Chocolates

71 3 0
                                    

Chocolates

Okay, here it goes. Kailangan ko to maikwento. Para maibsan ung takot na nadarama ko. Bata pa lang ako nung nangyari ito. Mga 14-15 yrs old siguro. Naaalala ko pa. Matagal ko na tong gustong kalimutan ngunit naalala ko pa ngayon. One of the scariest memories of my life.Si tiyuhin ko yung nagpalaki sakin. Namatay kasi sina Ina at Ama nong baby pa lang ako. Walang asawa si tiyuhin pero marami siyang 'kakilalang' babae. Yung iba pumupunta dati sa bahay para magkwentuhan at magmerienda sa bahay.

Isang araw, habang nag memerienda kaming tatlo, kasama ng isang babae sa bakuran (Ako, si tiyuhin, tsaka yung bago niyang kakilala na si Jen). Tumayo si tito para ihanda yung kaniyang brownies. Kaya dalawa na lang kami ni Jen naiwan. Okay quick description kay Jen. Maganda siya. Maputi, 5'6'', malaman, sexy, straight ung buhok. Kaya siguro nandoon ako nag memerienda imbis na mag labas at mag gala kasama ung kaibigan ko. Pero may nafeel ako nong kami na lang dalawa. Parang may mali. Simula nang pagtayo at pagtalikod ni tiyuhin papasok sa loob ng bahay. The moment na sumarado ung pinto tiningnan ko si Jen. Titig na titig siya sakin. Nakangiti. At hindi yung ngiti na parang matutunaw ka sa kilig. Yung ngiti na parang sobrang peke? As in FORCED talaga ang ngiti. Tapos yung mata niya bumilog bigla at nanlalaki. At yung ulo niya naka angled sa kaliwa. Ayos lang sana kung magkabarkada kami nang mag joke siya nang ganun. Pero hindi eh. Ngaun ko lang siya nakilala. Gusto ko sanang magsabi na mag ccr lang ako para makaalis na eh, pero hindi ko masabi. Hindi ako makapagsalita. Mga 30 seconds siguro na ganon lang siya at nakatingin lang ako sa kanya, doon ko lang napansin na silent sa paligid. Hindi ko marinig ung dalawang aso, ung mga love birds, ung yapak ni tiyuhin sa kusina niya. Hindi ko na nga rin napansin na tumutulo na pala pawis ko.

'She' broke the silence. 'Keeeeeeen??' Laking taka ko kasi tinawag niya ko sa tawag ng mga kaibigan ko sakin. Kahit tiyuhin ko hindi niya yan alam eh. Nilagay kong 'she' kasi siya ung nagsasalita. Pero hindi ako makasigurado. Kasi hindi naman gumalaw ung BIBIG NIYA! As in same super fake smile pa din habang nagsasalita!. At yung boses niya. Hindi ko maexplain yung boses niya. Kani-kanina nung nag uusap kami normal pa. Pero... Pero nang umalis ni si Tito parang hindi normal sa edad niya ba? Parang... Parang batang lalaki at babae na pinaghalo. Sobrang high-pitched. Ung pitch na hindi dapat maririnig ng tao.

'Tara, uwi na tayo.' Same high pitched voice. Hindi gumagalaw ung bibig. And same facial expression kanina pa. Doon ko lang din napansin kanikanina pa hindi pa sya nag bblink. Doon ko na rin na pansin na tumutulo na pala luha ko. Saan niya ba ako dadalhin? Wala naman akong kinikilalang ibang uwian kundi dito eh.

'Tara na, sama ka na samin' sabi niya. Sabay abot ng isang pirasong chocolate..'Tara na puntahan natin....'

'Wops! Pasensya na kayo ha. Hindi pa pala ready yung brownies' Sabi ni tiyuhin. Bumalik na si tiyuhin. Laki talaga ng pasasalamat ko non. Nag sorry sya na natagalan ung brownies niya.. Si Jen naman... Bumalik din sa 'dati'. Parang wala lang nangyari. Wala din siguro nangyari. Namalikmata lang siguro ako? Hindi ko alam kung anong nangyari. Hindi ako makapaniwala. Yung pinapaniwalaan ko lang baka siguro naidlip ako dahil sa sobrang pagod. Pero kahit na, sobrang natakot pa rin ako. Baka naatake ng isang masamang panaginip siguro. Di ko alam nong time na yun. Pero, needless to say nag 'excuse me' ako para matulog na lang muna. Kasi 'masakit ung ulo ko'. Di nila alam basang basa na ung shorts ko sa ihi.

Ilang araw din pabalik balik dun si Jen. Hinahanap daw ako. Pero pinasabi ko lang kay tiyuhin na masama ung pakiramdam ko o tinatiming ko lang sa gala kasama ng kaibigan ko. Isang gabi, pinuntahan ako ni tiyuhin sa kwarto at binigyan ng chocolates. Kakainin ko na sana ng sinabi niya 'Padala ni Jen mula sa Norway daw' .

Kaya ayon. Sa basurahan ang punta. Tapos nong ilang buwan hindi na siya nagpakita pa. At wala na rin akong balita sa kanya.

Ilang taon na din ang lumipas. Nakapagtapos na ako, nakapagtrabaho bilang engineer sa isang barko. Nakalimutan ko ng lahat ng nangyari noong hapon na yun. Nang kagabi. Dito sa isang Hotel sa Brazil. Napanaginipan ko siya. Nakita ko siya, sa labas ng bintana. Nakangiti, abot tenga. That same forced smile. And hindi ako nag eexaggerate. Hindi pumipikit yung mata nya. Ngumingiti siya pero damang dama ko ang poot at galit. 'Hindi ka makakatakas' pero ngayon yung boses niya parang matandang lalaki. Sobrang lalim. Parang galing sa lupa? Alam kong panaginip lang yon dahil imposibleng tatayo siya sa labas ng bintana ko dun. Unless may 30 meters siya na ladder. Dahil nasa 7th floor ako.

Pero takang taka ako pagkaumaga, pagkatapos kong papalitan ung bedsheets ko dahil mapanghi. Kung sino naglagay ng isang box ng chocolate dito sa bed table??



KLMC



📜Spookify
▪︎2015▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon