Pilit naming pinagtulungan ni Bella upang mabuksan ang pinto pero sumuko narin kami kaya ng bitiwan namin ay tuluyan ng  lumapat ang pinto. Pero dahil tanggal ang door knob, sinilip ko sa bilog na butas kung may tao ba at hindi nga ako nagkamali, may babaeng nakatalikod at soot ang Unipormeng sa pakiwari ko ay pang Doctor. Nakapuyod ang buhok niya. Matangkad. Nakaramdam ako ng kakaiba. Hindi ako mapalagay at parang may malamig na hangin ang dumampi sa balat ko. Sumulyap ako kay Bella. Pawis na pawis siya at todo ang pagsisign of the cross niya kaya dali-dali kong tinulak ang pinto at sa awa ng diyos ay nabuksan ko ito ng walang kahirap-hirap. Naramdaman ko ang paghawak ni Bella sa kamay ko. Pinagpapawisan siya ng malamig. Nag-angat ako ng tingin pero wala na yung babae. Nagbikit-balikat nalang ako at nanahimik nalang. Tutal ako lang naman ang nakakita at malamang ay matatakot lang siya. Sa totoo lang ay sobra ang takot ko pero nagdasal nalang ako sa isip ko dahil alam kong may kakaibang nangyayari.

Bella: Uwi na tayo! (Nagmura siya ng malutong habang hawak ang kamay ko.)
Ako: (Nagmura din) Ikaw kasi e. Muntik pa tuloy tayong makulong dito. Hell no! Hindi bagay ang skin ko dito. Hahaha! (Sinadya kong idaan sa biro para mawala ang kaba namin)

Aalis na sana kami pero nakakailang hakbang palang kami ay narinig namin ang mga estudyanteng nagsisigawan.

Ako: Bel, may nagklaklase yata. Ano sa tingin mo?
Bella: Paanong magklaklase e hindi naman 'to ginagamit.
Ako: Sandali pakinggan natin.

Huminto kami at pinakinggan ang ingay. Tama ako at may nagklaklase nga. Dumeretso kami ni Bella sa paglalakad pero ang nakakapagtaka ay papalapit ng papalapit sa amin ang ingay ng mga estudyante at hanggang sa narating namin ang pinanggagaling nito ngunit nag-iisa lang pala ang tao at siya ang nakita ko. Huminto ang ingay at napahinto rin kami ni Bella. Nakita ko ang babae sa loob ng classroom. Nakayuko at hindi makita ang kanyang mukha. Hindi ako pwedeng magkamali dahil siya ang babaeng nakita ko sa pinto. Nakasuot ng puting-puting damit na parang pang-doctor at nakapuyod ang kanyang buhok. Naiiyak ako sa takot. Ano mang sandali ay parang babagsak ang tuhod ko. Dali-dali kong hinila si Bella hanggang makarating kami sa Ground floor pero bago pa kami makalabas ng building na iyon, nasulyapan ko ang isang pangalang naka-vandalized sa pader at ang nakasulat doon ay..

Mariel.

Karylle
Manila, Philippines


📜Spookify
▪︎2018▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon