Pirata sa isla

89 6 0
                                    

Pirata sa isla

I'm 18 now, and this story of my tito happened many years ago, di pa ko buhay. Pero napagkwentuhan lang namin ito ng mommy ko. So eto yung nangyare.

I've read the story about the guy who lost her fiance. Yung title ""My Gf was raped by a demon"" then I shared it, and nabasa din ng mommy ko yun. Tapos sabi ng mommy ko, naniniwala nga daw siya sa mga engkanto etc. Tapos tinanong ko siya kung bakit? At eto ang kwento nya sakin..

Yung tito ko kasi may palaisdaan sila somewhere in Quezon Province. He was just 20 nun. Tapos nangingisda siya, napadpad siya sa isang isla. Then may nagkagusto sa kanya na according sa albularyo eh ""pirata daw"". The next day after, pagkagising nung tito ko, may nakasuot na sa kanya na singsing tapos di malaman ng mga tita ko kung san galing at pano naisuot sa kanya yun. Tapos yung tito ko, nagstart na sya maging out of the blue, yung parang lagi siyang nakatulala, di mo siya makausap. Tuwing dadaan daw yung mommy ko sa room niya, magsasalita si tito ng ""Wag kang dadaan, nanjan sila, baka masagi mo sila"" tapos kinilabutan yung mommy ko at sinabi yun sa mama ng tito ko. Naghanap sila ng albularyo, yung magaling. At may nakapagsabi sa kanila na may magaling daw na albularyo sa Bicol. Ayun, pinuntahan nila at dinala sa palaisdaan nila. Dito nila nalaman na pirata ang nagkakagusto sa tito ko, isang prinsesa daw.

Ang kwento pa sakin ng mommy ko, nakita daw nila yung pirata na nagkagusto sa tito ko. ""Payat at sobrang liit lang daw nito at nakakatakot ang itsura."" Nakausap pa nila. Ang sabi sa kanila ay ibibigay daw nila ang yaman na gusto ng mga lola ko (Nanay ng tito) makuha lang ng pirata ung tita ko. Wala daw maghihirap sa angkan namin hanggang sa kaduluhan ng patak ng dugo namin. Syempre hindi pumayag ang mga lola at tita ko. Binigyan sila ng taning ng pirata. Ang sabi, kapag daw hindi nila natanggal ang singsing sa daliri ng tito ko (Idk the exact date) ay makukuha daw nila ito at hindi na ibabalik pa.

Buti na lang at magaling yung albularyo na nakuha nila lola. Malakas siya. Magaling talaga kaya nakuha at nasira nila ang singsing na nasa kamay ng tito ko. At after non, binenta at iniwan nila yung palaisdaan nila.

Kaya yung mommy ko, tinuruan niya akong mag ""tabi-tabi po"" eveytime na mapapapunta ako sa ibang place na first time kong mapuntahan. May mga bagay talaga na di natin kayang iexplain. :(

Little Girl

📜Spookify
▪︎2016▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon