Man of my dreams

90 5 0
                                    

Man of my dreams

Sana mapost po.

Is it possible? Yan ang lagi kong naiisip araw-araw.

First year college pa lang ako nung makilala ko tong lalakeng to. Gwapo siya, sobra! And sobrang kilala ang family niya. Crush ko siya simula nun hanggang sa ini-stalk ko mga social media accounts niya. Hanggang sa nahulog ang loob ko sa kanya. Hindi siya aware sakin. Kilala kasi siya kaya alam ko ang mga tungkol sa kanya. Ako yung babaeng lihim na nagmamahal sa kanya. Yung babaeng kahit kailan hindi niya mapapansin. Hanggang sa Nov. last year, nabalitaan ko na lang na namatay na siya, naaksidente raw. Siguro kung mababasa nung mga taga dito sa amin tong kwentong to, malalaman nila kung sino ang tinutukoy ko. Di ko matanggap, sobrang sakit! Iyak ako ng iyak nung malaman ko yun, halos gumuho ang mundo ko sa mga nangyari.

Pero night before siya maaksidente, napanaginipan ko siya. Ewan ko pero first time yun nangyare. Sobrang saya niya sa panaginip ko. Tapos paggising ko pagbukas ko ng facebook ko, dami ng nagpost ng RIP. Di ako nakagalaw nun. Hindi man lang ako nabigyan ng chance na makilala talaga siya o maparamdam man lang na mahal ko siya. After niya mailibing, pinupuntahan ko dun sa lugar kung saan siya naaksidente. Naramdaman ko na sobrang lungkot sa lugar na yun. Iba ang lamig pero di ako natatakot. Lagi ko siyang pinagdarasal. Araw araw pag dumadaan ako sa lugar na yun, lagi akong nagpipray.

Hanggang sa isang gabi, napanaginipan ko siya. Hindi ko alam pero sobrang lungkot niya, siguro di niya matanggap yung bigla niyang pagkawala so kinomfort ko siya. Di ko alam kung tama yung ginawa ko, basta ginawa ko na lang. Hanggang sa sunod sunod na yung lagi siyang nagpapakita sa panaginip ko. Nawawala daw kasi yung lungkot niya kapag nakikita niya ako, hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Basta ang alam ko sobrang tuwa ng puso ko. Tinanong ko siya kung bakit sakin siya nagpapakita. Kasi daw ako lang daw ung taong hindi niya kilala pero sobrang pure ng pagmamahal ko sa kanya at totoo yun.

Isang araw nasabi niyang sana nakilala daw niya ako bago siya namatay. Na sana nabigyan niya ako ng chance na mahalin siya at siguro daw mamahalin niya rin daw ako. Ewan ko kung maniniwala ako dun kasi panaginip lang, syempre kontrolado mo yung panaginip mo. Minsan yung mga bagay na gusto mong mangyari in real life sa panaginip ns lang nangyayari. Gabi gabi niya akong dinadalaw sa panaginip. Kahit matulog ako ng tanghali, sa gabi lang siya nagpapakita. Hanggang sa hindi na lang sa panaginip, minsan makikita mo na lang siya binabantayan ka or sa lugar kung saan siya naaksidente. Naging mas masaya na rin yung aura ng lugar kung saan siya naaksidente.

Question: Possible ba tong mga nangyayari sakin?

Sorry medyo magulo yung kwento ko.

dream girl

📜Spookify
▪︎2016▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon