Cabinmate 4

82 5 7
                                    

Cabinmate 4

❗️Thank You guys sa pagsupport, pag antay at pagsubaybay . Sorry kung now lang napagpost. This past few weeks kasi e inaatake ako ng anxiety ko. Sorry talaga.

*nasa comment section ang photo*

❌DISCLAIMER: PLEASE READ❗️❗️

❗️Please refrain for saying sa ibang comment lalo na sa mga post ng ibang sender na "nakakainis dahil bitin" "bakit di pa ipost lahat" "uso na pabitin effect" "nakakaboring" "parang wattpad" please stop saying that. ☺️ Give credits and always say thank You sa mga Sender dito sa Page na ito. They’re not here to satisfy you, they just want to share, Just show some respect, especially sa effort nila na magtype.

❗️As much as posible, ayoko talagang mag Add ng "romance" thing sa story ko, pero mahirap magsalaysay kung magsskip ka ng mga pangyayari na connceted sa kwento. I strongly disagree na sa wattpad lang nagyayari ito, try to leave wattpad and see the real world 😉

❗️ Regarding sa mga pabitin effect ng mga sender, especially ako, dahil kotang kota na ko sa inyo kaka to be continue 😂  may limit po kasi ang messenger, di po niya kaya ang haba ng story. And for sure may mga sender po tayo na may work, may business, may pinagkakaabalahan bukod sa pagshashare ng kwento nila kaya ganun ☺️ di ko mapropromise na di ko mapuputol ang kwento. Pero thank You sa mga abangers ☺️  Di na po ako masyadong mag FAFAST FORWARD kasi maraming nagagalit wag ko daw madaliin. 😅
If may maeencounter kayong words na wrong spelling! sorry na agad 😅

❗️Guys, Please!!! Please!!! Keep safe po. Mahal ko kayong lahat ❤️ be positive lang guys. Wag nang magcomment ng nega. 😘

Bago kami pumuntang cabina galing party, Sinabihan ko si faith na deretcho muna kaming crewmess.

"Bakla! Daan muna tayong crewmess” bulong ko saknya habang nakahawak sa braso niya.
"Bakit? Magtetea ka?" Sagot niya sabay tingin sakin.
"Kukuha ako ng baso, may gagawin ako mamaya" agad kong tugon sknya.

Quick info:
Guys, ang crewmess po bukas lagi, pero may time, Morning 7-9am (breakfast ng crew) Lunch 11-1pm, Tea time (meryenda) 4pm, Dinner 6-8. Meron din pang 10pm yung tirang food na pang guest, binababa sa crewmess and dun yung time na kumakain kami ng sabay sabay. Sa crewmess may internatinal food yun, may pang indian, jamaican (kaway2 sa mga nakakamiss ng jerk chicken 😉) filipino, indonesian , mexican etc..May salad area, desert area, fruit area, bread and sandwich, drinks like juice, water, milk, tea and coffee, may cereals. Nagcloclose ang service pero open palagi ang crewmess may iba kasing nag boboard games dun or tumatambay lang 😊 if may allergies ka pala sa food pwede mong sabihin sa head ng mga food attendant para nakabukod lagi ang pagkain mo kapag kakain kana 😊

Habang naglalakad kami sa i95 si kuya chael vinivideohan kami kasi sumasayaw sayaw kami e. Tawa siya ng tawa lalo na kapag nag ootso otso kami wala na kasing ibang tao pag madaling araw na.

Dumeretcho kami sa dishwash (may sariling dishwash ang crewmess) at pumuslit ng baso (guys again, bawal po yun, mayayari po kayo pag cabin inspection) pagkatapos naming kumuha ng baso deretcho na kami sa cabina kasama si kuya chael kasi dun siya natutulog kapag nakakainum takot kasi siyang mag isa sa cabina niya.

Hinanda ko na ang tubig na may asin at nilagay ko na sa pintuan namin. Hindi ko alam sa kung anong dahilan pero parang may humihila sakin para matulog na, alam niyo yung feeling na anytime kapag pumikit ka makakatulog ka, yung tipong relax na relax katawan mo yun ang nafeel ko and nasurprise ako kasi may insomia ako e. Natulog na kami nagdim light si faith, sa lapag si kuya chael.
Agad akong puwesto kasi blessing sakin ganung klaseng antok. Mga ilang minuto nanaginip ako...si jessel!

Sa panaginip ko nakatalikod siya, umiiyak. Tapos tinatawag ko siya ng paulit2 "sel!! Sel!!".

"Wag kang lalapit" tugon niya sakin habang umiiyak.
Pero lumapit pa rin ako "Sel! bakit ka umiiyak, sino nagpaiyak sayo?" Pag katanong ko nun, may tinuturo siya, sabay takbo ng mabilis. Ako naman tumakbo din. Huminto siya sa cabin 8701, lumingon siya sakin habang nakasmirk, tapos binuksan niya ang pinto. Ako din sumunod, pero pag pasok ko wala namang tao. Biglang may kumalabog sa wall ng cr may boses na tila may nahihirapan, sakto may nag beep sabay bukas ng pinto, si culinary admin. tuloy2 siya sa kama niya pero tuloy din ang kalabog sa cr, hindi niya ko nakikita.

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon