Unknown Roommate

67 7 0
                                    

Unknown Roommate

I'm not from UST. Recently ko lang nakita yung page nyo kaya naisipan kong ishare yung nangyari sa akin last year.
June 2014:
I'm an incoming freshman student and since malayo ung bahay namin, my parents insisted na magdorm nlng ako para daw hindi ako mahirapan umuwi everyday.
June 2, 2014 unang araw ko sa dorm at wala pa yung roommate ko. Baka dw mamaya pa darating. Around 9pm nkatulog ako sa pagod sa pag aayos ng mga gamit ko. Naalimpungatan nlang ako sa tunog ng closet ng roommate ko, naglalagay ata sya ng gamit (ung closet nya nkatalikod saikn then ung closet ko nakaharap sakin. Magkahilera ung dalawang closet na nagsisilbing harang/hati sa area namin. So paa nya lang ung pwede kong mkita if nakahiga sya). Dumapa ako sa kama ko tapos kinausap ko sya.
ME: Hi! Ako si ******* ung roommate mo. Hehe. Ang creepy mag-isa dito kanina sobrang tahimik. Buti andito kna, may kasama na ko. Haha!
HER: (No response, langitngit lang ng closet ung naririnig ko)
ME: Busy ka ba? Bukas nlng tayo mag usap antok pa din nga ako e. Hehe. Goodnight!
Nahiga na ulit ako. Pumasok ata sya sa CR kase narinig ko ung pag bukas at pagsara ng CR then ung ilaw nakabukas. Nagring ung phone ko kaya bumangon ako sa kama ko then kinuha ko sa study table ko ung phone tumatawag mama ko, sinagot ko after ilang minutes balik na ko sa kama ko. Nakita ko din nakahiga na yung roommate ko kaya natulog na din ako.

KINABUKASAN:
Palabas ako ng room namin (madadaanan ko ung area nya) pero wala sya sa kama nya. Pagbukas ko ng pinto, papasok din sya may dalang bag at ibang gamit.
HER: Hi! Morning! :) Ako si ****, roommate mo. :)
ME: Hi! Pasok ka na. Ako si *******. Nice to meet you! :)
HER: Ang hassle! Dapat kahapon pa 'ko andito kaso walang maghahatid saken busy parents ko kahapon pati kuya ko. Di pa naman ako marunong papunta dito. Ngayon lang ako dumating, wala ka tuloy kasama dito kagabi. Kuya ko pa naman tinatakot ako kase GF nya daw umalis dati sa dorm na to kase nakakatakot ung atmosphere sa ilang rooms pag naiiwan mag isa. Bwisit! Makapanakot lang e. Haha!
ME: (Silence.....)
Bigla akong natameme at natulala sa narinig ko. Nag sink-in agad sa utak ko ung sinabi nyang ""NGAYON LANG AKO DUMATING"" at ""WALA KA TULOY KASAMA DITO KAGABI""

Bigla akong naapaisip, Shit na malagkit! Sino ung kinausap ko kagabi, bakit tumutunog ung closet na parang may naglalagay ng gamit, sino nagpunta sa CR at kaninong paa ung nakita ko sa kama nya?Ang tanging naisagot ko lang sakanya e ""Ah ganon ba? Hehe. Ok lang yun."" Pero sa loob-loob ko gusto ko ng mag alsa-balutan paalis ng dorm sa araw at oras na un mismo. Nakiusap ako ng sobra sa mama ko na lilipat nlng ako kahit mag board nlng ako basta 3-4 persons kami per room kase duwag talaga ako. Pinayagan nya ko at paunti-unti ko kinukuha ung gamit ko sa dorm that time. After 2 days nakasalubong ko sa school ung roommate ko dapat dun sa dorm, tinawag nya ko.
HER: Di mo ko tinxt na dun ka muna matutulog kagabi, pag pasok ko ng room papasok ako ng CR nakita kitang nakatalikod nakahiga sa kama mo. Galing ako sa kabilang room sa ka-block mate ko. Tulog ka na ata, tinatawag kita di ka sumasagot. Next week pa daw darating bago kong roommate, sosyalin anak mayaman nasa ibang bansa pa daw e may pasok na. Haha! Nakakatakot mag isa dun. Peste! Hahaha! May paalis-alis ka pa kasing nalalaman. Anong oras ka ba umalis kanina? May naiwan ka pa dun na gamit.
ME: (Loading ung utak ko nun sa pinagsasabi nya e.) Ha? Di ako nakapunta sa dorm nyo kahapon. Kaya nga di ko pa nakuha ung ibang abubot ko sa study table dun. Mamaya pa ko pupunta.
HER: Wag mo 'ko tinatakot! Ewan ko sayo! Sabay ka nlng sakin mamaya papuntang dorm. Sige na, late na pala ako. See you later ha! :D

After a month nag txt sya saken, umalis na daw sya sa dorm kasama ung ibang blockm8s nya. Nag rent nlng daw silang 6 ng apartment para mdami sila at sabay2 silang aalis at uuwi ng apartment para wala dw naiiwan mag isa. Kakaiba daw kase ung pakiramdam ng bawat isa sa kanila pag mag isa sa room nila.
Eto lang po ang maiishare ko sa inyo. Sama2 na pala kami ngayon sa apartment kase lumipat ako sa knila. Thank God wala namang kakaiba sa apartment. Hehe. Thank you sa pag babasa nitong story ko. Sana walang mamilosopo o mambara. :)) God Bless!

Ayah M.

📜Spookify
▪︎2015▪︎

[1] True Filipino Horror Experiences (Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon