(3) My weird sister-in-law and her bestfriend

65 5 0
                                    

My weird sister-in-law and her bestfriend 3

Part 1
https://www.facebook.com/SpookifyOfficial/posts/652243708276573

Part 2
https://www.facebook.com/SpookifyOfficial/posts/652952991538978

Bakit ko nasabing aswang sya? Kasi obviously, si Raphael kamag anak nya. Yung pagiging magkahawig nila hindi yun maitatago. Mula nang makita ko si Raphael, may asong itim na malaki na laging umaaligid sa bahay namin tuwing ala sais ng gabi. Mahilig kami sa aso, hindi dahil mahilig kami sa asosena, pero pet lover talaga kami hahaha.

Ang nakaka kilabot sa asong yun, may kadena sya sa leeg na sobrang taba, minsan si Kuya Joey sinubukan nyang tanggalin yun, bigla syang inangil, binuhusan tuloy ni nanay ko ng tubig. Magbabakasyon na nun at kuhaan na lang ng grades. Nung nakita ko ulit si Sam sa campus, sinabi ko sa kanya. Natahimik sya saglit.

'Alam ni Dean?' Tanong nya.

'Oo tinext ko sya non eh. Ano bang pwedeng pangontra sa aswang brad. Natatakot talaga ako'

'Alam nya pero di nya sinabi sakin. Nung makita mo yung lalaki asan sya, asa loob ba ng bakuran o nasa labas?' Di nya pinansin yung tanong ko, tyaka para syang galit.

'Asa labas ng gate nakaupo. Kuya mo ba o uncle mo yun?'

'Pinsan. Sige uwi na ko'

Hinabol ko sya, kinulit kung may alam ba syang pangontra sa aswang. Hindi ko sinabi sa kanya na hinala kong yung si Raphael aswang at sya yung aso.

'Magsunog ka ng goma, kahit maliit lang. Interior ng gulong o kaya tsinelas tuwing nandoon yung aso. Pag may lana kang may mga ugat ng halaman sa loob lagay mo yun sa may bintana. Uuwi na ko'

Nakatambay lang ako sa may silong ng mangga nung maktita ko yung grupo nila Bobby. Lumapit sila sakin, may inabot na invitation sakin si Bobby.

'Bakit ito?'

'Yung si Mariel. Sabi bigay ko sayo. Ikakasal na sa sabado yan. Punta ka jamming ulit tayo. Dun ka na matulog samin'

Ayoko sana talaga kaya lang kaibigan ko yung ikakasal tyaka lamang tyan din yun. Hindi ko naman naisip na taga roon din kila Sam si Raphael.

Supper wedding. Pagkatapos ng kainan yung sayawan. Sayaw ng chicks, upo, repeat. Nung nagyaya yung isa ng inuman doon sa may kubo sa likod bahay nila Mariel, sunod kami agad. Hating gabi na nung may ibang dumating, akala ko nung una si Sam.

'Paeng!'

Nagtaka na ko. Kung takot sila kay Sam, bakit kay Raphael hindi? Asikasong asikaso pa nila, kahit si Bobby. Nawala amats ko nun, nakatingin sya lagi sakin, parang nagtataka itusra nya. Napansin nung iba na nakatingin sya sakin.

'Ay oo nga pala Paeng, si Kevin, Kevin si Paeng'

'Paeng?'

Hinampas ako ni Bobby sa braso. 'Paeng for short. Raphael for long'

Tumawa ako, pilit. Hindi dahil corny yung joke pero gusto ko na talagang itago takot ko.

'Kilala ko sya. Bayaw sya nung bestfriend ni Samuel. Kamusta kevin?'

Sumagot ako na ayos lang. Nagsisisi ako nung mga oras na yun kung bakit di ko dinala motor ko, gusto ko ng umuwi. Nagulat ako nung sabihin nya na ihahatid nya na ako pauwi. Pano nya nalaman na gusto ko na umuwi.

'Wag na kuya, okay na ko kila Bobby ako matutulog. Tara brad uwi na tayo'

Hindi ko na hinintay na makaangal si Bobby. Kulang na lang kaladkarin ko sya pauwi. Nung nasa sa kanila na kami, tinanong nya kung anong problema. Mabait naman daw si Raphael. Tinawanan ko sya. 'Mas gugustuhin ko ng ilang ulit si Sam kesa sa kanya'

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon