Creepy

133 5 0
                                    

Magandang araw sa lahat ng readers, gusto ko lang i-share yun experience ko and please hide my identity…

Nagkita kami ng bestfriend ko para mamasyal sa Eco Park sa Quezon City noong May 22, 2016 at kapag kaming dalawa talaga ang magkasama ay di nauubos ang kwentuhan hanggang inabot na kami ng hapon sa Park at nag-decide na umuwi. Habang naghihintay ng tricycle pauwi ay tuloy pa rin ang kwentuhan, until may nakita akong tricycle na paparating kaya kinawayan at pinara ko, pero habang papalapit sa amin ang tricycle ay nabanaaagan ko na may sakay pala sa loob na lalaki kaya sabi ko: “ Ay! May pasahero pa pala” at nagkatinginan kami ng bestfriend ko at nagkangitian tapos pagbaling ko ulit (in a matter of seconds) sa tricycle na papalapit pa rin sa amin ay wala naman pasahero hanggang tumapat sa amin. Muli kaming nagkatinginan ng bestfriend ko at tanong nya sa akin: “ Nakita mo ba  yun? kasi nakita ko rin biglang nawala”. ”Ano ang nakita mo?” Tanong ni BFF, sabi ko “lalaki nakaupo sa loob” tapos dinugtungan nya: “ Malaki ang katawan na naka-white shirt no?” “Oo! Yun” sobrang namangha ako kasi pareho kami ng nakita at ibig sabihin di ako namamalikmata lang. At dahil naghihintay ang tricycle driver na kami ay sumakay nasabi ko na lang na “ Manong akala po namin may pasahero pa kayo” sabay ngiti para makabawi sa tila naiirita nang driver kasi nga ang tagal naming pumasok sa tricycle…”Wala ma’am, may nagsabi lang dun na marami pasahero dito naghihintay kaya ako pumasok para magsundo”…

Habang nasa loob ng tricycle di kami nagkikibuan ni bff na para bang pareho lang kami nagpapakiramdaman, nagkakatinginan at medyo nagkakangitian na para bang sa mga mata lang kami nag-uusap kasi pareho talaga kaming kinakilabutan at ramdam na ramdam naming dalawa na kasama naming sa loob ng tricycle yung entity nay un. Yung pakiramdam na parang may mabigat sa ulo na nagtatayuan mga balahibo namin. Pero dahil medyo maliwanag pa ay kalamado lang kami, isa pa matao sa lugar kaya walang dahilan para mag-panic.
Pagbaba naming ng tricycle nagpaalaman na kami kasi sya ay pa-Fairview at ako naman sa opposite side.
Sabi nya sa akin wag muna ako umuwi, dumaan muna ako somewhere kasi sumama sa amin yung entity na yun, bagay na pinaniwalaan ko naman kahit di na namin nakikita na sumama nga kasi ramdam na ramdam ko pa rin talaga at goosebumps talaga kami, pinakita ko pa kay bff ang braso kong nagtatayuan mga balahibo... Bago kami tuluyang naghiwalay mahigpit ang bilin nya sa akin na wag muna uuwi at baka maiuwi ko rin yung entity na yun. Sobrang lakas ng third eye ng bestfriend ko na un kumpara sa akin kasi sya nakakakita talaga ng mukha unlike sa akin na puro silhouette at aninag lang…

…Sumakay na sya ng Jeep at ako naman ay sumakay na rin at tyempo na nakatabi ako sa driver kaya komportable ako sa unahan, Ewan ko at napatingin ako sa side mirror ng jeep at nakita ko na naman yung lalaki na nasa loob ulit ng jeep tapos sa isang iglap lang nawala na naman at ibang tao na nakaupo dun. Dali akong yumuko at umusal ng dasal… Hindi ako natatakot pero di rin ako kampante kasi di naman natural na nakakakita ako ng ganon. Hanggang sa makarating na ako sa Shopwise Commonwealth at nag-grocery ay patuloy pa rin ang dasal ko kasi ramdam na ramdam ko pa rin sya lalo nung patawid na ako footbridge papuntang sakayan pauwi… Dasal ako ng dasal ng Our Father, Hail Mary at sabi ko in Jesus name maiiwan ka dito at hindi na susunod sa akin… Nang dahil po sa prayers naniniwala po ako na hindi na sya sumama sa akin, kahit naramdaman ko noong araw na yun ng May 22 habang pauwi lalo na nung nasa footbridge habang pauwi ako na kasama ko pa rin sya. Sobrang naniniwala kasi ako na kapag binigkas ang “in Jesus name” ay po-protektahan ka talaga lalo kung naniniwala ka… Kalmado lang ako at ilang araw na tahimik magmula ng mangyari yun. O parang mga weeks pa nga na wala na ako nararamdaman about sa bagay na yun until 1 night habang nakahiga sa bed at ako lang mag-isa tao sa bahay. About 7pm po yun kasi kakatapos ko lang magluto at nag-decide na magpahinga kaya nahiga ako sa kama, naglaro muna ako ng mobile game particularly COC/ Clash of clans sa cp ko habang nakatagilid. Kung familiar po kayo pag-open ng app ay mag lalabas ng black screen na “SUPER CELL”, pag-launch ko po ng app nagulat ako may nag-reflect sa cellphone ko na lalaking nakahiga rin sa likuran ko at nakaharap pa sa akin kaya dali akong lumingon sa likod pero wala naman tao kundi yung teddy bear ko lang. Napaisip ako ng husto kasi talagang buong buo yung image ng nakita ko magmula sa detalye ng ulo, buhok, balikat at hugis talaga ng tao ngunit walang mukha at isa pa po malayo sa ulo ng teddy bear ko ang nakita kong reflection sa cellphone screen ko.   Sa sobrang takot ko napilitan akong buksan ang pintuan at inignore ko na lang ang nakita ko at syempre nagdasal ulit ako.
Ilang araw ko iniisip ang bagay na yun at di ko maikwento sa asawa ko kasi magkakatakutan lang kami sa bahay dahil dalawa lang po kami magkasama. Pilit kong kinakalimutan kahit may nararamdaman ako sa paligid minsan lalo pag mag-isa lang ako habang nagta-trabaho. Home based ako sa trabaho ko kaya madalas talaga ako lang tao sa bahay at halos maghapon rin nakaharap sa computer. Kung minsan iniisip ko kung yung entity na nakita ko ba sa likod ko at yung nakita ko sa Eco Park ay iisa, at kung yun man bakit sya sumama sa bahay naming… Sobrang isip ako until na-experience ko na ulit encounter sa kanya…
Isang umaga tinanghali ako ng gising at aware ako na maaga umalis ang asawa ko for work kaya naiwan aq sa kwarto naming mag-isa. Nagising ako nang may tumatawag sa pangalan ko ng paulit-ulit, naririnig ko pero sobrang bigat ng mata ko para idilat kasi nga puyat ako ng araw na yun. Basta tinatawag lang nya ako hanggang dumilat ako at nawala na yung boses. Naulit yun makaraan ang ilang araw, tinatawag nya talaga ako pati sa Pet name na tawag sa akin ng asawa ko. Dun ako nag-decide na ikwento sa asawa ko mga nararanasan ko at makailang araw ay umuwi syang may dalang holy water from Quiapo. Nilagay ko lang sa altar naming then after nun matagal na hindi nagparamdam ulit sa akin yung entity na yun.   At saka lang nagkwento ang asawa ko na meron isang umaga na nagising din sya na may lalaking nakasilip mula sa CR naming at ulo lang ang nakita nya. Hindi nya rin ikinukwwento sa akin kasi alam nyang matatakot ako lalo na at mag-isa lang ako sa bahay.

-cinderella

📜True Philippines Ghost Stories
▪︎2017▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon