Isang timbang dugo ng manok at dahon ng bayabas

336 5 0
                                    

Isang timbang dugo ng manok at dahon ng bayabas

"This is my second story here. The first was ""Wag kang lilingon"" part 1 and 2. But i'll be sharing different story this time. So here it goes:

Seven (7).  Paborito kong numero. Swerte kasi sa’kin. Pero gaya nga ng sabi nila pag may swerte may kaakibat na malas

Nagsimula noong pitong taong gulang ako.

Probinsya. Tanghali kainitan at tirik ang araw. Kasama ko ang mga pinsan kong maglaro sa buhanginan sa bakanteng lupa ng aming bahay kung saan may mga nakatanim na mga gulay at bulaklak. Sa pagod ay umupo ako sa isang tabi. Madaming maliliit na bato, at ‘yon ang napagdiskitahan ko.

Pumulot ako ng pitong piraso at ibinato sa may nakaumbok na buhangin sa tapat ko. Nasa huling bato na ako ng tawagin ako ng mga pinsan ko para pumasok na sa loob ng bahay. Tipikal na mga bata, madungis dahil sa paglalaro. Hindi pa nga kami nakapag almusal dahil umaga palang ay abala na kami sa paglalaro.

Sa kalagitnaan ng panonood namin ay biglang nanakit ang tyan ko. Dahil sa pag aakalang gutom lang ako ay pumapak ako ng biscuit. Kulang siguro kaya hindi nawala ang sakit at kumain ng madami nung magtanghalian na. Pero mas tumindi yata ang sakit ng tyan ko.

Ipinaalam ko na kay mama. Pinainom ako ng gamot. Nakakapagtaka hindi umeepekto hanggang sa sumapit ang gabing halos mamilipit ako sa sakit. Noong mga panahong ‘yon ay wala akong magawa kundi ang umiyak at magpakarga kay mama.

Lumpias ang pangalang araw, walang pinagbago. Nanghihina na ako sa pagsusuka at hindi na ako makatayo dahil sa sakit ng tyan na nararamdaman ko. Dinala ako sa ospital, napagastos pa nga ng kalakihan dahil sa mga nireseta at isang gabing pagkaka confine. Hindi ako gumaling.

Hanggang sa sinabi ng tyahin kong dalhin ako sa isang manggagamot. Walang masama kung susubukan.

Bumyahe kami mahigit sang oras para makarating sa manggagamot, si Apo Baket kung tawagin nila. Si Apo ay bulag. Dahil gabi ay kami lang ang nandon para magpagamot.

“Palapitin yung bata” Yon ang mga katagang binitawan niya pagkaupong pagkaupo niya. Nakakapagtaka, dahil hindi paman din niya alam kung sino ang ipapagamot. Pero nalaman niya agad na ako.

Nung inilapit ako ng tita ko (hindi si mama dahil nerbyosa yon) ay agad na hinawakan ni Apo ang kamay ko. Ipinakuha ang langis sa apo niya at ipinahid sa noo ko.

“Nabato mo” yon ang sabi niya. “Sa susunod magtabi tabi ka, madami kang hindi nakikita”. Naalala ko ‘yong araw nagpulot ako ng maliliit na bato at inihagis sa buhanginan.

Dinasalan ako ni Apo, mga salitang hindi ko maintindihan.

“Dugo ng dumalagang manok, isang timbang dahon ng bayabas” Sabi niya. “Ilagay niyo sa isang timbang may  mainit na tubig at ipaligo sakanya bukas ng gabi” bilin niya. “Yung katawan ng dinalagang manok ay ilagay niyo sa bilao may kasamang bigas at ialay sa may buhanginan nandoon ang natamang dwende” dagdag niya.

“Masuwerte ka at puti ang mga dwende, anim” bulong ni Apo habang pinapahiran ng lagis ang ulo ko. “Ano ulit pangalan mo?” tanong niya bago kami umalis.

“Unica po (not my real name)” sagot ko.

“Magandang bata, lapitin” sabi niya at may ipianakuha sa apo niya “Ilagay ‘to sa bewang niya, wag tatanggalin. Wag iwawala” bilin niya sa mama at tita ko. Pulang sinulid na medyo makapal.

Hindi nagpapabayad si Apo. Bulaklak lang at prutas ay pupwede na. Sa huling pagkakataon ay may ibunulong siya saakin.

“Wag mong iwawala yung sinulid, basang (tawag sa mga babaeng bata sa probinsya namin) magagamit mo ya pag nagdalaga kana. Pangontra sakanya” mahinahaon na sabi niya. “Pang pito pero hindi siya dwende” huling habilin niya bago kami umalis.

Gumaling ako pagkatapos namin gawin lahat ng habilin ni Apo. Mula sa  dugo ng dumalagang manok at dahon ng bayabas na ipinanligo ko. Malansa at hindi kaayaya ayaa ang amoy pero tiniis ko.

Yon ang una at huling pagkakataong nakita ko si Apo Baket. Nalimutan ko na ang nangyari noon, hanggang sa may magpapaalala pala saakin non paglipas ng sampung taon. Labingpitong taon (17) na ako noon.

Yon ang una at huling pagkakataong nakita ko si Apo Baket. Nalimutan ko na ang nangyari noon, hanggang sa may magpapaalala pala saakin non paglipas ng sampung taon. Labingpitong taon (17) na ako noon.

Hindi ko inaasahang pagtapos ng sampung taon ay makikila ko Siya. Ang tinutukoy ni Apo Baket, kung para kanino ang sinulid na pula. Ang pangontra sana sakanya. Hindi ko inaakalang magpapakilala siya saakin sa pamamagitan ng isang halik.

Ang problema at ikinatatakot ko lang ngayon

Nawawala na ang sinulid na pula…"

Unica

📜Spookify
▪︎2015▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon