Maymay

229 4 1
                                    

Maymay

This is a true story. Actually hindi lang ako ang nakaexperience. Pati mga high school friends ko and family.

Meron kase akong pamangkin na babae. Nung time na yun 3 yrs old pa lang siya (Ngayon turning 5 na) pero diretso na magsalita. Lahat ng nakikita niya sinasabe at dinidescribe niya.

Pumasok siya sa room ko one time para lang mangulit. Dedma ko sa kanya kase may kachat ako nun. Sinusuklayan niya ko at kinakantahan. Ako naman tuwang tuwa kase nakakarelax. Hehe. Nagulat ako sa reaksyon ng pamangkin ko kase nung napatingin siya sa stand fan ko sa room, biglang nanlaki ang mata niya. May tinuturo siya saken. Sabe ko ""Ano yun? Saan?"" (Mejo iritable na ko). Sabe niya, ""Tita, may bata sa tabi ng fan. Nakatingin siya saten."" Sabe ko hayaan na lang (Pero deep inside takot na ko). Tinuloy ng pamangkin ko yung pagsusuklay sa buhok ko pero yung mata niya dun nakatingin sa fan.

Then after 10 secs bigla siyang yumakap saken at sabe niya ""Tita, palapit na siya saten!!"" Sabe ko wag kang matakot. (Pero ako takot na takot na) Habang yakap yakap ko pamangkin ko, bigla siyang sumigaw na ""Tita, nasa tabi mo na! Nakakatakot! Basang basa siya!"" Dun na ko nagdecide na tumayo at lumabas ng kwarto kasama pamangkin ko. Nung nasa sala na kame, tinanong namen siya ng ate ko kung ano ba itsura. Ginaya ng pamangkin ko. Tinakip niya yung buhok niya sa mukha niya, yumuko siya at itinirik ang mata at sabe niya 3 lang daw daliri, color violet daw at basang basa ng tubig. Iniimagine ko pa lang yun pero para na kong hihimatayin dahil katabi ko na nga!!

Nung kinagabihan, dinner time na ng family. Habang kumakain kame, biglang tumawa yung pamangkin ko. Tinanong namen kung baket, sabe niya wala. Tumingala siya sa kisame at tumawa. Sabe namen baket, sabe ng pamangkin ko ""Yung bata po nakasabit sa kisame tinatawanan kayo."" Lahat kame nanahimik. Bigla siyang lumingon sa pader at sahig sabe niya, ""Gumagapang siya papunta saten. Ayan na!"" Tumakbo pamangkin ko papunta sa Mama niya at nanginginig sa takot. Halos hindi na kame makakain sa sobrang takot. After nun pumunta ng cr pamangkin ko, habang naghuhugas ako ng plato naririnig ko siyang may kabulungan (Kase magkalapit lang ang cr at kusina namen). Paglabas niya tinanong siya ng Mama niya kung sino daw ang kausap niya. Sabe niya si Maymay daw. Wag daw katakutan dahil mabait naman. Pag natakot daw kame, lalo siyang magagalit.

Hanggang sa madami ng nakaexperience kay Maymay. Yung bestfriend ko nakulong sa banyo ng almost 15mins. Yung friend ko kinurot sa paa. Pinagtataguan kame ng gamit. Minsan pa nga ay pumupupu pero di nagbubuhos (Para siyang poop ng kambing).

Sabe ng albularyo, ayaw daw niya ng may ibang tao sa bahay. Gusto niya kami-kami lang. Kase pag may iba sa bahay, pinagtitripan at sinasaktan niya.

Hanggang ngayon kasama pa din namen siya sa bahay at alam kong siya yung kumakalampag sa pinto kanina pa.

RRS

📜Spookify
▪︎2016▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon