DENTAL CLINIC

60 5 0
                                    

DENTAL CLINIC

Hi Guys. Lagi akong nagbabasa ng mga stories dito. Kaya nainspire akong ishare tong experience ko.

Nakikitira lang ako sa bahay ng guardian ko. Simula pa nung 2013 nakikitira na ko sa kanila. Tatlo yung bahay nila. Yung bahay nila mismo with her family, tapos yung clinic na tinitirhan ko. Dun na ko pinatira, kase una dahil masikip yung una nilang bahay, dahil lahat sila dun na naglalagi. Yung pangatlo namang bahay masyadong malayo, parang byaheng probinsiya. Etong dental clinic, may 2nd floor. Yung ground floor yung pinaka office nya then yung 2nd floor yun yung nagmimistulang kwarto ko. Before, when I was in Grade 6, uso yung nakawan samin kaya nilalock yun sa labas habang ako nasa loob without any means of escape.

Hindi ako matatakutin. Hindi rin ako mapaniwalain sa mga kung ano ano. Natitiis at natiis ko ngang tumira sa isang lumang lumang bahay sa kabundukan ng anim na taon. Pero dito lang talaga ko tinablan at sinira nun yung paniniwala kong hindi lang ako mag isa samin.

Every time na magkakaron ng pasyente si tita, laging ginagabi na siyang matapos. Yung mga tools na ginagamit nya syempre sinasanitize nya pa then madalas habang ginagawa nya yon nagsasalita siya sa hangin, mga usual niyang sinasabi mga pangaral sakin. Mga around 11 or 12 matatapos na siya. Pagkatapos ilalock yung pinto at sasabihin "Matulog ka ng maaga. Magpray ha. "

Nakapatay yung ilaw sa ground floor. Utos yun ni Tita. Para nga daw makatipid kami sa kuryente. Kahoy lang yung hagdan na nagcoconnect sa dalawang floors. Sabi ng mga kaibigan ko para daw hagdan sa "The Grudge" yung hagdan namin. Hahaha pero di ko nalang pinapatulan kase pag uwi nila mag isa nalang akong tatao sa bahay. Mahirap na.

Pag uwi ni Tita, pagkalock ng pinto. Siguro mga year 2014 non, dun ako nagsimulang kabahan sa bahay na tinitirhan ko. May mga gabing naaalimpungatan ako kase akala ko andun pa si Tita sa bahay, nililinis yung mga dental tools nya. Tapos titingin ako sa oras, mga quarter to 3 na. Imposible yon. Nung una hindi ko lang pinapansin pero dumalas na ng dumalas. Hindi pa rin ako naniniwala sa mga bagay na di ko nakikita kase inisip ko baka magnanakaw lang o pusang nakapasok. Pero nagkamali ako.

One night, maaga kong natulog samin. Pagod na pagod ako galing school. Natulog ako around 8pm. Nagising ako, parang may tao pa sa baba. Sa table ko sa 2nd floor, iniwan ko yung pagkain ko. Inubos ko muna yon, kampante akong may pasyente pa si Tita. Ganun siya pag pagod, di na nagsasalita. Pero nagulat ako, may letter na nakaipit dun sa kinalalagyan ng pagkain ko. "Ilock mo sa loob yung pinto ha. Umalis kami pumunta sa kabilang bahay, dun na kami magpapagabi. Iniwanan kita ng pera diyan para pambaon mo bukas. Magdasal palagi ha. "

Dun na ko nagsimulang kilabutan. Tumingin ako sa hagdan. Patay na nga yung ilaw. Pero sh*t! Ano yung naririnig kong paggalaw ng office chair ni Tita? Holy crap! Magisa nalang ako sa bahay. Sumilip ako sa bintana. Patay din yung ilaw!

Maya maya nagtalukbong nalang ako. Nagsisisi akong natulog ako ng maaga! Sana gumala nalang ako tapos nagdota! Mas lalong nagpakabog sa dibdib ko yung gumana yung air compressor ni Tita. Yun ung malakas na machine na humihigop ng laway. Hindi gagana yun unless nakasaksak. Sh*t! Sh*t! Sh*t! Nakikiramdam nalang talaga ko. Maya maya naririnig ko sa baba yung mga dental tools ni Tita, maririnig mong pinaglalaruan. Bumubukas sara yung gripo. T*ng*na di na ko makakilos sa hinihigaan ko!!! Lalo na nung narinig kong nagsimula ng yumapak yung paa dun sa hagdan!!! Dahan dahan pero dama kong mabigat dahil kahoy lang din hinihigaan ko! Pinilit ko na yung sarili kong magtulug tulugan. Bahala na! Kung sino man yon mauna una nalang kami!!! Papalapit ng papalapit yung yabag, siguro mga last 3 steps nasa 2nd floor na siya!

Umiyak nalang ako. Di ko na maigalaw yung katawan ko sa sobrang takot. Inisip ko nalang sana mag umaga na. Sh*t talaga! Di ko na uuliting matulog mag isa!

Hindi lang siya isa. Dama ko madami sila. Halos mamatay na ko sa takot at kaba! Lalo na nung may tumuktok sa pinto at bintana ko! Nagpatay sindi na din yung ilaw! Tapos yung upuang may gulong ni tita ang ingay sa baba na parang pinaglalaruan! Hanggang sa tumigil yung yabag. Umapak na sa floor na kinahihigaan ko. Yung kaninang nagbi blink blink na ilaw, lahat namatay na ng tuluyan. Ako parang yelo na sa panlalamig. Mas lalong lumamig yung paligid nung naramdaman kong may nagmamasid na sakin. Tinatantiya yata kung gising pa ako!

Mr. Solitary5

📜Spookify
▪︎2017▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon