Cabinmate 3 cut

53 6 0
                                    

"Cabinmate 3 cut"

❗️guys sorry kung madaming part ha. Nabusy na kasi e. Tsaka medyo mahaba.
Di ko kasi mkkwento buong kontrata ng isang post lang. thank You sa pag aantay. Maraming salamat sa mga umintindi. :) sorry maraming fast forward. Minamadali ko na. Dami kasing gusto nang matapos hehe

❗️NOTE! Maraming explanation. Kaya sorry guys. Dami kong daldal. Hehe enjoy niyo nalang. Kung may mga errors man na word na maeencounter kayo, makiintindi nalang. 3am na kasi antok na ko. Hehe

Nakatulala p rin ako, di kasi nagsisink in sakin lahat, paanong nangyari yun? Bakit ganun? Ang daming tanong sa utak ko.

Pinuntahan ko si kuya edwin sa baba, nakita ko na nandun pa rin siya...

"Ok na, inakyat ko na yung trolley, kinuha ko lang tong kulang natin, uy! bakit hagard na hagard ka?"tanong ni kuya edwin habang tumatawa. "Partida ha, wala pang ginawa yan hagard na, baka nahagard yan kakahanap ng pagkain haha" pabirong sabi ng stockman.

tinawag na ko ni kuya edwin para umakyat na sa taas. "Oh tara na, para matapos na tayo, last na toh tapos out na" sabi niya habang inaantay namin ang elevator bumaba.
"lalabas ba tayo kuya?" Tanong ko sknya habang sakto nagbukas ang elevator.

Pagpasok namin, nagstop ang elevator sa 1, pag bukas ng elevator, laking gulat ko nang makita si culinary admin, siya lang mag isa at may hawak na mga papel habang papasok sa elevator, Tumabi siya sakin, habang si kuya edwin naman nakasandal sa gilid malapit sa pindutan.

Naisip ko nalang "F****" kasi sobrang awkward. Sobrang tahimik. maya maya pa, nagsalita si kuya edwin. "LALABAS  TAYO MAMAYA". lumingon kaming dalawa ni culinary admin sa knya. Tapos biglang tumingin sakin si kuya edwin "daan muna tayo sa taas tapos kain muna tayo ng lunch". Saktong bumukas  ang elevator (same flr lang kaming tatlo) nagmamadaling lumabas si culinary admin.

Siniko ko si kuya edwin, "hala siya, yari ka dun" habang tumatawa.

"Sinagot ko lang tanong mo kanina, magtawagan nalang tayo ni chael mamaya pag tapos nating maglunch" agad na sagot ni kuya edwin.

Fastforward,
Pinuntahan ko na rin si faith kasi sama sama kaming lalabas, noong nagbibihis na kami, nakwento ko sknya yung nangyari pati nung gabi. Gulat na gulat siya. Sabi niya bili daw ako ng kulay pulang lubid na manipis ilagay ko daw sa kamay ko.

Fast forward pa.
Noong nasa labas na kami, bumili ako ng kulay pula na lubid, yung armlet, pangtaboy daw yun sa mga nega vibes at spirit. bumili na ko ng dalawa, in case na mawala.

Fast forward ulit.
9pm
Kakain na kami ng dinner, kami ni kuya Don ang naunang bumaba, nkwento ko sknya lahat nang nangyari.

"Naku, siguro ka ba na si jessel yun? Kasi alam mo ang tao kapag namatay wala na dito sa mundo, mga demonyo yang nagpapaggap nagbabalatkayo para linlangin ang mga tao, saka alam mo malakas silang humigop ng enerhiya, kaya siguro nalowbat agad cp mo nun. Di mo ba napapansin sa mga horror movies , kapag nanjan na ang multo nagpapatay sindi mga ilaw?kasi malakas enerhiya nila" sobrang kinilabutan ako sa sinabi niya parang ayaw ko nang umuwi o matulog sa cabina namin.

"E kuya, bakit ako? Tingin mo? Diba dapat magpapakita siya sa taong nagpahamak sknya? Kung ako multo, tatakutin ko talaga mga nagbackstabbed sakin" tanong ko sknya.

"Alam mo kasi kung sino unang nakakita sa kanila o kung alam nilang nakikita mo sila, sayo na susunod yun. Minsan kausapin mo, wag mong takbuhan. Subukan mo lang". Payo niya sakin habang ako kinakabahan sa takot, jusko naman nagpunta lang naman ako para mag trabaho sa barko hindi para pakitaan.

"Ito nga kuya bumili ako ng pangontra, nasstress na rin ako, pumapayat na nga ako oh." Noong ipapkita ko sknya ang nabili ko na pangontra, nagulat ako kasi nawawala yung isa. Nilagay ko kasi sa paa ko at sa kamay ko. Nawawala yung nasa paa ko. Kaya sabi ko kay kuya don na babalikan ko lang sa i95 baka nahulog.

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon