JESSEL

91 6 0
                                    

"JESSEL"

I-III: https://www.facebook.com/622077878144828/posts/1381434402209168/

Disclaimer lang guys. 

❌Please! Wag po tayong magdrodrop ng names or officials ng cruiseline  sa comment section😊 inuulit ko po na ang mga names ay CODES lang or alyas to protect their identities.

📍Ang mga informasyon patungkol kay "JESSEL" ay nagmula sa mga taong malapit sa kanya,nakakakilala,nakasama at nakatrabaho niya, na pinagtagpi tagpi at pinagsama sama, Some are non verbatim and some are assume words or dialogue base sa kwento ng mga nakakakilala sa knya.

❌Dont expect na nakakatakot ito dahil wala pang JESSEL na nagpapakita dito. I will add some BGM para magkaroon ng kulay ang kwento. Kayo na bahala kung iplaplay niyo ang BGM while reading this story :)

PS: sa mga comment na no need na daw idescribe ang barko, please refrain for saying that, para po ito sa mga taong di pa nakakasilip sa industry natin. :) 

Hindi mawala sa isip ko ang nangyari nung gabi na yun. Halos di na kami natulog ni faith, sino pa bang normal na tao ang makakatulog sa ganung sitwasyon? Habang nagbibihis ako, napapansin ko na lumuluwag na ang uniform ko, pumapayat na ko. Kasi simula nung nangyari ang pagpaparamdam ni jessel halos di na ko makatulog ng maayos, nag iisip din ako sa mga nangyayari lalong lalo na kay culinary admin. Bakit ganun nalang siya nagulat noong tinuro ko si jessel sa picture? Bakit nagiba na siya sakin ngayon? Bakit mailap na siya? May koneksyon ba siya kay jessel o sa pagkamatay niya? At ang malaking tanong sa isip ko, ano ba ang nangyari kay jessel? Bakit siya namatay?

Ilang araw na rin na walang paramdam si jessel, sinabi ko kay faith na wag sabihin sa mga kakilala namin dahil baka kumalat pa sa barko or baka pag initan kami lalo na at di namin kilala si jessel. habang naglalakad sa i95, napatingin ako sa mga nakasabit sa taas "crew party", biglang may bumangga sakin mula sa likod isang trolley, "oh leeg mo mabali kakatingin jan" "oh kuya edwin, aga mo ah" bati ko saknya. "Oo para maaga tayong matapos, lalabas ba kayo?" sagot niya. "Hindi ko alam kay faith, kung lalabas siya lalabas din ako, ayokong maiwan sa cabina" sagot ko sknya. "Oh bakit naman? magpahinga ka,para makaparty ka mamaya " (nasa tapat na kami ng elevator) pagbukas ng elevator sakto nandun si culinary admin, may hawak na mga papel, nakatingin samin, lalong lalo na kay kuya edwin. Tumango lang si kuya edwin sign ng pagbati. "Hi po goodmorning" bati ko. Ngumiti lang siya sabay labas.

Noong nasa galley na kami, nag aayos kami ng stock ni kuya edwin, naisip ko na itanong ko sa knya kung may koneksyon si culinary admin kay jessel, kaso naghehesitate ako kasi parang di magandang timing.

Fast forward.
noong operation na, medyo walang gaanong tao, so kami ni kuya edwin nagprep nalang para bukas. Natanong ko sknya kung 1st time niyang sumampa sa barko namin. "Hindi,last last year nakasampa na ko dito" sagot niya na medyo matamlay. "Saan ka dito kuya naassign?dito rin ba sa station ko?" Tanong ko sknya, "hindi, doon oh (sabay turo sa kabilang side ng galley) itong station mo dati station ng kaibigan ko” sagot niya. "Ahh lalaki pala dati humahawak sa station na to" sagot ko sknya, "hindi babae, station ni Jessel dati to", nagulat ako sa nalaman ko na yun, magtatanong pa sana ako kaso.."mga bakla!!! Tara na nagugutom na ko, kain na tayo ng  dinner" sigaw ni faith. nagpaalam kami kay chef na magbrebreak na, pumayag naman siya kasi halos wala naman nang tao e, nagsosoundtrip na nga lang sila. Nung nasa crewmess na kami, nandun na rin pala sila mae at kuya michael, sabay sabay na kaming kumain. biglang nagsuggest si Mae na pumunta sa cabina namin mamayang gabi imbes mag party, doon nalang daw kami magparty. Nag-agree naman lahat. (Guys wag gayahin ha, bawal yan sa barko 😂)

Fast forward ulit.
Uwian na, tapos napadaan kami sa chefs office, nandun si culinary admin, nakatingin  nanaman, so ako nagtanong ako kay kuya edwin “kuya, matagal na ba kayong magkakilala ni culinary admin?” "Oo matagal na since day 1 magkakilala na kami" sagot niya. So naisip ko ahh it makes sense kaya tingin ng tingin siya samin, pero bakit ganun, kung magkakilala pala sila simula una, bakit di sila masyadong nagpapansinan?

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon