Part Time

68 7 0
                                    

Part time

I'm a mom of two wonderful kids and currently residing and working as a teacher here in canada. Pero kahit may pamilya na ko, nagpapadala pa rin ako sa pinas para sa parents, lolo at lola at mga kapatid ko. 2014, kelangan kong kumuha ng part time job. Ang lola ko kasi malubhang malubha na ang sakit at kelangan ng malaking pera para sa pagpapagamot niya. So teacher ako sa umaga, pagdating naman ng hapon tutor ako.

Nov. 14, 2014. Friday. Di ko malilimutan tong date na to. Nakiusap ung mommy ng batang tinuturan ko na kung pwede na ibaby sit ko na din ung 2 anak niya till 11pm (7 yrs old and 3 yrs old). Hindi niya kasi mahagilap ung baby sitter nila. Pumayag na ko. Sinabi niya saken ung bed time routine ng 2 anak niya. At around 9 pm, tulog na yung 2 bata. Ako naman tumawag muna sa bahay para tanungin asawa ko kung kamusta 2 anak ko. Ok naman daw at hinahanap ako. Kakausapin ko sana panganay ko nang bigla kong nakita sa baby monitor si 3 yrs old na gising at may kausap. Dali dali kong inakyat ung kwarto, pagpasok ko nakatingin na ung bata saken at sinabing ""November 15, that's what the man said"". Ako naman ""Huh? Man? Where is he?""
Sabe ng bata ""He's gone.""

Kahit na kinilabutan ako, di ko pinahalata. At sinabi ko sa kanya na matulog na. Nagtataka ako sa date na sinabi ng bata. Almost 12mn na nang dumating mommy nila, and ako excited na umuwe. 12:30 am na ko nakauwi sa bahay. After ko maghilamos, umakyat na ko agad. May napansin akong taong nakatayo sa gilid ng living room namen, tinignan kong maige. Sabe ko. ""Lola??"" Tapos bigla na lang nawala. Sa isip isip ko, dala siguro ng pagod kaya kung ano ano nakikita ko. Nagising ako ng 4am, pagtingin ko sa cellphone ko, sandamakmak ang text messages galing sa dad ko. Wala na si lola. Naiyak ako. Nung kalmado na ko, naalala ko ung sinabi saken ng bata... November 15.

Marami pa kong experience sa bahay ng tinuturan ko, until now pag may time, saken pinapabantayan yung 2 bata. And hanggang ngayon, nakikita ko na may kinakausap ung bata. May mga dates syang sinasabi, minsan signs. Pero next time na lang. Thanks for reading.

Capricorn

📜Spookify
▪︎2016▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon