Hey Jude

47 2 0
                                    

Hey Jude

Si Ate Jude naman. Pinsan ko rin, panganay na anak ni mamu. Matatakutin, pag nasa cr sya. Pag sisigaw lang kami ng ahas, sisigaw din sya ng ahas ahas, o pag nasa banyo ulit sya tatanungin namin. ""Te may babae dyan, bat mo pinapasok?"" Sisigaw yan ng sisigaw habang papalabas sya kahit di pa sya tapos, tas magsusumbong sa mama ko. Sensitive sya sa paranormal, lapitin ganon, So nangyari ito nong nag-e-e-st sya. Una nagboarding house sya nong magstart syang mag st, pero isang buwan lang umalis na sya, nag uuwian na.

Pervert

Naliligo daw sya. So ang set up ng boarding house nila, lumang bahay, may dalawang cr, isa sa taas, isa sa baba, tas don sa kwarto ng landlady nila may cr din.Nong araw na yon, maaga sila nakauwi. Kasama nya sila ate sweet at ate greta. Sila palang yong tao sa bahay. Pagkapa hinga, naligo sya don sa cr sa taas. Sila ate sweet daw non naka higa lang.

Nagshashampoo sya nong magtayuan yong buhok nya sa batok. Syempre nakapikit sya, nagdasal na sya kasi alam na. Pero parang may humaplos sa batok nya. Lumayo sya ng konti pero paglayo nya parang may bumuga sa tenga nya, napamulat sya. Sa peripheral vision nya may lalaki, malapit sa tenga nya. Pumikit na sya ulit tas binilisan nya, di na daw sya nagsabon. Nasa may pintuan na daw sya nong hindi daw nya malaman san nanggaling yong lakas ng loob nya, na humarap at sigawan yong multo.

""Bastos! Manyak!""

Ankle breaker

Luma nga style nong bahay, yong hagdan kahoy tas pag may umaakyat maingay. Una nabiktima yong kasama nila na sa highschool nag st, elem kasi sila.

Papasok na daw sila tas bigla na lang may narinig silang kalabog, nong tignan nila iyon nga. Umiiyak nahulog sa hagdan. Hindi tuloy nakapasok. Ilan pa nabiktima sa iisang araw, minuto lang pagitan. Si ate jude sa takot na mahulog din ng hagdan, paupo syang bumaba, tanga na sya kung mahulog pa sya. So tinatawanan sya nila ate sweet, naunahan syang bumaba, nasa pang apat na baitang na daw si ate sweet bago sa landing out of nowhere, may lumabas na itim na kamay na mabalahibo tas hinila paa ni ate sweet. Humampas yong mukha ni ate sweet sa semento. Hindi sila nakapasok na tatlo kasi nga squad goals, naospital si ate sweet tinahi kilay nya tas putok ilong at labi.

Pagbalik, naabutan nila yong landlady na naglalagay ng pagkain don sa may hagdan. Naingayan siguro daw yong bantay kaya ganon. 

Dahil ayaw ng umakyat ni ate sweet pati yong iba, naglatag sila don sa may sala. Si Ate jude kelangan umakyat sa kwarto nila, andon gamit nya para sa paggawa ng visual aids nya. Nagpasama sya kay ate greta, ayon talagang tinitigan nila yong baitang sa pagbaba nila. Pero nong nasa bandang gitna na sila, bigla na lang may humila ng isang paa nila, rinig daw nila yong pagkaka dislocate ng buto kasi yong paghila pa-bend, binaluktot yong paa nila pailalim. Iika ika silang pumasok kinabukasan pagkatapos nilang magpahilot na dalawa.

Kumot snatcher

After one week, mejo okay na sila. Natuto na lang silang wag mag ingay lalo pag nasa hagdan. Balik na sa kani kanila nilang kwarto. Ayon, maaga syang natulog non. Nagising sya kasi nawala yong kumot nya. Pagkakita nya, nasa silong. Sinipa pa daw nya si Ate sweet non. Mga wala pa raw fifteen minutes, nagising na naman sya kasi naramdaman nyang may nanghila ng kumot nya, nakatalukbong kasi sya, napaangat pa daw ulo nya eh.

Pagtingin nya uli, nasa silong ng kama. So nagsabi sya sa sarili nya na if ever na matanggal uli yong kumot, hindi na nya kukunin. Nahiga sya ulit. Pero kakatalukbong nya lang, may nanghila ulit pero this time nakipag agawan na sya. Tas sigaw sya ng sigaw kasi bigla syang umangat sa kama tas yong kumot nasa may silong na uli. Nakisiksik na daw sya sa gitna nila ate sweet at ate greta.

Mirror mirror on the wall

Busy sila sa pag aayos ng araw na yon kasi first observation. Gabi na sila nakauwi lahat, maliban lang sa mga nasa secondary. Naghilamos daw sya non don sa cr sa baba, tas may mararaanan kang life size mirror sa right side papuntang sala. Mejo madilim kasi ang ilaw, ilang watts lang. Napa dalawang tingin sya sa may salamin kasi hindi sumunod yong reflection nya. Itinaas nya yong kamay nya sumunod naman. Akala nya dahil sa pagod, so alis na ulit sya, pero ganon na naman.

Nong lumapit syang mabuti, ok naman, tas unti unti parang nagwarp yong mukha nya hanggang sa naging kulay itim na mabalahibong nilalang yong repkelsyon nya. Takbo daw sya non.
Sabado non, ilan lang silang naiwan. Yong isang kadorm nya, nagsabi sa landlady nila na kung pwede patakpan yong salamin don sa may malapit sa cr. Tinanong nong landlady kung bakit.

""Manang kasi ang panget ko sa reflection ko don ang itim""

Bad blood

Nalate sila ng gising na tatlo kasi nagkwentuhan sila tungkol sa mga ka m.u. nila, malanding ugnayan ;) Nakisuyo sila don sa landlady na kung pwede don na lang sila sa banyo nya maligo. So walang malisya kasi mga babae naman sila, sabay silang tatlo. May tabing daw yong sa may bowl at mismong paliguan.

""Harang ko to, mainggit na naman kayo sa katawan ko"" Biro daw ni ate sweet, biro talaga kasi hehe.

Feel na feel nila yong pagligo, tulakan sila ni Ate greta para sa shower, si ate sweet tabo gamit. Parang uminit yong tubig. Unang sumigaw si Ate sweet. Pagmulat ng mga mata nila, sigaw na rin sila ni Ate greta. Kasi yong tubig na lumalabas sa shower, dugo.
Pagtingin nila kay ate sweet puro dugo rin.

Narinig pa nila yong pagkatok nong landlady pati mga boses ng mga kadorm nila pero yon na lang tas nahimatay na sila. Paggising nila, inaapoy na sila ng lagnat. Tumawag agad non si Ate Jude sa bahay para magpasundo. Sabi nong landlady, baka imagination lang nila. Wtf! Imagination tatlo sila? At saka alam nilang hindi yon gawa ng imahinasyon. Bakit ka nyo? Kasi ganito. Hindi na nila nakita yong tuwalya nilang tatlo. Sabi rin nong kasama nila doon na classmate din nila, nong graduation, hindi naman sila balot na balot ng dugo, pero yong mukha nila oo.

Sa mga lower years tas ang napili nilang school na pag st-han, don sa malapit sa boarding house na yon, maraming hindi nagtatagal. Sabi pa maligno yong nandoon na sinasabing bantay na kaya siguro nagustuhan si ate jude dahil sa maputi tas mahaba buhok. Actually daw hindi lang sya nakaranas non sa batch nila, may ilan pa na talagang tiniis yong takot maka tipid lang lalo at malayo talaga ang bahay nila sa school.

Hunter

📜Spookify
▪︎2017▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon