KATRINA

39 3 0
                                    

KATRINA

Hi, since ang dami kong nakikita na hôrrôr stories so I decided to share my experience, too.

Wayback 2010, nagkaroon ako ng doll, niregalo siya sakin ng ninang ko which is her name is Katrina. After a day, napag-isipan kong pangalanan siya as same to my ninang's name. I call her Katrina. Yung size ng doll is half a human size. Sakto lang siya for me since mahilig ako sa mga manika. Her hair is straight, and medyo malaki rin ang mga mata niya, yung face niya is naka-serious mode lang. Maganda rin yung damit niya, red and white stripes siya and pa-style vertically. Also, I requested na ipatahi namin yung damit niya para mailagay yung name na Katrina.

Almost everyday kasama ko siya even at the mall, sa pagkain ko, sa pag-CR, sa pagtulog. Tinuring ko siyang bestfriend kahit manika lang, lagi ko pa hahanapin yun kapag wala siya sa tabi ko. As in, iniiyakan ko talaga. Super halaga kasi nung doll na yun para sakin.

Until one time, natutulog ako but that is the very first time na naalimpungatan ako dahil wala sa tabi ko si Katrina. Hinanap ko siya sa bawat sulok ng kwarto ko, hanggang makita ko siya sa ilalim ng kama ko. I get her under my bed and after non, bumalik ako sa kama ko at inisip ko lang na baka nahulog lang siya.

Almost 1 year na nasa sakin si Katrina and palaging ganun ang cycle ko kapag kasama siya. Pero nung dumating yung kapatid ko, nag-iba ang lahat. Sabi ng mama ko,

"Itabi mo muna yung doll mo, wag mo nang dalhin kung saan-saan baka mahablot ng kapatid mo, masira pa."

After ng sinabing yon sakin ni mama, nilagay ko na lang siya sa table ko and never ko na siyang ginalaw. Andun lang siya lagi.

After a week, medyo nag-iba yung environment. Parang ang bigat sa pakaramdam, hindi ko alam kung anong dahilan. Araw-araw ring umiiyak yung kapatid ko tuwing 3 am kahit andun naman si mama. Hanggang may napansin ako, nalipat ng pwesto yung manika kong si Katrina from my table. Napunta siya sa may gilid ng kama ko, so tinanong ko si mama at kapatid ko if ginalaw ba nila manika ko. Pero sabi nila hindi, saka hindi pa raw pumapasok ng kwarto ko si mama.

Medyo kinabahan na ako that time, hanggang sa unti-unti nang lumalabas yung kababâlâghan tungkol sa manika ko. Minsan nasa labas siya nakikita ko pero wala namang gumagalaw then I realized lagi siyang naka-serious mode pero pag matutulog na ako naka-smile siya. Takot na takot na ako that time. Sinabi ko kaagad kay mama yung about kay Katrina, and sagot niya,

"Baka lang naman nananaginip ka anak, eh andiyan naman siya sa taas ng table mo nakita ko kanina saka hindi naman siya naka-smile."

Pagkatapos non dali-dali akong umakyat and nakita ko andun siya, gulat na gulat ako. How come na nasa taas siya, eh nakita ko lang siya sa hagdan kanina?

Hanggang dumating sa point na nagising ako 3 am then nakita ko si Katrina na naka-smile ulit, sa gulat kong yon hinagis ko siya pero biglang nasa gilid ng kama ko ulit. Pumikit ako and nag-pray, hindi ko alam nangyayari that time, takot na takot ako at tumakbo ako pababa. In-open ko lahat ng ilaw, ginising ko si mama. Sinabi ko na itapon na namin siya. Kinaumagahan, pinakuha ko siya sa kapitbahay naming basurero sabi ko,

"Kuya, pakilagay nga po sa sako itong manika."

"Sayang naman po, ang ganda, nakangiti pa man din," sagot sakin ng basurero.

"Itapon niyo na po, kayo na po bahala," agad na sagot ko.

And after non, naging okay na kami. Thank God, hindi na siya bumalik, dahil sobrang trauma naranasan ko sa kanya kaya ngayon never na akong tumitingin sa manika. Lagi kong iniiwas tingin ko sa kanila dahil sa takot na naranasan ko.

Gi
2022
BSA
BulSU

#USFComeback


📜University Secret Files
▪︎2022▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon