5th Floor

80 7 0
                                    

5th floor

Hi admin. Sana po maipost itong naranasan namin ng mama ko sa pinagttrabahuhan niyang bodega sa Pier Dos.

July 18, birthday ng mama ko yun kaya naisipan kong dalawin ang mahal kong ina. Di naman kasi kalayuan yung school ko sa bahay ni mama. Edi yun na nga, pinuntahan ko muna yung bahay ni mama. Nakapadlock yung pinto so it means na nasa trabaho nun si mama, ang ginawa ko dumiretso ako dun. After a few minutes narating ko na at tinanong ko yung guard na nagbabantay.

""Andiyan po ba si mama julie?"" Sabi ko. ""Oo kaano-ano mo siya?"" sagot ng guard. ""Anak niya po ako, pwede po bang ipatawag kasi po birthday ni mama. Salamat po!"" Tapos tumango yung guard, tinawag niya yung isang nagttrabaho dun para tawagin si mama (Nakakatakot yung bodegang yun, nasunog na daw kasi yun tapos may mga patay na nakikita tuwing binubuksan yung bodegang yun. Di na ako nagtaka kasi may mga basag na salamin tapos dun siguro sila pumapasok). Makaraan ang ilang minuto natanaw ko na si mama habang bumababa sa hagdan kasama yung inutusan nung guard. Siyempre birthday ng mama ko kaya nilapitan ko tapos niyakap ko ng mahigpit. Mangiyak-ngiyak kami ni mama dun sa first floor (nagdrama eh) haha.

""Tara bunso, akyat muna tayo, di pa kasi kami tapos magtrabaho"" sabi ni mama. Tumango na lang din ako, nung paakyat na kami ng second floor, tumayo yung balahibo ko tapos bumigat yung pakiramdam ko. Nakita ni mama yun na napasandal ako sa pader na pinagpapawisan at nanghihina. Kinausap ako ni mama ""Bunso anong nangyari sayo? Bakit ka namumutla?"" ""Ma? Tumayo yung balahibo ko pag akyat natin, parang may pumipigil sakin ma"". Sinabihan ako ni mama na madami na daw ang namatay sa bodegang yun. Pinagpatuloy namin ni mama yung pag akyat, nakalagpas na kami ng 2nd floor. May nakita akong bukas na pinto, edi sumilip ako. Sobrang laking kwarto na napakadumi, lalo akong kinilabutan nun.

""Bunso, wag kang sisilip diyan anak kung ayaw mong makakita diyan"" Nabaling yung atensiyon ko kay mama. Sinunod ko naman si mama nun, nung narating na namin ang 4th floor kung san naka assign si mama, pinaupo ako sa isang upuan ni mama, may narinig akong tumatakbo. Tumayo ako sa upuan at tinawag si mama. ""Ma, may tao ba sa taas? May narinig kasi akong tumakbo, bata ata yun?"" ""Anak wag mong pansinin, may batang babaeng ginahasa diyan sa taas at pinatay"" kinabahan ako ng sobra. Halos bumakat na yung puso ko sa sobrang kaba. At dahil gusto kong malaman kung totoo nga yung sinabi ni mama, nagmatapang ako, inakyat ko yung 5th floor kahit natatakot ako. Nakakailang baitang pa lang ako, naririnig ko pa yung hakbang nung bata hanggang sa tumigil.

Nagtaka ako nun kung bakit nawala. Dahan dahan kong iniangat at nilingon yung hagdan. May nakita akong ulo ng bata na nakatingin sakin, duguan yung bata. Gulo-gulo yung buhok at ang sama ng tingin sakin, nanlaki yung mata ko. Halos di ako makagalaw. Nakita kong umatras yung bata at hanggang sa may nahulog na katawan ng manika na walang ulo. Sa sobrang takot ko napatalon ako at tumakbo pabalik kay mama. ""Ma!! P***** *n*, nakita ko yung bata! Hinagisan ako ng manikang walang ulo!!"". ""Haaa? Bumaba na tayo bilisan mo!!"" Nagmamadali kaming bumaba. Nung nasa first floor na kami, agad akong lumabas ng bodega. Nagtatakang nagtanong yung guard. ""Oh? Anong nangyari sainyo?"" ""Nakita ng anak ko yung bata sa 5th floor at hinagisan ng manikang walang ulo, mago-out na din ako!"" Sabi ni mama. Tumingin sakin yung guard at sabay sabing ""Alam kong alam mong may naramdaman ka nung paakyat ka pa lang. Sana hindi ka nakabulabog dito. Dapat hindi na ka umakyat sa taas! Umalis ka na dito, hindi ka welcome sa kanila"" Napabuntong hininga na lang ako at umalis na kami ni mama.

My mom's birthday

📜Spookify
▪︎2016▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon