GUTOM Part 2

51 5 0
                                    

GUTOM Part 2

I. https://www.facebook.com/350647578436189/posts/1588691557965112/

Dumaan ako sa staff house bago umuwi para makausap yung personnel-in-charge. It was Monday then, at sinabihan ako na sa Wednesday pa talaga ang soonest date na pwede akong makalipat. Pag-uwi ko sa boarding house, naglaba ako at past dinnertime na nakatapos. Magpapahinga lang sana ako pero di ko namamalayan na nakatulog na pala ako nang tuluyan.

Bigla akong magising dahil sa ulan. Napabangon ako bigla at dali-daling bumaba dahil naalala ko yung mga nakasampay kong jeans at towel sa labas. Mabuti na lang, hindi naabutan ng ulan yung pwesto nila sa may silong sa likod-bahay. Pero kinuha ko na rin yung mga nakasampay at nagpasyang sa balcony ko na lang sila isasabit. Nang pabalik na ako sa loob, biglang nag-ingay yung mga manok kaya napalingon ako. Medyo madilim yung part kung nasaan ang mga kulungan nila kaya di ko malaman kung ano ang naging sanhi ng pagkakagulo ng mga manok. Naisip ko na baka nababasa sila ng ulan kaya pinuntahan ko yung kwarto nina Tay Fredo at kumatok pero walang sumagot. Dun ako napatingin sa wall clock at nakitang lampas midnight na pala kaya mahimbing na siguro yung tulog ng mag-asawa. Umakyat na ako at lumabas sa balcony para isinampay sa grills ng bintana yung mga dala ko. May bubong ang balcony at hindi pumapasok yung ulan doon. Nagulat ako nang may kumalampag na naman sa dako ng mga kulungan ng manok. Maingay yung ulan pero maririnig mo pa rin yung tunog na gawa nung yero ng kulungan na parang may bumubundol doon at kumakalantog rin yung mga lalagyan nila ng pagkain. Biglang pumasok sa isip ko na baka si Emily yun. But then, dahil sa ulan, I doubted na lalabas siya ng bahay. Kaya pangalawang naisip ko ay baka may magnanakaw.

Dali-dali kong kinuha yung mga sinampay ko at bumalik sa loob. Bumaba rin ako ulit para i-check kung naisara ko ba ng maayos yung backdoor. Tiningnan ko rin pati yung locks ng mga bintana at dun ko napansin na may taong papalapit sa kinaroroonan ko. Nang matapat siya dun sa part ng silong na may ilaw, dun ko namukhaan kung sino ang taong iyon. Tama nga ang una kong hinala. Si Emily, may bitbit na mga manok sa magkabilang kamay. Akala ko ay hindi na ako magugulat if ever man na mapatunayan kong si Em nga ang nasa likod ng mga nangyayari sa bahay na iyon. Pero kapag pala nasaksihan mo mismo nang harapan, andun pa rin yung halo-halong gulat, takot, at pagtataka. Gusto kong tumakbo palayo o kaya ay sumigaw pero na-freeze ako sa kinatatayuan ko. Nanatili akong nakasilip sa bintana at pinapanood si Em. Sumalampak siya sa lapag ng silong ng bahay. Tumalikod siya sa pwesto ko at humarap sa dako ng mga kulungan kaya konting part lang ng face niya ang naaaninag ko. Nang simulan nang lapain ni Em yung mga manok, dun na ako natauhan. Kinatok ko ng kinatok yung kwarto ng mag-asawa hanggang sa pagbuksan ako ni Nay Ester. "Oh, bakit ka umiiyak?" tanong niya sa akin. Di ko namalayan na umiiyak pala ako kaya hindi ako agad nakapagsalita. Nagising din si Tay Fredo at lumapit sa amin dahil narinig siguro yung tanong ni Nay Ester. "Si Em po," yan lang ang nasabi ko habang tinuturo yung backdoor. Mabilis na lumabas ng kwarto nila si Tay Fredo at sumilip sa bintana para tingnan ang itinuturo ko. May sinabi siya kay Nay Ester pero di ko maintindihan dahil Bikolano na salita yung gamit nila. Sinabihan ako ni Nay Ester na umakyat na sa kwarto at magpahinga na.

Umakyat naman ako pero andun lang ako sa taas ng hagdan at nakikiramdam sa mga nangyayari. Narinig kong ipinasok na ni Nay Ester si Em sa loob ng bahay at malumanay na kinakausap. Tapos parang umiiyak si Em while saying something like: "Padangat...makakawon...ako kawon, kawon, Ma." Marami pang sinabi si Em pero di ko maintindihan yung mga words. Yan lang yung mga natandaan ko na kinabukasan ay pina-translate ko sa office. Sabi nung workmate ko, hindi raw ganyan yung exact words pero ang thought is the same as: "Gustong-gusto kong kumain, Ma." That day, nag-undertime ako sa work dahil sobrang sama ng pakiramdam ko. Siguro ay dahil sa tensyon at kakulangan sa tulog.

Pagdating ko sa bahay, andun sa may sala sina Gella at Nay Ester. Umupo ako sa tabi ni Gella at tinanong ako ni Nay Ester tungkol sa mga kakaibang kilos ni Em. Ikinwento ko sa kanya ang lahat at tumango-tango naman siya. Maging sila pala ni Tay Fredo ay parang hindi na maganda ang kutob sa kalagayan ni Em. Biglang sumigaw si Em mula sa loob ng kwarto niya. Nang pumasok kami, andun si Tay Fredo kasama yung isa pang matandang lalaki na isa raw manggagamot. May hawak yung matanda na kulay red na tela. Makapal siya na parang merong something sa loob at yung tela ang ipinambalot doon. Kapag inilalagay ng matanda yung tela sa palad ni Em, sumisigaw siya na parang nasasaktan. Pinuntahan ni Nay Ester si Em at niyakap ito. Di ko naintindihan yung pag-uusap nila kaya andun lang ako sa tabi ni Gella at nakikinig. Lumapit yung albularyo kay Em at itinaas nang bahagya yung damit niya. May itinuro itong part na mamula-mula at ma-violet-violet na nakapaikot sa pusod ni Em. Pagkatapos ay iminuwestra ng albularyo yung daliri niya paikot sa baywang ni Em at dun namin napansin na may parang bakat ng tali na katulad kapag mahigpit yung garter ng shorts na suot. Lumabas na kami ni Gella at itinranslate niya sa para akin yung mga sinabi ng matanda. Kundi raw kinukulam si Em ay baka inaaswang siya o kaya naman ay parehas.

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon