Tito

92 5 0
                                    

Tito

Sana maipost ito T_T

Nangyari po ito kahapon lang, sa bahay ng kaklase ko. Nagpractice kasi kami doon ng Waltz para sa performance namin sa PE (Christmas vacation po pero may practice pa rin kami, geez). Anyway, yon nga po. Noong mga 3:00 siguro ng hapon, kinalabit ako ng isang kaklase ko saka bumulong.

""May lalaki sa likod ni Gina (Di po totoong pangalan), tapos tingnan mo 'yung-""

""Tumigil ka nga. Nananakot ka na naman."" Sabi ko.

Hindi ako naniniwala pero tiningnan ko pa rin. Wala naman. Inisip ko na lang na nanggu-good time lang 'yon kasi mahilig talagang manakot 'yon. 'Di ko na lang siya pinansin at tinuloy 'yung pag-aaral sa mga steps namin.

Tapos noong mga 4:00 siguro, nagpahinga na 'ko no'n, masakit na rin kasi yung paa ko. Tinatanong ko sila kung anong gusto nilang kulay ng dress na gagamitin namin nang bigla akong mapatingin kay Gina. Nagulat ako kasi may lalaking nakatayo sa likod niya, naka-brown, semi-kalbo at nakatingin sa kanya na parang nakikinig sa sinasabi niya.

Kinilabutan ako kasi ang-creepy ng presence niya. Tsaka simula umaga, wala naman kaming nakita na ganong lalaki sa bahay ng classmate ko.

Hanggang sa mapatingin ako sa paa ni Gina. Nangingitim na parang wala ng dugo ganon. Yung parang sa patay na. Doon talaga ako kinilabutan ng todo. May lalaki na sa likod nya tapos nangingitim pa yung paa nya. Yun pala yung gustong sabihin sakin ng kaklase ko kanina pa. Nung time na yon gusto ko talagang tumuwad para makita kung buhay pa ba si Gina. Pero shems, muka akong tanga non.

Hanggang sa nag-aya na yung kaklase ko na umuwi. Tumayo na kami, bigla akong tinanong ni Gina kung bakit ako nakatingin sa paa nya. Sabi ko wala pero pinilit niya ako. Kaya sinabi ko na lang na may nakita akong lalaki sa likod nya, pero hindi ko sinabi na nakita kong iba ang kulay ng paa niya. Ayaw nga nilang maniwala nung una, akala nila niloloko ko lang sila. Tapos biglang nagsalita yung kaklase namin na may-ari ng bahay.

""Semi kalbo ba?""

Napatingin ako sa kanya. ""Bakit mo alam?""

""Doon sa pinagpractisan natin nakatira dati yung tito ko nung buhay pa. Sabi nga rin ng pamangkin ko kinalabit daw siya dati ni tito sa lugar rin na yon. Pero nung tiningnan naman namin wala namang tao.""

Nagtaasan na yung balahibo ko non, nauna na ako sa kanilang lumabas ng bahay at nagpunta sa kalsada. Yun yung first time ko na makakita ng multo.

Hindi ko alam kung anong problema niya kay Gina. Pero sana walang mangyaring masama sa kanya.

Aniyaa

📜Spookify
▪︎2016▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon