OUR APARTMENT IN 1994

70 7 0
                                    

OUR APARTMENT IN 1994

Creepy story ko, share ko rin. Hindi siya nakakatakot pero more of "t*ng*na, anong nangyari?"

Tandang-tanda ko noong early 90s, mga 1994 ata. 6 years old ako. Nangunhupahan kami sa isang maliit na apartment dito sa Tondo. Naghahanda na kaming matulog ng erpats at ermats ko. Siguro mga pasado 11pm na yun at tahimik na.

Para ma-visualize niyo, yung apartment namin ay nasa isang malaking bahay na may kanya-kanyang pinto/apartment unit. Nasa 2nd floor kami. At usually by 11pm, kinakandado na namin yung main gate. Nung mga panahon na to, kami lang ang tenant sa 2nd floor.

So eto na nga. Dis-oras ng gabi, may kumatok sa pinto namin.

Bumangon si tatay at nagpunta sa pinto. Nagtataka kami dahil kita yung gate sa ibaba mula sa bintana namin at sarado  pa rin siya.

"Sino yan?" sabi ng tatay ko.

Nawala yung katok. Pero after mga ilang segundo, kumatok ulit pero mas malakas. Pinakuha na ng kûtsîlyô ng tatay ko si nanay sa kusina. Dahil sino nga naman ang mangangatok ng ganung oras. Sumigaw ulit tatay ko ng

"Sino ba yan? Gabi na ah!"

Nawala na yung katok. Hindi na natulog si erpats at binantayan ang pinto. Pero wala na ulit kumatok. Hindi na naulit yun kahit kelan.

Fast forward 2020. May sarili na kong pamilya. Meron ng asawa at anak. Sa ibang lugar na din kami nakatira.

Nanaginip ako isang gabi. Tanda ko yung panaginip ko. Nandun ako sa tapat ng pinto ng dati naming apartment. Tandang-tanda ko yung lugar, mga pre. Yung pinto namin na nabakbak yung pintura kasi kinkutkot ko nung maliit ako. Yung pinto sa kabilang apartment na may "vacant" na nakalagay. Sure ako na yun yung apartment namin nung 1994.

Kumatok ako sa pinto. May narinig akong sumagot. Si tatay.

"Sino yan?"

Sa puntong to, 10 years nang patay si tatay. Pero siguradong-sigurado ako na siya yung sumagot. Sabi ko,

"Ako to! Pabukas ng pinto!"

Pero hindi yata nila ako narinig. Kumatok ulit ako, pero mas malakas. Sumagot ulit tatay ko.

"SINO BA YAN? GABI NA AH!"

Tapos nagising na ako.

Pucha, na-interstellar ata ako, pre.

*************
UPDATE:
*************

After ko i-post to, tinanong ko si ermats ko kung naaalala niya to. Oo raw.

At ngayon ko lang din nalaman na sa ilang beses ko  kwinento tong kwentong to, may detail pala akong na-miss.

Sabi ni ermats, may sumagot daw kay erpats nung unang beses na nagtanong siya kung sino yung nasa pinto.

Ang sabi daw, e papasukin daw siya. Lalake raw. Kaya pala nagpakuha ng kutsilyo erpats ko.

Tâenâ. Kumapal batok ko kabang sinasabi sakin ni ermats to.

📷: Jay Viray (Homepaslupa Buddies V.3)

#FEUSFComeback


📜FEU Secret Files
▪︎2022▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon