STRANGER DANGER Part 2

69 6 0
                                    

STRANGER DANGER Part 2

Hello, Spookify! It's been a while since my last story here. Medyo na-busy ako sa mga raket kaya wala akong time na makapagsend ng kwento. Pero lately ay marami na akong free time kaya eto ulit ang isa pang compilation ko ng mga Stranger Danger stories.

III. Close the door
Nakasanayan na namin na kapag dumilim na ay nagsasara na kami ng pinto lalo na kung nasa bahay na kaming lahat. Kapag kumakain, mapa-araw man o gabi, gusto ni Daddy na nakapwesto siya nang nakaharap sa front door. Even kapag sa labas kami kumakain o kaya ay nasa ibang bahay, he makes sure na ang pwesto niya ay nakatanaw sa pasukan o labasan ng lugar na iyon. Gusto kasi ni Dad na anuman o sinuman yung dumating, nakikita niya. At kung sakali mang may mangyaring emergency, he has a clear view ng exit na pwede naming labasan. Sa side kasi ni Mommy, minsan nang nagkaroon ng isang hindi magandang pangyayari dahil sa pintong hindi nakasara.

Kwento ito ng lolo ko sa tuhod na si Lolo Ely. Panganay siya sa anim na magkakapatid. Tatlo silang lalaki at tatlong babae. Binata na raw si Lolo noong mangyari ito, siguro ay around 15 or 16 years old siya. Nasa likod-bahay nun si Lolo at may inaayos na mga gamit. Ang nanay naman nila ay hindi pa nakakauwi galing sa paglalako niya ng paninda. Ang tatay nila at limang kapatid ni Lolo ay nasa loob at kumakain na ng hapunan. Biglang narinig ni Lolo yung mga kalabog at tunog ng mga nahulog na gamit. Inisip daw niya na baka naglilikot lang yung mga kapatid niya pero tumayo na rin siya mula sa ginagawa para sawayin ang mga ito. Napatakbo si Lolo nung nagsisigawan na ang mga kapatid niya sa loob ng bahay nila. Nagimbal si Lolo sa nakita niya. Nadatnan niya ang isang lalaking may hawak na itak na ginamit na pantaga sa tatay nila at mga kapatid niyang babae.

Hawak-hawak daw nung lalaki yung isa pa niyang kapatid na babae kaya dali-daling sumugod si Lolo para sagipin yung kapatid niya. Hindi ganoon katangkad si Lolo pero kilala siya sa kanila na malakas ang pangangatawan at matapang talaga. Na-pin down ni Lolo yung lalaki at nagsidatingan na rin yung ilang kapitbahay na nakarinig sa mga sigaw nila. Dead on the spot yung tatay nila at yung dalawang kapatid na babae ni Lolo. Yung isa pang babae nakaabot pa sa ospital pero namatay din. Bale yung dalawang malilit na lalaki at si Lolo lang ang nabuhay sa kanilang magkakapatid.

Yung mesa nina Lolo, nakadikit kasi sa pader na bahay nila. Kaya pag kumakain sila, yung isang side at magkabilang dulo ang ino-occupy nila. Yung tatay ay nakapwesto dun sa mahabang side ng table na nakatalikod sa pasukan ng bahay at katabi yung mga maliliit na bata para ipanghimay sila ng ulam. Kaya nung pumasok yung lalaking may dalang itak, hindi siya agad nakita ng tatay ni Lolo at siya yung unang tinaga. Nagtangka namang lumaban yung tatlong babae para iligtas yung tatay at mga kapatid nila pero hindi nila nakaya.

Sabi raw ng mga kamag-anak nung lalaki, normal naman daw ang maghapon nito. Hindi siya lasing o lango sa droga. Wala ring atraso sina Lolo sa kanya. Actually, ni hindi man nga nila ito kakilala. Bale trip lang nung lalaki na managa nung gabing iyon. Sa kasamaang palad, ang bahay nina Lolo ang napagdiskitahan niyang pasukin, siguro ay dahil natiyempuhan din niya na bukas ang front door nila. Nangyari po ito before pa ang World War II. (Maisingit lang, WW2 veteran si Lolo Ely at isa rin siya sa mga sumabak sa Death March.)

Kaya ngayon, we make sure na laging nakasara ang mga gates at pinto ng bahay lalo na kapag gabi. Kasi minsan kahit nasa loob na tayo ng bahay ay maaaring hindi pa rin tayo ligtas sa mga masasamang loob na naglipana sa paligid.

IV. Park
May isang park sa kabilang province na masarap tambayan kasi walking distance lang siya mula sa isang malaking mall. Malinis din dito kaya pwede kang humiga-higa sa damuhan, mag-picnic, etc. Kapag umaga, walang masyadong tao rito kasi konti lang yung place na may lilim pero pagsapit ng hapon, halos napupuno ito ng mga estudyante (malapit din kasi ito sa isang private university), mga magjowa, at magpapamilya. Meron ding mga naglalaro ng basketball at volleyball sa mga courts doon.

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon