Ang aswang na naka skinny jeans

51 2 0
                                    

Ang aswang na naka skinny jeans

Ako na naman to si Hunter. Opo, katulad ng sabi ko dati, mula nung mangyari sakin yung mga naranasan ko nung highschool ako, napapansin ko napapalapit ako sa mga taong may third eye, lapitin ng maligno, demonyo at aswang, dahilan? Di ko po alam. So dahil nga po mejo mejo madami, gusto ko lang ishare, lalo pag sinisipag akong magtype at hindi ako busy.

Nauso yung kwentong aswang dito samin around 2010 til 2012.  Nabalita pa nga dati na may video yung tanod na rumoronda, sa puno ng caimito, may lalaking maitim na pula ang mata, amoy bulok na karne. Natatawa pa kami ng mga tropa ko non kasi rinig dun sa video, sinigawan pa ng mga tanod, gamit yung dialect namin sinisita nila yung lalaki, mag aadik na lang daw aakyat pa ng puno. Pero nagulat sila nung bigla na lang tumalon, mataas na talon. Nagtataka pa kami non kasi bakit naman nagvivideo sila? Yun pala pauso nung kapitan para malaman nya kung talagang rumuronda mga tanod nya, hindi lang tomotoma sa tindahan. Medyo malayo samin yung bayan na yun, pero yung takot na dala nung aswang na yun, umabot hanggang samin. Halos wala ng mga batang nasa labas pagpatak ng ala sais.

Umuwi yung tatlong kuya ko. Bilang dakilang bunso at nag-iisang babae, naging uripong hayahay nila ako. Taga laba, taga luto, taga hugas ng pinagkainan. Pag mamalasin ka pa, taga tiris ng tigyawat nila sa likod. Pero okay lang kasi dagdag allowance. Pero nung hindi na kinaya ng powers ko, tumakas ako samin. Tinext ko mga tropa ko. Yung si bessssss kong si Kulas hindi makasama kasi may seminar, isa kasi syang maestro. Kaya naisipan namin nila Baki na tumambay na lang sa may ilog. Inabot sila ng isa't kalahating oras bago nakarating. Naiirita na ko kasi puro lovebirds nasa paligid ko, nakaka inggit. Kaya nung dumating sila, nagwala wala kami, kaya nasolo namin yung riverside. Pa ala siete na ng gabi, wala pa rin si Kulas. Ang usapan kasi dun kami sa kanya maghahapunan. Nagwawala na yung mga bangis namin sa tyan, kaya si Ison inutusan naming bumili ng makakain. Sige naman sya. Pagbalik nya, kain kain, batuhan ng boy bawang, yung icacatch sa bibig pag hindi mo nacatch, pipitikin ka sa ilong.
Si Ilad, napansin namin hindi mapakali. Pinagpapawisan. Natatae pala ang hunghang. Biniro namin sya ni Lyn na yung dahon ng saging na lang yung ipangpunas nya, may dala naman akong kalamansi kaya yun na lang gawin nyang disinfectant. Si g*g* sumunod. Tawanan kami nung hawak nya pwet nyang tumakbo papunta sa may talahiban.

Mga ilang minuto pa lang, biglang may malaking ibon na lumipad. Una hindi namin pinansin kasi madalas naman na may nagagawing agila o kaya lawin samin. Pero medyo kinilabutan na kami nung napansin namin na pinapaikutan lang kami. Si Baki, ilang beses na nyang tinawag si Ilad. E hindi pa tapos. Si Baki kasi maraming alam sa mga aswang. Mama nya kasi galing sa probinsya na sinasabi ng iba, maraming aswang at mangkukulam. Nung binato ni Ison yung ibon nagalit sya, baka masaktan nya raw magalit samin. Parang effective naman kasi umalis yung ibon, ang creepy lang kasi yung pagaspas ng pakpak kahit malayo na parang ang lapit pa rin. Relax na kami, pero biglang sumigaw si Ilad, tumakbo pa papunta samin. Napatayo kami, sabi nya kasi may babae daw na mahaba ang buhok na nasa puno, nakatingin sa kanya, pero walang lower half. Pero imbes na matakot kami, natawa kami sa itsura nya. Yung shorts nya kasi kasama ng undies nya, nakababa pa rin habang tumatakbo sya. Kitang kita namin ang kamias nya. Pero parang wala syang pake. Tawanan lang, pero nung mula don sa pinanggalingan nya, may lumabas na malaking ibon na naman na pang paniki ang pakpak tas babae nga na naka off shoulder na blouse, may ugat ugat na itim sa mukha, karipas na kami ng takbo. Pinaka matangkad samin si Ilad, kahit may sagabal na shorts sa paa nya, nauuna pa rin sya. Kaya kahit hinahabol na kami ng manananggal, tawa pa rin kami ng tawa.

""Dapa!"" Sigaw ni Baki. Sabay sabay kaming nagdive, tumatawa pa rin. Naramdaman ko yung hanging gawa ng ibon asa tapat lang namin.

""Gapang bilis"" Pakiramdam ko nung mga oras na yun para akong sundalo tapos si Baki yung officer namin. Nung mga oras na yun, hindi ko alam kung paano naging effective yung pagdapa namin. Pero laking pasalamat ko at andun si Baki. Kasi sabi nung mama nya nung kwinento namin, hindi talaga namin maa-out run yung manananggal, tama lang daw na dumapa kami tyaka gumapang. Yung pagdapa namin, talagang nakasubsob yung mukha namin sa lupa.

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon