(13) Ekol : His life and the demon inside him.

47 6 0
                                    

Ekol : His life and the demon inside him.

Kamustasa mga brad? Been a long time eh? Hahahaha. Bago ko simulan etong bago kong kwento, may isa akong tanong para senyo. At para malinaw, mga pangalan lang ang binago ko etong mababasa nyo punto por puntong nangyari.

Hanggang saan ang kaya nyong paniwalaan?

Sabi ko nga me bago na kaming trabaho nila kiel. Pagkatapos ng halos tatlong taong pag-iwas e tinawag kami ng propesyo'ng to.
Ako, kiel at si ekol. Hindi ko nabanggit sa mwsailahbf si ekol. Normal lang kasi sya. Sa totoo lang marami akong tropa ang hindi nabanggit.
Si ekol ang nagsisilbing clown namin pag may malungkot. Sya ang nagpapaalala samin na anumang problema makakayanan namin. Basta't may pananalig sa Diyos at positibong pananaw sa buhay. Kumbaga sya yung beacon of light sa madilim naming mundo.
Pero nakaraang taon, bigla syang nagbago. Naging moody, pala away tapos ang dating matatag na pananampalataya parang nawawala na.
Hanggang sa magpakita na sya ng mga senyales na possessed sya.

Bigla syang nawala sa opisina. Sabi nya iihi lang sya. Eh may cr kami sa loob ng office pero nung lumabas sya hindi na namin sya sinita. Mga kalahating oras hindi pa sya bumabalik, sinubukan namin syang tawagan.

'Brad tulong' Parang pagod na pagod yung boses nya.
Lumabas kami ni kiel at balthazar hinanap na namin sya sa buong building pero wala sya. Dun na namin tinawagan si sam. Sabi nya titignan nya sa bahay. Tapos biglang tumawag si paeng.

'Anong oras nakaalis dyan si ekol?' Nung sinabi namin na nasa kalahating oras na, parang nanlaki ulo namin sa sunod nyang sinabi.

'Nandito sya malapit sa bahay. Nagsusuka'

Ay kennat. Kahit pa makasakay sya hindi nya makukuha ng kalahating oras para makauwi.

'Puro sugat paa nya'

Ay kennat again and again. Ibig sabihin tinakbo o nilakad nya. Umuwi kami agad nun, pagdating namin umiiyak si ekol inaalo nila sam.
Sabi nya nagkaka black outs sya. Kaya minsan akala nya sabado pa lang pero ang totoo lunes na. Kaya minsan may sinasabi kami na ginawa nya tahimik lang sya.

'Anong nangyayari sakin?'

Kinabukasan, dumating si Rick, pastor, kaibigan nung pastor namin. Pinapunta namin sa bahay nila kiel si ekol. Kinausap sya ng normal, kung anong nararamdaman nya, may masakit ba sakanya. Pero nabigla na lang kami nung may sabihin sya.

'Maiiwanan mo girlfriend mo dahil sa taong to' Sabay tawa. Alam nyo yung pakiramdam na lahat ng buhok mo sa katawan eh nanayo? Oo lahat hahahaha.
Hindi sya pinayagang umuwi ni rick. Dun sya pinatulog kila kiel.
Hating gabi, tumawag si rick kay sam. Magkakasama kasi kami sa iisang bahay nila sam.

'Kompirmado sam'

Possessed sya. Sabi ni Rick tulog na sya nung parang may nag-utos sakanyang bumangon. Pag mulat nya ng mata napapikit syang ulit. Si ekol, naka patiwarik na parang paniki. Yung mukha nya nasa bandang dibdib ni rick, naka ngisi.

'Pick-a-boo'

Sabi ni rick, babalik sya. Magpapaalam lang sya ng maayos sa pamilya nya. Baka raw kasi hindi na sya makabalik. Natakot kaming lahat mga brad. Kilala si rick sa galing nya sa pagpapaalis ng demonyo pero parang sa labang to hindi sya sigurado kung buhay pa syang makakauwi.

Pag alis nya, umuwi si ekol sakanila. Si sam ang pinakaclose sa pamilya nya kaya nung tumawag yung pamangkin na si gedie sakanya hindi na kami nagtanong nung sinabi nyang pupunta kaming ospital.

'Nakito ko na lang po si lola sa may likod' Inatake sa puso pero mabuti at naagapan. Ilang araw sa ospital mama nya bago sya nagsalita.

'Ako yung may gawa nun' Nasa may canteen kami ng ospital. Ang tagal nyang hindi nagsalita eh. Hindi rin sya pumapasok sa trabaho.

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon