Everyday Halloween

148 6 0
                                    

hi admin sana mapost po ang kwento ko.  . .
"Everyday Halloween"

Hi I'm Zoi from antipolo.
Kakaendo ko lang nun taz two months na akong tambay. Inalok ako ng tito ko ng work sa isang funeraria, kabarkada nya kasi ang may-ari.
Dahil wala na rin akong mabunot na pera sa aking bulsa hahaha 😂😂😂 tinanggap ko na ang offer at nag-apply bilang utility sa isang sikat na funeraria dito sa antipolo.
After two weeks of being hired, inassign nila ako panggabi non. Okay lang gusto ko nga maging nightshift eh para astig.

7:15 pm nagwawalis ako sa lobby ng funeraria,
may nakita akong malaking mama na nakabarong na puti, black pants and black shoes sa hagdaan papuntang 2nd floor (gawaan ng casket). Nagulat ako, sinundan ko sya pataas sa gawaan ng casket at ng papunta na sya bandang dilim. . hindi ko na sya sinundan. .
nakaramdam na ako ng kilabot. . .

Tinanong ko yung mga katrabaho ko kung may tao ba na stay in sa taas. . sabi nila wala naman daw. Alam kong multo ang nakita ko. Inisip ko nalang na winewelcome lang nila ako kasi bagong tauhan ako sa funeraria.

My 2nd experience. . . Umaambon nom siguro mga 2:30 ng madaling araw. Nagpapahinga ako nun at nakaconnect sa wifi ng office namen sa may displayan ng casket, nang biglang.  . .

may narinig akong yabag ng paa sa labas papalapit saken . . .isang malaking mama na nakared at naka-cap na gray.  . .huminto sya nakatingin sa akin at sumigaw.  . .
"HOY!  ! ". . . pagkasigaw nya. .dumiretso sya sa may gripo.  Tumaas na ang balahibo ko nun. . .
hindi ko na sya natignan ng mabuti.  .
hindi ako napatingin sa kanya sa takot.  .

Lumabas ako sa displayan ng casket at sinilip ko sya sa may gripo at wala namang tao.

Kinuwento ko sa mga katrabaho ko ang pangyayari at natakot din sila. Gusto ko sana ipareview sa cctv ang nakita ko.  . kaso baka magalit lang ang amo ko.
At finally.  . . almost 1 year na non ako sa funeraria. . .natuto akong magdrive ng 4 wheels.
kaya nag aral naman ako non ng embalming. .
Kinausap ko yung kaibigan kong embalmer
sabi ko turuan nya ako.  . ang sabi nya  . . .
O sige.  . .eto kumuha ka ng ugat sa leeg. . .
Aalis sya non.  . .may iiretouch silang patay.  .kupas na kasi ang make-up.  .

Ako lang mag-isa sa morgue.  . hinahanap ko yung blade para makakuha na ng ugat sa leeg.
Hinanap ko ng matagal sa morgue.  .  hindi ko nakita.  . .lumabas ako para tanungin yung embalmer kaso sabi ng gwardya umalis na.  .
Hindi ako nakaumpisa kasi wala yung blade.
Hinintay ko yung embalmer.  . sabi nya nandyan lang yan. . .pinuntahan namen ang morgue.
Nagulat ako.  . yung blade nasa embalming table. . mga 2 inches ang layo mula sa nakahigang patay.  . . Eh mahigit 20 minutes akong naghahanap.  .kahit sa mga cabinet ng embalmer hindi ko nakita. . .
mukhang may nagbiro.  .  . napaglaruan ako ng patay.  . . kaya huminto muna ako sa pag-aaral ng embalming.  . .  nakakataas ng balahibo ee.
Sa ngayon.  . . dalawang taon na ako dito sa funeraria dito sa antipolo.
Medyo wala na masyado nagpaparamdam
kasi medyo matagal na ako.
Siguro kilala na ako ng mga multo.  . .at hindi na katulad ng dati na.  . . winewelcome ako . . .
salamat sa pag-basa ng aking kwento

#zoi

📜True Philippine Ghost Stories
▪︎2017▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon