(4) My weird sister-in-law and her bestfriend

63 6 0
                                    

My weird sister-in-law and her bestfriend 4  

Part 1
https://www.facebook.com/SpookifyOfficial/posts/652243708276573

Part 2
https://www.facebook.com/SpookifyOfficial/posts/652952991538978

Part 3
https://www.facebook.com/SpookifyOfficial/posts/653462204821390

Como esta? It's me Kevin again hahaha. Nalaman na ni Dean, talipandas si Kuya Joey kasi, sinabi nya kay Dean nung nabasa nya. Sinend nya sa messenger yung link gamit ng account ko! Muntikan ng magkapalit yung kamay nya tyaka mukha ko. Tyaka nalaman na din ni Sam pinabasa din ni Dean sa kanya, tinadtad nya ng voiceclip gc namin, puro tawa nya, ang paranoid ko daw, tyaka ang pogi naman daw nyang aswang.

Eto na. Ganito rin nun, mag uundas nung yayain kami ni Kuya Darius na pumasyal dun sa gf nya. Dahil mahilig kami sa roadtrip eh malayo yun samin, sasakit pwet mo sa layo, pumayag kami. Bale mga one day one night kami dun. Ako, Kuya Darius, Dean, Lovely tyaka si King2. Si Sam may ginawa sya kaya hindi namin nakasabay, sumunod na lang sya. Sakto naman yung chikiting ni Dean nasa ermat nya.

Pagdating namin dun syempre lamon agad. Malapit sa ilog yung bahay ni Gemma, syota ni Kuya Darius. Si Dean tyaka Love hinintay si Sam sa may barangay hall. Nauna kami nila King2 sa may ilog. Malinis yung ilog, kita mo yung paa mo sa tubig, wala kang diaper tyaka jackpot na makikita. Si Kuya Darius, trying hard manghuli ng isda pero wala eh hahaha ako naman tapos sila Gemma nagsiligo na. Nung dumating sila Sam, naligo na din sila. Maya maya dumating din yung mga kapatid ni Gemma, may dala silang kwatro kantos, gin bulag. Edi uminom kami pwera kay Dean kasi mabait na bata, nagbagong buhay na, si Kuya Jon ang duterte ng buhay nya hahaha.
De nung mejo me amats na, nagkwento si Jerome, kapatid ni Gemma.

'Twing pyesta ng ilog, taon taon may kinukuha, kaya hindi kami pinapayagan ni tatay na maligo dito pag pyesta'

Si Dean katapatan ko sya, nakain ng bayabas tyaka yung camachile, bale ako nakatalikod sa ilog tapos sya nakaharap, katabi nya si Love. 'Oo nga eh, andami na mula bata hanggang matanda'

Pagkasabi nya nun kinilabutan ako. Sumiksik ako kay Kuya Darius. Ang ginawa ni Kuya Darius, binago nya topic, alam din nya kasi yung kay Dean. Ilang beses na sinabihan sya ni Dean nung mag bf pa lang sila ni Kuya Jon na iwasan nyang mag motor muna, hindi sya nakinig. Naaksidente tuloy sya, kinailangan palitan ng bakal yung buto nya sa binti. Tapos etong si Love nung nasa kainitan kami ng pagkwekwentuhan, tumayo. Di ko pinansin, nagbiruan pa kami ni King2 na baka iihi o tatae lang.

'Sam? Sam si Lovely nasaan?' Pauwi na kami dun lang namin napansin na wala pa si Love, si Dean nakapansin. Si Sam, hindi sumagot agad, una parang wala syang narinig. Magtatanong sana ako ulit pero pinatahimik ako ni Dean. Nakapikit si Sam, yung nagkaka wrinkles gilid ng mata nya sa sobrang riin.

'Mauna na kayo Darius, hahanapin ko si Love' sagot nya.

Nag-aalala na sila, pero kinalma sila ni Dean na okay lang, hahanap lang  daw sila ng matinong signal para matawagan si Love. May mali na talaga, kasi yung cp ni Love asakin, nasa bag ko. Kaya imbes na sumama pauwing bahay nila Gemma, nagpaiwan ako, pati si King2. Nagalit si Sam kasi bat pa daw kami nagpaiwan, idinahilan ko na lang na baka may mangyaring masama kay Love. Yari ako sa tatay nya na uncle namin, laking tao pa naman. Si King2 naman naiiyak na kasi syempre kapatid nya yun. Pinatahimik kami ni Sam tapos tumingala sya, ang weird kasi para syang may inaamoy.

Saka sya lumakad, patawid ng kabilang panig ng ilog. May part ung ilog na mababaw, ang ginawa ko para hindi mabasa yung mga cp namin iniklian ko yung strap ng bag ko, yung nakadikit na sa leeg ko hahaha. Nakahawak sakin si King2, si Dean naman kay Sam. Kung samin ni Sam hanggang baba ng pwet lang namin, yung sa dalawa hanggang bewang. Nung nakatawid na kami, tumakbo si Sam sa may mga puno. Di naman as in kakahuyan pero may mga puno, malilim. Makikita mo kung may tao sa paligid.

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon