Unibersidad 4

35 4 0
                                    

Unibersidad 4

Lagi na kaming magkasama ni ramon. Kahit nagdrop na sya. Hatid sundo nya kami nila noel. Sa bahay namin sya laging nakatambay at nakasundo nya agad lahat ng mga kuya ko. Lagi nyang kabiruan si nanay. Naghuhugas syang sangkaterbang pinagkainan namin. Nagluluto rin. Mabuting tao si ramon. Totoo syang kaibigan. Kaya kahit sinasabi ni noel na aswang sya pati sila ron, hindi na ko nakararamdam ng takot sakanya. Sakanya lang pero kila ron aym iskerd as pak.
Isang araw inaya nya ko sa bahay nya, walang pasok nun e. Sige naman ako. Kahit tanghaling tapat nag aya syang uminom. Habang nagluluto syang pulutan namin, lumabas ako para bumiling yosi. Nakasabay kong bumili yung kablock namin na si andoy. Nag uy-an kaming dalawa tapos tinanong nya ko sinong kakilala ko doon sakanila.

'Si ramon tol' kako

Nabitawan nya yung yosing hawak nya tapos namutla sya. Ilang beses syang napatingin sa direksyon ng bahay ni ramon tapos ay kinaladkad nya ko palayo. Nung hindi ko na tanaw bahay ni ramon, binulungan ako ni andoy.

'Umuwi ka na tol. Sige na uwi ka na. Delikadong tao yang si ramon. Uwi ka na kung mahal mo pa buhay mo'

Lumayo akong konti sakanya tapos hinihintay kong sabihin nyang jokenesz lang yun kaso wala. Seryoso pa rin mukha nya. Kako sakanya baka lasing na sya kaso hindi e. Hindi naman sya amoy alak. Nung magpaalam na ko sakanya, bigla nya kong hinila sa braso ko. Anim@l yung braso ko pang iniiwasan kong madislocate ulit. Napaaray ako kasi ang sakit e. Kaya nahila nya pa ko ng ilang metro hanggang sa marinig ko si ramon. Pagmulat kong mata, hawak ni ramon sa balikat si andoy.

'Nasasaktan si simon sa ginagawa mo' sabi ni ramon

Si andoy bigla akong binitawan tapos para syang natakot na di mo malaman kasi natumba sya sa gilid ng daan. Halos lumuwa rin ang mga mata nya sa pagkakatitig kay ramon tapos kumaripas na syang takbo.
Ang tahimik ni ramon pagbalik sa bahay. Yung sigla nya kanina lang nawala na. Kahit nung nag iinom na kami. Perstaym na makita ko syang ganun kalanta.

'May sinabi si andoy tol' kako. Magsasalita sana sya kaso tinaas ko kamay ko. 'Marami akong natutunan mula nung maging kaibigan ko si noel tol. Isa na tong sasabihin ko sayo. Hindi mo dapat husgahan ang tao dahil sa nakaraan nya lalo pa at nakikita kong nagbabago na sya. Kaya kung anuman ang nagawa mo noon, labas na ko dun. Ang mahalaga ay ang kasalukuyan at ang future nating dalawa be'

Pagkasabi ko nun bumunghalit ng tawa ang anim@l. Kahit biniro ko sya sa dulo, sincere yung sinabi ko sakanya.

---

Isang linggo bago ang finals namin, nakapila ako para magbayad sa kulang ko sa tuition fee. Kasama ko nun si eunice, kasunod nya ko. Habang nagbabayad na sya, may kumalabit sakin. Yung ka varsity ko. Sabi nya may pag uusapan daw sabi ni kutz mane. Kaya hinintay na nya ko. Pagkatapos magbayad ni eunice pinauna ko na sya sa field, kung saan inaantay kami nila noel.
Nagsimula na kong magtaka nung pagkatapos ko namang magbayad e sa likod ng campus ako dinala nung ka varsity ko. Naghinala na ko na hindi totoong may pinapasabe si kutz, nung makita ko si andoy. Tapos naalala ko ay langya!  Tropa pala ni kavarsity si andoy. Nung kako aalis na ko, hineadlock ako ni kavarsity. Lumapit naman si andoy at ang depungal hinawakan ako sa panga at pinakain ako ng isang dakot na asin. Hindi ko sana lulunukin kaso pinahiga nila ako, tinakpan ang ilong ko sabay pina inom akong agua bendita. Diring diri ako nun kasi malamang kinuha yun ni andoy dun sa simbahan kung saan sino sinong kamay ang sumasawsaw. Sa labis na pandidiri ko sinubukan kong isuka, nung naisip kong hindi na pwede at natanggap na lahat ng bato ko yung asin, sinapak ko yung nag headlock sakin. Inawat naman ako ni andoy. Habang sinisigawan nya ko. Para din daw sa akin yun. Para daw mawala na yung enkantasyon na ginawa ni ramon sakin. Sa urat ko na rin sakanya, nasapak ko na rin sya ng ilang beses. Natigil lang ako nung may tumawag sa pangalan ko. Si eva. Pawis na pawis sya. Hindi nagtagal andyan na rin sila cristine  na pawis at hingal na hingal.
Nilapitan ako ni eva. Nung lalapitan sana ako ni andoy, tinulak nya ito. At tumirik na naman ang mga mata ni eva.

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon