I saw a demon and visited hell (Part 4)

180 3 0
                                    

I saw a demon and visited hell (Part 4)

Eto na links para sa mga maghahanap. Sa mga di magbabasang mabuti at hihingi pa din ng links, bahala na kayo HAHA! :P

Part 1 - https://www.facebook.com/SpookifyOfficial/posts/535250523309226
Part 2 - https://www.facebook.com/SpookifyOfficial/posts/537259206441691
Part 3 - https://www.facebook.com/SpookifyOfficial/posts/542006845966927

Spookify hindi ko alam kung eto na ang huli kong pagsend ng story ko about sa ZK.

Nasa ****** ako ngayon, dito muna ako magtatago sa dami nang nangyari. May internet connection naman dito. Kayo lang ang nakaalam kung nasan man ako ngayon. Hinihintay ko lang mapuno ang bus at magbabyahe na rin kami paalis dito.

Sorry guys. Pero mali ako. Maling mali ang lugar na napasukan ko. Si Krissy, nilinlang niya ako. Lahat sila pare parehas sila, ang mga artista at politician ay palabas lang nila. Narinig ko sila, pinag uusapan nila ako. Gagawin nila akong alay. Papatayin nila ako. Hindi ko alam, nababaliw na ko. Sobrang lamig dito sa bus pero iba pa rin ang nananaig sa katawan ko. Kinakabahan ako. Andami nila. Hinahanap nila ako. Ako ang pakay nila. Ayaw nila sa iba. Ako ang gagawin nilang alay para sa ritual. Ang pagbisita ko sa impyerno ay totoo. Alam ko sa sarili ko yon. Pero nilinlang nila ako. Hindi nila ako gustong maging miyembro, nagustuhan nila ako dahil sa hilig ko sa mga ganito. Ako ang gagawin nilang sakripisyo para sa ritual.

Ayoko na. Gusto ko nang umalis dito. Andami nang missed calls sa cellphone ko. Iba ibang number, iba ibang mensahe. Hinahanap nila ako. Pumunta na daw ako sa ZK. Sa inyong lahat pasensiya na. Akala ko maganda lahat mangyayari sakin dito. Kung makaligtas man ako sa kanila susubukan ko ulit mag update sainyo. Iba sila, hindi sila ordinaryong mga tao. Natatakot na ko. Pasensiya na kung hindi ko natuloy ng maayos yung storya ko. Susubukan ko kung makakaligtas ako. Alam ko nag aalala na rin mga magulang ko sakin kung nasan ako, kahit mga kaibigan ko wala silang alam sa lahat ng mga nangyayari na to.

Ayan na pala pumasok na mga ibang pasahero, paalis na kame. Paalam Spookify. Please pray for me.

Cray

📜Spookify
▪︎2016▪︎

https://www.facebook.com/350647578436189/posts/545168465650765/

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon