(2) My weird sister-in-law and her bestfriend

60 7 0
                                    

My weird sister-in-law and her bestfriend 2

Part 1:
https://www.facebook.com/SpookifyOfficial/posts/652243708276573

Sa totoo lang, hindi ko rin alam kung ano si Sam. Bukod kasi sa mas gwapo ako sa kanya, tao ko naman syang maidedescribe sa inyo. May mga bagay lang talaga na gumugulo sa utak ng lingkod nyo.

Parang to. One time, may kainan kaming pinuntahan ng mga kaklase ko. Bario dito samin, nasa 15-20 minutes yung byahe. Scenery, probinsyang probinsya, sa likod bahay sibuyasan. Yung daan makipot na malubak. Nasa may harapan kami, nasa gilid ako ng videoke kumakain. Nung may sasakyan na dumaan. Kita ko si Sam, nagdadrive. Gulat ako, yayamanin pala. Ewan ko kung bakit pero nakita nya ako, kumaway sya sakin. Lumapit ako, nakipag usap saglit lang nagpaalam na sya. Pagbalik saka ko lang napansin na parang lahat ng tao naestatwa at nakatingin sakin. Yung nagvivideoke na gustong basagin lahat ng pinggan ang boses tumigil din.

'Bakit?'

Nawirduhan ako sa kanila kasi sabay silang umiling. Tinuloy ko pagkain ko, bumalik naman na sa normal pero pansin ko na may ilan na patingin tingin sakin. Tapos nilapitan ako ng nanay nung may birthday.

Nv :

'Kilala mo si Samuel?'

'Po? Opo. Kaibigan sya nung hipag ko. Bakit po?'

'Kaibigan?'

'Opo. Di ko alam na taga dito pala sya'

'Yung hipag mo ba mahaba buhok na buhaghag na medyo mataba?'

Natawa ako sa description nya, saktong sakto. Tumango ako.

'Lagi po sya dito?'

'Hindi naman. Ilang beses lang. Huling beses nung nakaraang taon pa'

Akala ko aalis na sya pero nakatingin sya sakin habang kumakain ako.

'May problema po ba sa kanila?'

Bumalik yung akala kong may relasyon silang dalawa. Kabog ng puso ko masakit sa ribs. Nawalan ako ng gana bigla.

'Wala naman. Sige kain ka lang'

Di na natanggal sa utak ko yun. Pati yung takot sa mga mata nya, kaya nung birthday ko naman, pinaimbita ko yung may birthday nun sa kaklase ko. Tawagin natin syang Bobby.

'Kilala mo si Sam?' Medyo may tama na sila, ako hindi pwedeng uminom kasi andun gf ko, mahirap makurot sa singit. Pero imbes na sagutin nya ako nagtype sya sa cp nya. L*nt*k akala ko inisnob ako. Umaakyat na lahat ng dugo ko sa ulo nung bigla nyang hinarap yung cp nya sakin.

Andito sya. Mamaya na lang

Taka ako bakit kelangan pang itype. Eh ang lakas lakas ng bibig nya pag nagbibida pati pag tumatawa. Oo andun din si Sam, andun din kasi si Dean. Samin kasi, kaibigan ng isa, kaibigan na naming lahat. Nakikipag kwentuhan si Sam kay nanay. Sya lang nakakatagal makipagkwentuhan sa nanay namin kasi puro chismis kwento pis nay.

Pansin ko rin iwas tumingin si Bobby kay Sam. Pero nung magbigay ng pulutan samin si Dean nakita nya si Bobby.

'Uy!'

'Uy Dean kamusta?'

'Magkakilala kayo?' Nagtataka talaga ako.

'Oo naman, tiga kila Sam to eh. Kaibigan mo pala'

Tango na lang ako. Nung natapos inuman, wala na si Sam, si Dean umuwi na rin sila ni kuya ko. Naiwan na lang gf ko tyaka si Bobby.

'Kevin pwedeng dito na lang ako matulog?'

'Oo naman. Pero ihahatid ko muna si Ana'

Hinatid muna namin si Ana sa kanila. Malapit lang naman, walking distance yung dorm nya sa bahay. Habang nasa daan napag iiwanan ako ni Bobby, bilis maglakad. Nung nasa bahay na kami, naglatag na ko dun sa may kwarto namin ni Kuya Joey. Tabi kami ni Kuya Joey sa papag pero nung gabing yun sa sahig ako, alangan naman kasi mag-isa lang dun si Bobby.

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon