Room 203

91 6 0
                                    

Room 203

Sa lahat ng room sa school namin, itong room lang na ito ang naiiba. Wala syang cross at walang clock di gaya ng ibang room. Ang pinakakakaiba rito ay may nakadikit itong papel sa left side nito. May nakasulat pero hindi namin maintindihan. Sabi ng prof namin dasal daw iyon para sa mga kaluluwa na pagala-gala sa school namin. Tinanong namin kung bakit ito lang ang room na may ganon. Sabi nya. ""Dito kasi madalas mag sit-in ang mga estudyante na di niyo nakikita.""

Sa totoo lang hindi ako naniwala nung una. Baka kasi nananakot lang yung prof namin dahil panggabi ang klase namin at yun ang room na ginagamit namin.

Pero nung minsan na nagtuturo siya at seryoso kami sa pakikinig sa kanya, bigla na lang nagbukas yung pintuan. Lahat kami napatingin at hinihintay kung sino ang huling dumating. Pero wala. Tumayo ako para isara ang pintuan since ako ang pinakamalapit sa pinto. Pero pagkahawak ko pa lang ng doorknob nanlamig ako at namanhid ang kamay ko. Kusa akong bumitaw sa doorknob. Natakot ako non kaya umupo na lang ulit ako at hinayaang bukas ang pintuan. Lalo akong kinilabutan nang magsalita ang prof ko.

""Hayaan mo silang pumasok, isasara din nila yan.""

Mula non nag drop na kami ng kaibigan ko sa klaseng yon.

Estudyante

📜Spookify
▪︎2016▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon